May mga bagay na mukhang di na mapapakinabangan para sa iba, subalit para sa mga Pinoy, kailangan lang ng talino at pagiging malikhain. Pagre-recycle kung tawagin. Para sa mga Pinoy, hindi lang basta recycle ang ginagawa, kung minsan ay pinapaganda pa nila ito at ginagawang mas kapaki-pakinabang.
Kakatapos lamang ng World War II (WWII) ng simulang iwan ng mga Amerikano ang Pilipinas. Humigit kumulang isang-daan na mga jeep ang ibinenta (ang iba naman ay ibinigay na lamang) sa mga Pilipino. Sa paglipas ng panahon, ang simpleng transportasyon para sa mga Kano noong panahon ng digmaan ay ang nagsisilbing pambansang transportasyon ngayon sa Pilipinas. Mas pinahaba ang sasakyan at nilagyan ng bubong. Ang dating mga simpleng sasakyan ay nilagyan ng mga disenyo. Naging makulay ang mga ito at may mga palamuti na din. Ang iba naman ay nilagyan ng mga speakers para may soundtrip ang mga pasahero habang nasa biyahe. Karaniwan mo ng makikita ang maliliit na mga kabayo at eroplanong bakal bilang palamuti sa harapan ng mga jeepney.
Ito na ngayon ang Pinoy version ng jeepney. Simbolo na ng bansang Pilipinas. Kahit saang panig ka ng mundo magpunta, wala ka na atang makikitang jeepney na katulad ng sa mga Pinoy. Milyon-milyong milya na ang narating. Nakapag-hatid at nakapag-sundo na nang humigit-kumulang isang bilyong Pilipino, at patuloy pang nagsasakay ng mga pasahero hanggang sa kasalukuyan. Mas madami pa ang makikinabang sa mga jeepney sa mga susunod pang henerasyon.
Madami na ang kumikita sa pagiging operator at driver ng mga jeepney ngayon. Kung isa ka sa mga nagpa-planong bumili ng jeep at gusto mong maging Certified Pinoy ang version ng jeep mo, maaari mong gawin ang mga sumusunod:
1. Gawing makulay ang jeep. Maglagay ng mga disenyo sa gilid ng sasakyan. Karaniwan mo ng makikita ang mga zodiac sign, cartoon character at mga religous images. Subukan mong ipa-pinta ang mukha mo (o kung sinong kamag-anak mo) sa gilid ng jeep para maiba naman. Mas maganda siguro kung family picture na lang ang ilalagay mo para talagang personalized.
2. Maglagay ng mini-altar sa harap ng jeepney. Madalas din na may nakasabit na rosaryo sa rearview mirror ng mga jeep kasama ng mga sampaguita.
3. Isulat ang apelyido ng pamilya sa unahan ng jeepney. Yung nasa taas taas na bahagi ng Jeep sa harapan. Ilagay ang pangalan ng mga miyembro ng pamilya sa ibaba ng apelyido kung kasya pa. Pwede mo ding ilagay sa loob ng kisama ng jeep.
4. Maglagay ng mga slogan sa loob ng jeep. Kadalasan 'tong nilalagay sa likod ng driver's seat. Hindi naman sa mismong likod. Medyo naka-gitna. Sa may pagitan ng driver's seat at tsaka ng upuan ng pasahero sa may harap (na-gets mo ba?)
5. Speakers. Sa panahon ngayon, required na ang mga speaker sa loob ng jeep. Mas malakas ang soundtrip mo, mas madami kang maaakit na pasahero (lalo na ang mga estudyante).
Sa loob ng halos dalawang dekada kong paninirahan dito sa Perlas ng Silangan (Pilipinas), halos dalawang dekada na din akong pasahero ng jeepney. Madalas akong mag-commute lalo na noong estudyante pa ako. Jeepney ang pangunahing transportasyon ng mga estudyante tuwing papasok at uuwi mula sa paaralan. Sumunod ang mga bus, FX at taxi. Kung mayaman ka at hatid-sundo ka ng kotes ng dad mo (o kaya naman may sarili kang sasakyan), imposible naman na hindi mo man lang nasubukang mag-commute.
Sa tagal ng panahon bilang pasahero, malamang ay alam mo na ang iba't-ibang klase ng driver. Madaming klase ng driver sa Pinas. Kung minsan, ang ugali ng driver ay naka-depende sa itsura ng pinapasada nyang sasakyan.
1. F1 (Formula One) Drivers - Kaskasero kung tawagin. Sila yung mga klase ng driver na nagtatangkang paliparin ang jeepney. Mga driver na akala mo walang sakay na pasahero sa bilis ng pagpapatakbo. Kadalasang mahigpit na nakakapit sa hawakang-bakal ang mga pasahero nito.
2. Fully-Loaded Drivers - Sila yung mga driver na masinop. Hindi sila umaalis hangga't hindi puno ang jeep nila ng pasahero. Kung minsa, parang mas gugustuhin mo ng maging barker pansamatala para makatawag ng pasahero. Mapuno agad ang jeep at makaalis na. Parang sardinas kung ipagsiksikan ang mga pasahero sa loob (maswerte pa nga ang mga sardinas kung minsan). As much as possible dapat laging puno ang jeep nila. Walang pinapatawad na mga street, hangga't may mukhang pasahero ay titigilan nila.
3. BV (Bad Vibes) na mga Drivers - Mga driver na mainit ang ulo habang pumapasada. Siguro ay hindi nakapag-almusal bago pumasada o hirap maka-quota. Galit sila sa kahit sinong makasalubong nila sa daan, kahit kapwa driver at pulis ay inaaway. Nakaka-BV ang mga ganitong klase ng driver promise.
4. GV (Good Vibes) na mga Drivers - Malamang kabaligtaran sila ng mga BV ng drivers. Lagi silang naka-ngiti. Sila siguro yung mga nakapag-almusal bago pumasada. Lahat ng kakilalang driver ay binabati. Ang problema, minsan mabagal magpatakbo dahil kinakausap lahat ng kakilalang driver habang pumapasada.
5. Chubby Drivers - Sila yung medyo mataba na mga driver (chubby nga eh). Cute silang tingnan dahil madalas silang naka-upo sa bandang gitna ng harapang bahagi ng sasakyan. Di sila kasya sa mismong driver's seat. Halos sakupin na nila ang mga passenger seat sa harapan dahil sa sa laki nila.
7. DJ (Disk Jockey) Drivers- Mga malalakas magpatugtog na mga driver. Kadalasang mga binatang gangstah ang driver. Para kang nasa loob ng isang bar kapag nasa loob ka. May on-going party ata. Kumakalabog ang jeep dahil naka-todo ang bass. Sumigaw ka kapag gusto mong bumaba dahil malamang di ka nila maririnig dahil sa lakas ng tugtog.
8. Forever-Alone Drivers - Mga driver na madalas maluwag ang pinapasadang jeep. Kung minsan pa nga, ikaw lang ang pasahero. May mga sakay na pasahero naman ang mga katabing jeep. Malas lang siguro sa pasada.
9. Gentle Driver - Sila ang mga mababait na driver. Sakto lang ang bilis habang nasa daan. Marunong sumunod sa mga batas-trapiko at magalang sa mga pasahero. Ang problema, kathang-isip palang sila. Di pa sila nag-eexist sa mundong ibabaw.
1 comments:
parang bob ong lng ^_^
Post a Comment