"Halos dalawang dekada na din mula ng mamulat ang aking mata sa ating mundong ginagalawan. Anu-ano na nga ba ang mga pinagbago ko mula noong isinilang ako? Anu-ano na ang mga bagay na natutunan ko? Ilang kabutihan na ba ang nagawa ko? O mas magandang tanong, nakagawa na ba ako ng kabutihan? Gaano kadaming kasalanan na ba ang dapat kong ikumpisal?"
Masasabi kong isa sa mga madalas kong gawin nitong mga nagdaang araw ay ang "pagbabalik-tanaw". Reminiscing kung tawagin (kadalasan habang nag-sosoundtrip using earphones, para may background music, Astig!). Di ko din alam kung bakit, pero for this past few days, naging interesado ako sa pagbabalik-tanaw kung ano nga ba ang mga nangyari sa'kin sa nakalipas na halos dalawang dekada. Mga bagay na pag naaalala mo ay bigla ka na lang mapapangiti (mag-isa). Magkahalong masaya at malungkot na mga pangyayari. Maaaring iniisip mo habang binabasa mo 'to na ang weird ko. Huwag kang mag-alala, may mga kaibigan na din akong nagsabi sa'kin na may pagka-weird ako (na sa tingin ko naman ay parang di naman). Ang nakakatuwa lang, kung sino pa ang mga taong itinuturing kong mga weird, ay sila din mismo ang nagsasabing weird "daw" ako.
Kung isinilang ka sa mga taong 1990, 1991, 1992, 1993, Aba! Hello Batchmate!. Kabataan noong 90's kung tawagin.
Kung iisipin, parang kailan lang. Parang kailan lang na nasa crib pa tayo. Parang kailan lang ay may "pacifier" pang nakalagay sa bibig natin. Parang kailan lang ay nasa "stroller" pa tayo habang namamasyal. Parang kailan lang ng una tayong matutong magsalita. Parang kailan lang ng matuto tayong magbasa at magsulat.
Sa nakalipas na halos dalawang dekada (20 years), humigit-kumulang labing-anim (16) na taon ang gugugulin mo para sa pag-aaral. Anim (6) na taon para sa elementarya (walo (8) kung isasama ang prep at kinder). Apat (4) sa highschool at karaniwang apa (4) na taon para sa kolehiyo (depende sa kursong kukunin mo at lalong depende sa magiging performance mo sa kolehiyo).
Matulog, umiyak, tumawa, tumakbo, maglaro maghapon at manood ng mga cartoons at iba pang pambatang palabas. Mga bagay na karaniwang ginagawa ng mga batang nasa edad 4 - 5 taong gulang (na wala din naman masyadong pinagkaiba sa mga bata ngayon). Bukod sa mga nabanggit, sa ganitong edad din sila unang papasok sa paaralan. Prep at Kinder. Subalit ilan sa mga bata ay hindi na nakakapag-prep at kinder, Grade 1 agad.
Makikilala mo ang una mong ituturing na (mga) guro. Mga guro na magmumulat sa'yo kung anu-ano ang mga bagay na nakapaligid sa'yo. Mga gurong pasasalamatan mo pagdating ng araw dahil sa pagtuturo ng mga simpleng abakada, pagbasa at pagsulat. Saglit na oras lamang ang ilalagi ng isang bata kapag nasa prep o kinder. Nasa tatlo o apat na oras lang ata (kung tama ang pagkakaalala ko). Ngunit sa bawat minutong lumilipas sa tatlo o apat na oras na ito, unti-unting natututo ang mga bata.
Dito mo din makikilala ang mga bagong kaibigan. Mga batang halos kasing mo edad din. Mga bata na makakasama mo sa sa loob ng ilang oras na pananatili sa silid-aralan. Isa sa mga bagong kaibigan na ito ang maaari mong maituring na matalik na (mga) kaibigan o "bestfriend(s)".
Isa sa mga hinahangaan kong propesyon ang pagiging guro. Bilib ako sa mga guro lalo na ang mga nagtuturo sa prep at kinder. Bilib ako sa haba ng pasensya nila sa mga bata. Bilang guro, hindi ka pwedeng magalit basta-basta. Hindi mo pwedeng sigawan at paluin ang mga bata. Kung may nakababata kang kapatid na nasa edad 4-5, kahit isa lang, malamang alam mo kung gaano sila kakukulit. Isipin mo na lang kung gaano kakulit ang mga batang ito kapag nagkasama-sama na sa isang silid. Bilib ako sa paraan nila ng pagtuturo. Nakikipaglaro sa mga bata habang nagtuturo.
Elementarya...
Sumunod na hakbang ng pag-aaral para sa ibang mga bata subalit ang ibang mga bata ay ito pa lang ang unang pagkakataon na makatungtong sa paaralan. Mapalad ka (kagaya ko) kung ikaw ay nakapag-prep at kinder. Kumbaga sa pag-eexercise, nakapag warm-up ka na. Kahit paano ay may ideya ka na kung ano ang mga bagay na ginagawa sa paaralan.
Anim (6) na taon kang mananatili sa loob ng paaralan sa elementarya. Di kagaya ng maiksing oras sa prep at kinder, halos kalahating-araw kang mananatili sa paaralan. Kung sa pampublikong paaralan ka (kagaya ko), may mga pang-umaga at pang-hapon (di ko alam kung bakit pang-hapon ang tawag pero tanghali naman sila pinapapasok). Madalas na ang mga "matatalino" na nasa matataas na section, ang nasa pang-umaga. Ang iba pang natitira ay nasa pang-hapon.
Kung nakapag-aral ka ng prep at kinder, maaaring naging basehan ang naging "grades" mo para malaman kung saan kang section nababagay. Pero di ko alam kung ano ang mga nagiging basehan kapag bagong enroll ka pa lang o yung mga batang di nakapag-prep at kinder. Binabase ba nila sa mukha ng bata? kapag naka-salamin at mukhang matalino ang bata, ilalagay na sa mataas ng section? o depende kung gaano ka-close ang mga magulang ng bata sa mga opisyales ng paaralan na namamahala sa enrollment?. Hula ko lang lahat ng mga yan (tanong ko nga minsan sa opisyales ng paaralan).
Sa humigit-kumulang na labin-limang (15) taon kong pag-aaral (Trivia: isang linggo lang ako sa prep, nilipat agad ako sa kinder, accelerated, hanep!) isa sa pinaka-kinaiinisan ko ang paggising ng maaga (madaling araw pa nga kung tutuusin). Sigurado akong hindi lang ako ang estudyanteng nakaranas o nakakaranas nito. Hindi maipagkakaila na masarap matulog (alam mo yan!). Yung moment na pagkagising mo ay nakatunganga ka sa harapan ng pagkain mo (kung nag-aalmusal ka man) at matatauhan ka na lang 'pag halos kasing lamig na ng patay ang pagkain mo dahil sa tagal ng nakatiwangwang (lalo na kung noodles ang almusal mo). O kung kumakain ka naman ay lumulutang ang isip mo. Bagamat gising na ang katawan mo ay nasa kama pa din ang isipan mo at mahimbing pa ding natutulog. Napakalakas ng "Gravity" kapag umaga (mismo!).
Isa sa mga pagsubok bilang pang-umaga ang paliligo. Malamig ang tubig. Malamig ang simoy ng hangin lalo na kapag sumapit na ang "ber" months. Madalas ay kinakapa mo pa ang tubig. Tinatanya muna kung gaano kalamig ang tubig. Wisik-wisik muna sa katawan. Kapag sinigawan ka na ng magulang mo na mala-late ka na ay bigla kang magbubuhos. WATDA! Boom! Gising ang diwa mong natutulog pa panigurado. Naisipan ko din naman na mag-init ng tubig na ihahalo sa malamig na tubig para maligamgam ang ipapaligo ko. Pero sabi sa'kin ng mga magulang ko na inaaksaya ko lang daw ang gas na gagamitin para mag-init ng tubig. Dagdag pa nila, sayang din daw ang tubig na mainit na imbes na magagamit na pang-kape ay ipang-liligo ko lang (may point!).
Bilang pang-umaga (dahil nasa mataas na section ako, Naks!), obligado kang umatend ng flag ceremony. Kung ka-batch kita, unang-una na ang pagdarasal. Kasunod ang paglalagay ka kanang-kamay sa kaliwang dibdib, pag-awit ng pambansang awit, ang Bayang Magiliw (Joke!), ang "Lupang Hinirang". Itataas ang kanang-kamay (pormang nangangako) at bibigkasin ang "Panatang Makabayan". Inabutan pa namin ang "original version" nito bago na ito na-revise. Kasunod ang pag-awit ng "Pilipinas kong Mahal" (kung nakalimutan mo na ang lyrics, i-search mo sa "google"). And wait, there's more, akala mo tapos na ang kantahan? kakantahin nyo pa ang "Alma Mater Song" ng inyong paaralan. Bawat paaralan ay may kanya-kanyang "Alma Mater Song". And last but not the least, hindi mawawala ang pag-eexercise sa umaga. So why do you build me up (build me up), parte ng lyrics ng gasgas na gasgas ng kantang "Buttercup" bilang music kapag nag-eexercise. Salitan lang sila ng "Mag-exercise tayo tuwing umaga" ni Yoyoy Villame (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa). Kung nasa Grade 1 hanggang Grade 4 ka ay mag-paparticipate ka pag at mag-eexercise ka. Kung nasa Grade 5 at Grade 6 ka naman, malamang ay mas pipiliin mo pang makipag-kwentuhan na lang sa kaklase mo kaysa sa mag-exercise. (Ten... tenten.. tentenenenen.. ten!) hindi yan puro sampu, hudyat yan na tapos na ang flag ceremony at pupunta na kayo sa inyong silid-aralan. Sad to say, Monday to Friday mong gagawin yan tuwing umaga, paulit-ulit sa loob ng anim na taon. Hindi lang sa pang-umagang klase ginagawa yan, pati na ang mga pang-hapon (na tanghali naman pumapasok) na estudyante, ay may ganyang "ritwal" din maliban na lang yung pag-eexercise (pero kung trip mong mag-exercise sa tanghali, pwede din).
Grade 1. Di ko maituturing na magkaparehas sila ng prep at kinder. Ibang-iba ang mga ito sa Grade 1. Malaki ang pinagkaiba. Bawas na ang mga oras ng paglalaro. Mas mahaba na ang oras ng pag-aaral (as in aral na talaga). Mas madami ka ng kaklase at higit sa lahat, wala na sa tabi mo ang mga magulang mo (don't worry, nasa bahay mo lang naman sila). Ang tanging nasa loob lang ng paaralan ay ang guro mo, mga bago at dating kaklase at ikaw (Hala!). Pero don't worry, di pa naman masyadong "nangangagat" ang mga guro sa Grade 1.
Aaminin ko na biktima (din) ako ng "Wag mo 'kong iwan" syndrome (imbento ko lang yan, di ko kasi alam ang talagang term). Pagkakataon na kung saan ang bata ay ayaw magpaiwan sa paaralan na hindi kasama ang kanilang magulang. Madalas na nararanasan ng mga Grade 1 students. Ilan sa mga dahilan ang naisip ko kung bakit nakakaranas ng "Wag mo 'kong iwan" syndrome; (1) nasanay na madalas kasama ang mga magulang, (2) natatakot sa mukhang mataray na guro, (3) takot sa mukhang "bully" na bagong kaklase. Sa palagay ko, ang pangalawa at pangatlo ang dahilan. Opinyon ko lang naman.
Uwian at recess. Yang ang mga kadalasang sagot ng mga estudyante sa elementarya kapag tinatanong sila kung ano ang paborito nilang subject (hanggang ngayon pa din naman ata).
Kung nag-aral ka sa pampublikong paaralan kagaya ko, kalimitang tumatagal lamang ng 15 minutes hanggang 20 minutes ang recess. Gamit ang "tray" na kukunin ng mga "masunurin" mong mga kaklase sa canteen. Madami din naman ang laman ng tray at hangga't maaari, dapat ubos ang laman ng tray o mabibili lahat ng laman nito). Mani, dilis, mixed nuts, junk foords, sandwich (made in pandesal with palaman), cupcakes at dalawang box ng juice. Kung minsan, may kasamang hotdog, barbeque at mga prutas. May mga "soup" din naman na kung hindi sobrang init e malamig naman. Sobrang init na halos aabutin ng 10 minutes bago lumamig (OA, pero totoo). By row ang pagbili, bawat araw ay may row na mauuna; Monday row 1, Tuesday row 2, blah... blah.. blah... Kung kayo ang nasa huling row, maswerte ka na kapag may natira pang mga juice, barbeque, hotdog at junk foods. Kalimitan mo ng mabibili ay ang bihirang maubos na "soup" kasama ng mga mani at dilis.
Uwian. Halos lahat naman ata ng estudyante sa lahat ng antas ay ito ang paborito. Masarap umuwi kung hindi ka "cleaner". Bawat araw, may row na dapat maglinis ng silid-aralan pagkatapos na klase. Kung minsan naman, piling estudyante o yung mga makukulit na bata ang naiiwan para maging "cleaner".
Bukod sa sangkatutak na tricycle at mga pedicab, bukod pa ang sundo mo, makakakita ka ng mini-palengke. Maraming paninda. Dirty ice-cream, scramble, palamig, mga laruan, at mga "alagang-hayop". Mga street foods kung tawagin o yung mga pagkaing mura na, marumi pa (sabi nila). Kung ano ang uso, yun ang makikita mo. Noon ay uso ang beyblade, Tamiya (laruang kotse na pang-karera), Crush Gear (laruang kotse din pero may mga "weapon"). Sa mga itinuturing na "alagang-hayop", di mawawala ang mga isda, gagamba at komang (parang malaking suso (snail) na may sipit kagaya ng sa mga alimasag). Pag-uwi mo dapat atleast nakabili ka sa mini-palengke ng mga "souvenir" sa labas ng paaralan mo para paniguradong kumpleto ang araw mo.
Sa anim (6) na taon sa elementarya, katumbas din nito ang anim na Class Picture. Say "Cheese". May mga makokorni kang kaklase na magsasabi ng "Keso" (Oo, nakokornihan ako sa kanila noon pa). Nagtataka ako dati kung bakit pa kailangan na magsabi ng "Cheese" kapag nagpapakuha ng litrato. Nasa Grade 4 na ako nang ma-realize na pormang nakangiti ang bibig mo kapag binibigkas ang salitang "Cheese" (Aha!). Hindi ako nagsasawang tingnan paulit-ulit ang anim na Class Picture ko noong elementary ako. (Uyyy! Hahanapin nya yung kanya). May mga pagkakataong nakangiti ka at mayroon din namang nakapikit. May pormal at may "wacky". Kung minsan, may mga kaklase ka (o ikaw mismo) na wala namang pinagkaiba ang pose sa pormal at "wacky".
Hinati ko sa apat (4) na uri ang mga guro sa elementarya; (1) beterano na gurong nakakatakot, (2) beterano na gurong hindi nakakatakot, (3) mga baguhang guro na mukhang hindi sigurado sa kanilang itinuturo at (4) mga gurong nagbebenta ng mga "pampatalinong pagkain" (yema, mani, at madami pang iba).
Karaniwang nasa hanay ng mga unang klase ng guro ay ang mga tinatawag na mga matatandang-dalaga. Mga guro na masyado atang isinapuso ang pagtuturo kaya hindi na napagtuunan ng pansin ang pag-aasawa (o baka naman mga pihikan sila). Karaniwan mong magiging guro kapag nasa mataas na section ka. Madalas magalit lalo na kapag maingay ang klase habang nagtuturo sya. Mukhang kakainin ka ng buhay kapag hindi mo nagawa ang mga takdang-aralin. Mapapahiya ka sa buong klase mo kapag hindi ka nakasagot sa recitation. Namumunit ng test papers kapag mababa ang nakuha mong marka. Nagpapasulat ng reaction paper sa isang buong manila paper (Joke!). Literal na nakakatakot. Sa kabila naman ng mga katangian na ito ay matututo ang mga estudyante. Sisipagin ang mga tamad. Tatalino ang hindi gaanong matalino. Napipilitang magrecite ang mga tahimik. Makakabisado mo ang multiplication table 1 to 9 sa loob lamang ng 30 minutes (OA!) o cge mga 45 minutes to 1 hour. Pero kadalasan, sa loob lang naman ng klase sila ganito. Napaka-propesyonal pagdating sa pagtuturo pero pwede mong maging kaibigan (madalas ng mga magulang mo) kapag nasa labas na ng paaralan. (BABALA: Ang susunod mong mababasa ay RATED SPG). Aaminin ko na sa ganitong klase ako ng guro natutong mangopya. Mangopya dahil ayaw kong mapunitan ng papel kapag exam. Ayokong mapahiya sa harap ng buong klase. Desperado kung tutuusin. Alam ko namang hindi ako nag-iisa sa gawaing ito (Di ba?!). Alam ko din na hindi ito ang una at huli kong pangongopya.
Yung mga gurong "Mrs" na ang karaniwang nasa ikalawang klase. Malamang, halos kabaligtaran naman ang mga katangian ng mga ganitong klaseng guro kung ikukumpara sa nauna. Tatlo naisip kong dahilan kung bakit hindi sila "nakakatakot" magturo; (1) Naiisip nila ang kanilang mga anak sa bawat pagkakataong pinapagalitan nila ang mga bata, (2) sa tagal na nilang nagtuturo, nagsawa na sila sa kasasaway sa mga makukulit na mga bata, at (3) Mabait lang talaga sila since birth.
Kinatutuwaan ko naman ang mga nasa ikatlong klase o ang mga baguhang mga guro. Dahil siguro hindi pa sanay sa kulit ng mga bata, mas pinagtutuunan ng pansin ang pagsaway sa mga maiingay sa klase kaysa sa pagtuturo. Kapag nagturo, madaming nakadikit na manila papers at cartolina sa blackboard. Ipapabasa sa klase ang mga nakadikit sa blackboard, konting paliwanag, tapos ang klase. Kpag may natira pang oras sa klase may magpapa-quiz (na mukhang hindi naman nirerecord).
Pinakapaborito ko lahat ng klase ng guro ay ang pang-apat. Hindi ako sigurado kung nakakapag-patalino nga ang mga itinitinda nilang pagkain, pero siguradong tataas ang marka mo 'pag bumili ka.
Matalino, mabait, disiplinado at iba pang mga positibong bagay ang matatanggap mo kapag nasa higher section ka. Sa pananaw ko, oo, pero di naman lahat. Sa pagkakatanda ko mula ng mag Grade 2 hanggang Grade 6 akong nasa section 1 (sa maniwala ka man o hindi), madalas sabihin na kami daw ang pinaka makulit na batch ng section 1 kung ikukumpara sa mga dati. May laman ang mga utak subalit sa pagiging "pasaway" ay section 1 din. Di naman dahil nasa mataas na section ka ay maituturing na matalino ka. May mga sadyang masipag lang sa paggawa ng mga takdang-aralin. Masipag mag-recite. Masunuring bata at may friendly, galanteng mga magulang (if you know what I mean). Madalas bumili ng mga paninda ng guro. Nagkataon lang na ang mga nasa matataas na section sa elementarya ay mga pinalad na may sapat na gamit para mas ganahan mag-aral. May puhunan. May mga estudyante din naman na nasa mas mababang section ngunit may angking galing at talino. Kadalasan lang ay nagkukulang ng mga kagamitan pang-eskwela kaya "tinatamad" mag-aral. Halos lahat naman ata ng estudyante ay magiging masipag mag-aral kapag kumpleto ang gamit.

"Ber" months na naman. Pinaka-aabangan ng lahat ng estudyante (di lang ng mga nasa nasa elementarya), ang taunang "Christmas Party". Nagkakaroon pa ng meeting ang mga magulang para sa Christmas Party. Bawat magulang ay magdadala ng isang putahe o handa. May mga naghahati-hati at mayroon din namang nagsosolo (yung mga nakaka-angat sa buhay). May programa, may mga sasayaw, kakanta, palaro at iba pa. May mga tutula, makikipag-balagtasan at bugtungan (Joke!, pero malay natin meron nga sa iba).
Exchange gift ang inaabangan ng lahat sa party kasunod ng kainan. Para sa mga Grade 1 at Grade 2, mula sa kanilang mga magulang ang natatanggap nilang regalo. Mula naman Grade 3 hanggang Grade 6, exchange gift na kayo. Bunutan ng pangalan para malaman kung sino ang ka-exchange gift mo. Swerte kapag napunta ang pangalan mo sa "may-kaya" mong kaklase o kaya naman ay sa guro mo (oo, kasama ang guro sa exchange gift). Minsan naman, lalagyan ng numero ang mga regalo sa mismong araw ng party, pagkatapos ay bubunot isa-isa ang mga estudyante ng numero. Kung ano ang nakuha mong numero, yun ang matatanggap mong regalo (malamang!). Required kang maging galante kapag nabunot mo ang pangalan ng "crush" mo o ng guro mo.
Dati pa man ay may mga rules na dapat sundin sa pagpili ng pang-regalo; (1) atleast P50.00 ang halaga ng regalo, (2) unisex - pwedeng gamitin ng babae at lalaki. Yun lang ang mga rules dati. Malamang kung ka-batch kita ay alam mo ang ang mga karaniwang natatanggap ng mga estudyante. Mapalad ka na kapag nakatanggap ka ng laruan, dahil sa mga "old school" rules na ito ay asahan mo ng matatanggap mo ang mga; (1) picture frames, (2) photo album, (3) mugs, (4) wall clock at alarm clock, na pagkalipas ng isang linggo ay hindi na gumagana ang "alarm" (don't worry, kasama na ang baterya). Halos lahat ng yan ay maninili mo sa palengker (na malapit sa'min) sa halagang eksaktong P50.00. Nasunod naman ang mga rules. Isa sa hindi ko makakalimutang natanggap ng pinsa ko (oo, hindi ako) sa exchange gift ay isang "personal hygiene package". Kumpleto! (package nga eh). May mini-tuwalya (hindi face-towel), sabon, toothpaste at toothbrush.
Dahil likas na sa mga Pinoy ang pagiging excited. nauso din ang Monito-Monita (karaniwang nagsisimula sa buwan ng Disyembre). Lingguhan kang makakatanggap ng regalo. Ganun din ang proseso para malaman kung sino ang makakapalitan mo, kaso may "Twist" (Hanep!). Gagawa ka ng "codename" mo. Kung tama ang pagkaka-alala ko, "Shaider" ata ang naisip kong codename. Bawat linggo ay iba't-iba ang dapat mong iregalo, may kategorya. Something hard, something soft blah... blah.. blah.. Magastos kung iisipin, pero kung madiskarte ka gaya ko, pwede ka naman mag-recycle ng mga regalo. Kung ano ang makita mong something hard o soft sa bahay nyu, balutin mo lang (siguraduhin muna na hindi na 'to ginagamit pa) at yun ang iregalo mo. Di naman kailangan lagi kang bibili. Nga pala, di ako kuripot, sadyang nagtitipid lang at madiskarte.
Six years will always me six years (Nose bleed!). Hindi biro ang anim (6) na taong pag-aaral sa elementarya. Anim na taong magsisilbing pundasyon natin para sa mga susunod pang taon ng pag-aaral.
Ilang puno ang pinutol para lamang gawing mga papel, lapis at notebook. Ilang beses ng napagalitan ng guro. Ilang beses gumawa/hindi gumawa ng takdang-aralin. Ilang manila paper, cartolina, plastic at brown envelope, plastic cover, basahan, floorwax at iba pa ang mga nai-donate. Anim na "Class Picture".
Sa kabila ng anim na taong sakripisyo, nadagdagan ang kaalaman sa bawat subjects. Nadagdagan ang mga kaibigan. First batch ng mga taong babalikan at pasasalamatan natin pagdating ng panahon.

"Unang dilig para sa binhing hindi pa alam kung ano ang magiging bunga"
Ipagpapatuloy...
2 comments:
Ayos!! naengganyo tuloy ako magsulat ulit.
(Mirror yung class picture)
ahaha... sulat ka na ulit pare..
Ou .. naka-scan kasi yung class picture ahaha
Post a Comment