Tuesday, August 14, 2012

Mga Higanteng-Bakal

      Hirap akong gumawa ng introduction para dito. Halos 15 minutes akong nakatunganga sa harap ng laptop ko.  Ang tagal kong nakipagtitigan sa monitor. Naka-ilang kindat din sa'kin ang isang maikling itim na linya. Palatandaan na wala akong maisulat Lumipas na din ang limang kanta sa aking playlist. Titingin muna sa facebook at tweet sa twitter hanggang sa maka-isip ng introduction para sa blog na 'to.

     Noon, tuwing alas-kwatro ng hapon (4:00PM) ay halos wala kang makikitang bata na naglalaro sa kalsada. Nasa loob sila ng bahay at nanonood telebisyon. Tuwing ganitong oras ay nagpapalabas ang paborito kong TV Network ng mga cartoons. Ilan sa mga palabas na 'to ay tungkol sa mga "super-robot". Kagaya ng Dragonball at Ghost Fighter, ilan sa mga ito ang inulit na sa telebisyon. 

    Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Voltes V?. Ito na ata ang maituturing na pinakasikat na super-robot. Sikat ito lalo na ang kanilang kanta sa opening. Sinasabayan pa nga ng mga bata ang pagkanta ng opening song nito (kahit mali-mali ang lyrics). Pinagbibidahan ito ng apat na "teenager" at isang bata; (1) Steve Armstrong, (2) Robert "Big Bert" Armstrong, (3) "Little" John Armstrong, (4) Mark Gordon at si (5) Jaime Robinson. Silang lima din ang napili para maging mga piloto ng Voltes V. Umiikot ang istorya na palabas na 'to sa paghahanap ng magkakapatid na Armstrong sa kanilang ama na si Ned Armstrong (akala ko dati Neil Armstrong yun). Paborito ko sa Voltes V yung kanilang opening theme. Ito din ang kanilang "background" music nila habang binubuo nila ang Voltes V. Madali mong malalaman kung magiging successful ang pag "volt-in" nila. Kadalasang hindi tumutugtog ang kanilang theme song kapag "failed" ang kanilang volt-in. Susubukan ulit nilang mag volt-in at kapag may kasabay na 'tong kanta, malamang success ang kanilang volt-in. Madaming weapon si Voltes V. Gumagamit siya ng mga sandata na nakakabit sa iba't-ibang parte ng katawan niya para matalo ang kalaban. Ultimate-weapon nito ay ang kanyang "Laser Sword" (na hindi naman talaga gawa sa Laser kagaya ng mga espada sa StarWars). Matatalo ang kalaban at hihiwain niya ito, lalabas ang parang letter V at sasabog ang kalaban. Itututok ang camera sa usok na mukhang malaking puno na pinaghalong pula, dilaw at orange ang kulay. 

     Daimos. Isa din 'tong super-robot subalit isa lamang ang piloto nito, si pareng Richard. Hindi ko alam ang apelyido niya pero hindi siya ang sikat na leading man ng GMA 7 na si Richard Gutierrez o kaya naman ang asawa ni kumareng Lucy Torres na si Richard Gomez. Umiikot ang istorya nito sa pag-ibig. Ka-loveteam ni pareng Richard dito ay si Erika. Para mabuo ang Daimos, sumasakay muna si pareng Richard sa isang sports car na pula. Pagkatapos nito ay papasok ito sa isang malaking truck na dadaan muna sa isang tulay na gawa bato. Actually, lumalabas lamang ang tulay na 'to mula sa ilalim ng tubig kapag dadaan na ang malaking truck. Kagaya ng Voltes V, may kanta din 'to habang nagiging robot. Kapag hindi tumugtog ang kanta, malamang ay failed din pag-transform nito. Medyo di ko lang trip ang istorya nito dahil madalas ay may "drama". May drama dahil sa love story ng bida na si pareng Richard at ni Erika. Di gaya ni Voltes V, ginagamit ni Daimos ang kanyang "martial-art skills" sa pakikipaglaban. Madaming paraan si Daimos para tapusin ang kalaban pero ang double-blizzard ang madalas niyang gamitin bilang "finishing-touch". Hahanginin ang kalaban at pagbaba nito ay susuntukin ito ni Daimos. Mahahati ang kalaban at sasabog. Itututok muli ang camera sa usok na mukhang malaking puno na pinaghalong pula, dilaw at orange ang kulay kagaya sa Voltes V. 


     May isa pang super-robot na si Mazinger Z. Actually, di ko masyadong nasubaybayan ang palabas na 'to. Di ko nga din alam ang pangalan ni piloto nito. Ang tanging alam ko lang ay tagapagtanggol ito ng sanlibutan mula sa mga kalaban kagaya nina Voltes V at Daimos. Gawa din ito sa "Super-Alloy Z" (kaya siguro may Z sa pangalan nito). Hindi gaya ng mga naunang super-robot, "ready-to-fight" robot na si Mazinger Z. Di na kailangan pang mag-assemble.


    Isama na din natin dito ang mga Gundam. Mga robot sila na ginawa para sa digmaan.  Puro super-weapons ang nakalagay sa kanilang katawan. Iisa lamang ang piloto nito. Astig ang palabas na 'to dahil puro "battle-scenes" ang mapapanood mo. Bihira ang mga drama tungkol sa pag-ibig at paghahanap sa mga nawawalang kamag-anak. Madamig series ang Gundam kagaya ng Gundam Wing, Gundam Destiny at marami pang iba.



     Voltron. Kailangan din nito ng limang piloto. Mayroon din itong "assemble-formation" bago mabuo. Madaming series ang Voltron pero ang pinakasikat dito ay ang Lion Force Voltron. Sa series ng Voltron na 'to, kailangan ng limang Lion para mabuo ang Voltron Robot. Parehas na mukha ng Lion ang mga kamay at paa nito. Gumagamit din ito ng espada. Ang kaibahan lang nito sa ibang mga "super-robot", karaniwang nasa outer-space si pareng Voltron.

2 comments:

W said...

Yung mazinger z hindi nagtagal..
Tapos merong parang gumaya sa Voltes V na pinalabas sa 7, yung Combattler V (tuwing hapon) ayon sa mga manonood.. Pero sa katunayan mas nauna si Combattler V kesa kay Voltes V, mas sikat lang si Voltes V..

Unknown said...

Uu nga eh.. saglit lang ung Mazinger Z pero inulit din naman nila yan eh.. saglit lang din ahaha

Post a Comment