Di kumpleto ang elementary days mo kung hindi ka nakasulat kahit isa man lang sa mga 'to. Halos lahat ng mga babae noon ay gumagawa nito pero may ilan din naman akong kilala na lalaki na merong ganito (kahit ako gumawa nito).
Slam Note o Slam Book. Autograph pa pang kung tawagin kung minsan. Kailangan mo lang ng isang notebook (magsasayang ka ng isang notebook) para makagawa nito. Kahit anong size ng pwede. Kung may pagka-artistic ka naman at hindi ka kuntento sa mga simple lang, pwede kang gumawa ng sarili mong Slam Note o Slam Book. Lagyan mo ng iba't-ibang disenyo, balutin ng makukulay na papel at dikitan ng madaming stickers. Ikaw ang bahala (sa'yo naman yan eh). Actually, may nabibili ng mga Slam Book pero iba pa din yung sarili mong gawa. Para sa mga tamad na gaya ko noon, sapat na ang simpleng notebook. Lagyan lang ng "title page" at pangalan ko sa baba pagkatapos ay lagyan ng plastic cover (para presentable kahit papaano), okey na.
Laman ng mga Slam Book ang mga maituturing na "personal profile" ng mga taong magsusulat dito. Pero don't worry, for entertainment purposes lang naman ang silbi ng mga information na isusulat mo sa loob (pero depende siguro sa owner kung anong gagawin nya sa mga nakasulat). Most of the time ay ang owner ang unang nagsasagot ng mga tanong sa Slam Book nya. Ang iba naman ay may "Introduction Page" o yung page na tungkol sa owner.
Para sa Part I ng Slam Book, karaniwan ng mga personal information ang tinatanong kagaya ng mga sumusunod:
1. Name
2. Nickname
3. Address
4. Birthday
5. Zodiac Sign
6. Hobbies
7. Contact No. (karaniwan ng landline number ang nakalagay kasi di pa uso ang mga cellphone dati).
8. Email Address (Friendster account yan, wala pang Facebook at Twitter noon).
Para naman sa Part II, kailangan mo munang gumawa ng "partition". Simple lang naman, tupiin mo lang ang pahina ng notebook tapos sulatan mo gamit ang "Stabilo" para mas makulay. Tungkol naman sa mga "Favorites" ang nakalagay dito; (1) Colors, (2) Movies, (3) Books, (4) Actor, (5) Actress at kung anu-ano pang mga "favorites".
Susunod na ang mga "Showbiz" questions. Ito yung mga tanong tungkol sa "Love". Ito ang pinaka magandang parte ng Slam Book. Paborito ko 'to sa lahat. Dito nagkakaalaman kung sino ang crush mo sa loob ng klase. Pagkatapos ay halos buong taon ka ng aasarin (or ili-link,naks!) sa crush mo. Ilan sa mga katanungan na nakasulat dito ay ang mga sumusunod:
1. Describe your self. - Karaniwan ng sinasagot dyan ang "Judge me na lang". Sagot ko din dati yan.
3. Define love. - Lyrics ng kanta ang madalas sinasagot noon kagay ng "Love is all that matters" at "Love moves in mysterious ways". Basta wala pang malalim na depenisyon ang love noon di gaya ngayon.
4. Who is your First Love? - "God" and "Family" ang madalas na mababasa mong sagot sa ganyang tanong. Pero may malalakas ang loob na talagang sinusulat yung talagang name ng "First Love" nila.
5. Described your First Love. - Describe your family ang madalas nangyayari sa tanong na 'to. Para naman sa mga sumagot ng talagang name ng "First Love" nila, malamang ay ide-describe nga nila.
6. Where and when did you meet him/her? - School o kaya naman ay kapit-bahay ang karaniwang sagot sa tanong na 'to.
7. Who was you First Kiss? - "Mother" ang top answer dito.
8. Who is your Crush? - Most of the time ay dapat pangalan ng kaklase ang isasagot mo dito. Pero may mga iba naman na nagsasagot ng mga pangalan ng artista para "safe" sa asaran. Kung minsan naman, di nila sinasagot, nilalagyan na lang ng "Secret" o kaya naman "None". Natatawa ako noon kapag na nabasa akong nagsagot ng "No". Imagine: Who is your Crush?, tapos ang mababasa mong sagot "No". (alam ko naman na na-gets mo yung joke kaya di ko na kailangan i-explain kung ano ang mali).
9. Describe your crush. - "Gwapo", "Maganda" at "Matalino", yan ang top 3 answers na mababasa mo para sa tanong na 'to.
May mga ilang tanong din na tungkol sa iba't-ibang "Moments" at kung anu-ano pa kagaya ng mga sumusunod:
1. Happiest Moment
2. Embarassing Moment
3. Your Greatest Dream
4. Motto - Aaminin ko na isa ako sa mga makorning bata noon na nagsagot ng "Tak-tak-tak sa Aji-No-Moto sa page na'to
Last part ng Slam Book ay ang "Dedication". Sinusulat mo dito ang mensahe mo para sa may-ari ng Slam Book. Kadalasang pasasalamatan mo ang owner at lalagyan mo ng mga imbentong "acronym" sa bandang baba. Pagkatapos ay pipirmahan mo na. Pinaka-sikat sa mga "acronym" na 'to ang:
J - Just
A - Always
P - Pray
A - At
N -Night
6 comments:
Nung sumagot ako sa slam book, wala pang email address :p hahaha
ahahaha how sad.. samin meron na ..
Hello!
We have received your blog registration. We're just waiting for BNP to be linked in your blog. Kindly let us know once done so we may already add your blog to our listings.
Thank you,
BNP
blogsngpinoy.com
ok na po.. na add ko na po..
bet ko toh! FLAMES din! :)) HAHAHHAHAA
salamat! ahaha try ko ding gawan ang FLAMES ahaha
Post a Comment