September. Pang-siyam na buwan sa loob ng isang taon. Una sa mga tinatawag na "Ber" Months. Lumalamig na naman ang simoy ng hangin. Nagsisimula ng magparamdam ang mga inaanak. Ibig sabihin lang ay papalapit na ang December. Malapit na ang pasko. Sa mga susunod na buwan ay may makikita ka ng mga dekorasyon na pang-pasko. Dumadami na din ang mga gumagawa ng "early christmas" shopping. Ilang buwan na lang din ay makakarinig ka na ng mga kantang pamasko.
Kasabay ng paglabas ng mga dekorasyon at iba't-ibang bagay na may kaugnayan sa kapaskuhan, ay nauuso na naman ang mga SMP. Samahan ng Malalamig ang Pasko. Mga taong "single" ang relationship status (as of now).
May mga nababasa na kong mga post at tweets about sa mga SMP pero konti pa lang naman. Mga nagsasabi na "single" sila. Nagpaparamdam. Di ko alam kung naghahanap sila o sadyang trip lang nilang magpost about SMP. Literally, malamig naman talaga ang pasko kaya walang problema kung miyembro ka ng Samahan ng Malalamig ang Pasko (SMP).
Aminin na din natin sa masarap ang feeling kapag may itinuturing kang "special someone" ngayong darating na pasko (kahit hindi naman pasko) pero wala din namang problema kung single ka. On the other note may almost three (3) month ka pa naman para "makahanap" (Yes! may tatlong buwan pa ko). Malay mo makilala mo siya sa work place mo. Baka naman kaklase mo. Pwede din na kapit-bahay mo lang. Darating pa ang November, baka makasalubong mo siya sa sementeryo (may chance!). Sa simbang-gabi, baka makatabi mo siya sa simbahan. Pwede din na isa siya sa kumakanta ng Christmas Carol ngayong darating na December. Baka makakasalubong mo lang siya mamaya paglabas mo ng bahay. Three (3) months will always be three months. Di natin alam ang pwedeng mangyari.
Wala din namang problema kung mag-popost or mag-tweet ka sa mga social networking sites about being a member of SMP. Kung minsan, kailangan mo din namang hanapin ang love, mahirap na naghihintay lang. Darating din ang love, mag tiwala ka lang. Kung aabot sa December, Congratulations!, at kung hindi naman, walang problema. Mahirap namang sabihin na nagkaroon ka lang ng relationship dahil gusto mo lang na may makasama ngayong darating na pasko. Alalahanin na lang din natin na ang celebration na darating ay Christmas Day at hindi naman Valentine's Day. Tungkol sa pagbibigayan sabi nga ng iba.
2 comments:
merry christmas hehehe
ahahaha
Post a Comment