"Sa loob ng halos dalawang dekada, ilang ulit mo na bang napanood ang Dragonball? Bukod sa super saiyan 1,2,3 at 4 , may mga sumunod pa ba? Ilan lahat ang nabuhay gamit ang pitong (7) dragon ball? Totoo ba ang mga dragon ball? Kilala mo pa ba ang Sailormoons? Nagdalaga na ba ang mga Powerpuff Girls? Ilan na ang miyembro ng Power Rangers? Nakumpleto na ba nila (Power Rangers) ang kulay ng rainbow? Bading nga ba ang mga kasapi ng X-MEN? Alam mo na ba kung bakit nasa labas ang underwear nila Superman, Batman at iba pang mga super heroes? Nag-evolve na ba si Pikachu sa Pokemon? Nakakalipad na ba si Big Bird ng Sesame Streets?"
Pagkatapos ng anim na taong pag-aaral sa elementarya, kasunod na ang bakasyon. Para sa isang estudyante, sa loob ng isang buong taon, ang bakasyon ang pinakamasayang parte ng taon, bukod sa "Sembreak" at "Christmas Break". Ito ang panahon para mag-relax. Panandaliang paglimot sa mga stress na dulot ng pag-aaral. Mag-swimming, manood ng pelikula at gumala kasama ang mga kaibigan (at moment din kasama ang special someone). Para sa mga estudyanteng nakapagtapos ng elementarya, highschool at kolehiyo, ito din ang panahon para makapili ng paaralan na susunod na papasukan. Para naman sa mga nakapagtapos ng kolehiyo, paghahanap ng trabaho.
Para sa mga nakapagtapos ng elementarya, maraming paraan para makapili ng Mataas na paaralan o yun "highschool". Halos lahat naman ata ng public elementary schools ay may ka-partner na mga public highschool na nakahanda. May option ka din naman kung gusto mo na ikaw mismo ang pumili ng paaralan na gusto mong pasukan, Kung nasa pribadong elementary school ka naman, karaniwan ng may mga highschool din sila. Di mo na kailangan lumipat sa ibang paaralan.
Highschool...
Sa loob ng halos labing-limang (15) taon ng pag-aaral, ang highschool days ang masasabi kong pinakamasayang parte ng pag-aaral. Panibagong apat (4) na taon ng pag-aaral. Makakakilala ka ng mga bagong kaibigan at mga bagon guro.
Kung ka-batch kita, malamang ay kumuha ka din ng Highschool Readiness Tes (HSRT). Ito yung exam na kailangan mong kunin bago makapag-highschool (wala na ata 'to ngayon). Dito inaalam kung sapat na ba ang mga natutunan ng estudyante sa elementarya para makapasok sa highschool. Dito din binabase kung ano ang magiging section mo, kapag, nakapasa ka, sa highschool. Kung hindi ka naman nakapasa, dadaan ka sa tinatawag nilang "bridge program". Parang extended version ng Grade 6. Kung iisipin, pag hindi ka nakapasa sa HSRT, aabutin ka ng limang (5) taon sa highschool na dapat ay apat (4) na taon lamang.
Isang linggo bago ang HSRT, nagkaroon ng "review session" ang aming paaralan sa elementarya (lahat naman ata ng elementary school nagsagawa nito). Isang linggong preparasyon para sa darating na exam. Mistulang mini-reunion para sa dating magkakaklase na halos ilang buwan lang naman hindi nagkita. Masaya ang pag-rereview.
Araw ng exam. Natural na medyo kabadao ka (kahit alam mo na sa sarili mo na kaya mong ipasa ang exam). Di mawawala ang kaba sa dibdib lalo na kapag iisipin mo na aabutin ka ng limang (5) taon sa highschool kapag hindi ka nakapasa. Test papers (na nakalagay sa folder), answer sheets at lapis lamang ang nasa arm chair mo. Di naman sa pagmamalaki, alam ko na sa sarili ko na papasa ako sa exam na yon. May kahirapan ang mga tanong pero kaya naman (salamat sa review session). Ang pino-problema ko na lang pagkatapos ng exam, ay kung sa anong section ako mapupunta. Nasa mataas na section pa din ba ako o nasa mababa na. May mga kaklase ako noong Grade 6 na kasabay ko ding nag-exam sa eskwelahan na napili ko. Madami din kami (di ko alam kung ilan kami eksakto, basta madami).
Araw ng paglabas ng resulta ng exam. Pumunta agad ako sa paaralan (kasama ang mga kaklase ko dati na kasabay kong kumuha ng exam) para malaman kung nakapasaako/kami sa exam. Madaming bata sa paaralan. lahat hinahanap ang pangalan nila. Lahat umaasa na sana pasado. Matapos ang ilang minutong paghahanap, nakita din namin ang pangalan namin. Ayos!, salamat sa Diyos, Pasado kaming lahat!. Yun nga lang, magkakahiwa-hiwalay na kami. Magkakaiba kami ng section. Maswerte ako dahil may tatlo akong kaklase noong Grade 6 na magiging kaklase ko pa din sa first year highschool.
Bagamat nakapasa sa HSRT, may isa pang pang proseso na dapat ipasa. Medical. Para ka lang nagpapacheck-up. Pero ang pinaka ayaw kong parte ng medical ay yung vision test. Alam ko na sa sarili ko na babagsak ako dun. Malabo ang mga mata ko. Pero sa anim na taon ko sa elementarya, hindi ako nagsusuot ng salamin na may grado. Yun nga ang nagin resulta. Di ako nakapasa sa vision test. Kailangan kong bumalik at ipakita na naka-salamin na ako (yun may grado). Magmula highschool, hanggang sa ngayon ay naka-salamin na ako.
First Year Highschool. Unang araw ng pagiging highschool. Exited na may halong kaba. Bago ang set ng uniform. Bagong polo, black pants at black shoes. Bago din ang bag. Aaminin kong nanibago ako sa uniform. Noong nasa elementary kasi, mas madalas na white t-shirt (yung "Ako's Batang Maynila na bigay ni Mayor), khaki shorts at rubber shoes ang suot ko. Di din ako sanay na naka-black shoes. Pero dahil first year pa lang, kailangan maging masunurin. Kailangang sundin ang mga bagong alituntunin lalo na sa uniporme.
Bukod sa bagong paaralan, nagbago din ang mga pangalan ng section. Binago ata ng DepEd ang mga section. Karaniwan ng mga pangal at hindi numero ang mga section. Halimbawa: sa mga 1st year - apelyido ng mga bayani ang pangalan ng mga section. Alphabetical order (A - Z) para malaman kung sino ang nasa mataas na section.
Masaya ang unang araw. Just like the old times, kailangan pa din na gumising at umattend ng flag ceremony. Kasabay nito, madami kang mapapansin sa mga kagaya mong estudyante. Di naman sa pamimintas pero may makikita kang mga estudyante na sa unang tingin palang ay alam mo ng wala masyadong alam. Meron din naman mga kapwa ko naka-salamin o yung mga "geek" na mukhang kabisado ang Noli Me Tengere at El Filibusterismo ni Jose Rizal. Di naman mawawala ang mga magagandang mukhang future model ng Bench at Penshoppe (free ads). Mayroon ding puno ng tigyawat ang mukha. May mga friendly at laging naka-ngiti, binabati halos lahat ng bagong kaklase, mga future politicians. May mga anak mayaman na ang kintab ng mga black shoes (mas makintab pa ang sapatos sa mga security guard ng paaralan).
Madaming pinagkaiba ang elementarya at highschool. Sasakay ka na ng jeep para makapunta sa paaral (yung dati ko kasing paaralan, pwede mong lakarin, malapit lang). Di na uso ang hatid-sundo. Halos buong araw ka ng nasa paaralan. Inaabot ng isang oras (kung minsan, isang oras at kalahati pa nga) ang bawat subject. Pero mas madami na ang oras para sa "vacant" (yun ang highschool version ng "recess").
Sa highschool, madali mong malalaman kung sino ang mga nasa higher year na, at kung sino ang mga nasa lower years. Bukod sa itsura at tangkad, may ibang bagay ka pang maaaring tingnan para malaman ang year ng estudyante sa highschool:
Uniporme - kadalasan, ang mga nasa lower years lamang ang naka-proper uniform. Polo, black pants at black shoes. Kapag nasa higher year ka na, kadalasan malaking polo (kung minsan, t-shirt na puti na lang), naka baston na black pants at naka black shoes. Kung minsan naka-rubber shoes din o depende sa usong sapatos.
Bag - Malalaking bag ang madalas na dala ng mga nasa lower years. Kapag nasa 3rd year o 4th year na, kadalasang "pouch bag" na lang ang dala. Kung minsan naman, isang notebook at ballpen lang ang dala tapos ipapalagay sa bag ng kaklase na may dalang malaking bag (gawain ko yan). Kapag exam, manghihingi na lang ng papel sa kaklase na mayroon. Kapag kailangan ng libro, makiki-share na lang sa may dala. Ganyan naman sa highschool, kailangan na friendly at madiskarte ka lang para maka-graduate.
Haircut - Barber's cut o kaya naman 3x4 (3-by-4 ang basa) ang gupit na kailangan sundin para sa mga lalaki. Aguinaldo Cut for the other term. Kung nasa lower year ka, malamang ay sundin mo yan, pero kapag nasa higher year ka na, bahala ka na sa gupit mo, basta malinis tingnan, pwede na.
ID - Kalimitang ang mga nasa lower year lang ang nagsusuot ng ID sa loob ng paaralan. Hangga't walang naninita, hindi suot ng mga nasa higher year ang ID nila.
Kung sa elementarya ay hinati ko sa apat (4) ang klase ng guro, sa highschool naman ay lima (5): (1) "Terror" na mga guro (upgaraded version ng nakakatakot na guro sa elementarya; (2) "Moody" na guro; (3) Baguhan na guro; (4) Friendly na guro at; (5) Pala-utos na guro.
Para sa unang klase ng guro, halos katulad din naman sila ng mga nakakatakot na guro sa elementarya pero dahil nasa highschool na, upgraded na sila. Sila yung mga klase ng guro na talagang magrereview ka kapag sinabing magpapa-exam. Mag-aaral ka ng mga previous lesson bago pumasok sa klase nya. Madals magbigay ng assignments. Mga guro na may pinapatupad na "Martial Law" sa loob ng klase. Kailangan na naka proper uniform. Nakasuot ang ID. Nakapila ang buong klase bago pumasok sa silid. Bago ka makapasok, titingnan muna kung gumawa ka ng assignment. Kapag wala kang assignment, bukod sa sermon na aabutin mo, di ka pwedeng pumasok sa klase. Kalimitang nasa higher section din. Kapag sasagot ka sa mga tanong nya, siguraduhin mong tama (di kagaya sa elementarya na basta nakasagot ka, kahit mali, pwede na). Mga guro na may taglay na "aura" (parang mga super saiyan sa Dragonball). Papalapit pa lang sila ay alam mo ng ibang klase silang guro kung ikukumpara sa iba. Mga nagbibigay ng grade depende sa performance ko sa klase. Kailangan na matalino, madiskarte at masipag ka, samahan mo na din ng lakas ng loob na tumagal sa klase ng halos isang oras o higit pa. Kapag nagkulang ka ng isa sa mga katangian na 'to, lalo na yung lakas ng loob, alam mo na.
Kaunti lang naman ang pinagkaiba ng mga baguhan na guro sa elementarya at sa highschool. Mahilig pa ding magdikit ng mga manila paper at cartolina sa blackboard. Madalas magbigay ng mga assignments. Regular na pinapadala ang mga libro. Madalas ang quiz pagkatapos ng bawat lesson. Kapag nagpapaliwanag naman, kalimitang tina-tagalog ang mga english na naka-sulat sa mga libro. Di na masyadong nagsasaway ang mga baguhang guro sa highschool, pagpasok sa klase, turo agad. Kapag maagang natapos ang lesson at tapos na ding magpa-quiz, mananatili muna sa loob ng silid. Makikipag-kwentuhan sa klase ng kung anu-ano. Sinusulit ang bawat oras ng klase.
Friendly na mga guro. Sila yung mga guro na madalas mong makita na nakikipag-kwentuhan sa kapwa nila guro. Halos kalahating-oras ng klase ang nauubos sa pakikipag-kwentuhan. Kung tutuusin, pabor sa estudyante, wala masyadong gagawin. Kung may gagawin man, nakasulat na sa blackboardm kokopyahin na lang. Kapag tapos ka ng kumopya, okey na, bahala ka na sa buhay mo. Pwede ka na ding makipag-kwentuhan sa katabi mo (kagaya ng guro mo). Kapag tapos na kumopya ang buong klase (at tapos na din ang guro mo sa kwento nya), ipapabasa sa klase ang nakasulat sa blackboard, konting paliwanag, bigay ng assignment, tapos ang klase.
Ang mga pala-utos na guro (Bow!). Sila yung mga guro na madalas nagpapasundo sa faculty room (para dalhin ang mga gamit nya). Gamit na gamit ang mga officers ng klase lalo na ang secretary. Kadalasan, binibigyan ng libro ang secretary, magbibigay ng pahina at ipapasulat sa blackboard. Ipapakopya sa buong klase tapos aalis. Di ko alam kung saan pumupunta. Babalik lamang kapag malapit na matapos ang oras ng klase. Magbibigay ng assignment, tapos ang klase. Kailangan mong mag-self study lalo na kung may quiz kinabukasan. Diskarte mo na kung paano ka matututo (kung gusto mo lang naman matuto). Magsulat at makipag-kwentuhan (pagkatapos magsulat), ganyan ang daily-routine ng klase.
Special mention na din ang mga student teacher (ST). Sila yung mga official sidekick ng mga guro. Mga estudyante din sila na nasa kolehiyo at kumukha ng kursong BS Education. Excited ang mga estudyante sa highschool sa pagdating ng mga student teacher (lalo na kung babae). Tinitingnan kung maganda o gwapo ang ST. Ang student teacher na 'to ay may mga "demo". Ang "demo" ay parang regular na klase subalit may mga "observers". Binubuo ang mga ito nga mga opisyal mula sa paaralan ng student teacher. Sila ang magbibigay marka sa student teacher depende sa performance nila at ng mga estudyante. (Kadalasang "scripted" ang demo ng mga student teacher).
Madaming extra-curiccular activity sa highschool. Bawat department, may kanya-kanyang competition. Cheering competition (MaPeH Department) at sabayang pagbigkas o choric interpretation (Filipino and English Department) ang ilan sa mga extra-curiccular activity na nasalihan ko. Kung wala kang sinalihan sa mga 'to, ang boring ng highschool life mo.
Madaming naging nauso noong highschool. Panahon ng mga gangstah. Malaki ang uniporme at naka-baston ang pantalon, Loopers ang sapatos (pwede ding black shoes). Padamihan ng suot na silver (singsing, kwintasm hikaw at iba pa). Naka army-cut (gupit matapang kung tawagin sa lugar namin) at brush-up ang usong hairstyle. Walang "patch" sa uniporme o yung logo ng school. Kadalasang may napakalibot na Good Morning towel sa kamay (pormang makikipag-away). Natatandaan ko pa noong nauso ang "harlem". Deborak-deborak-deborak-deborak-to-the-left-right-left-right-left-right. "Rock it" ata yung title ng kanta na ginagamit sa pagsayaw. Madami na ding nagsuntukan ng dahil sa sayawang ito, di ko alam kung bakit. Madami kasing madaling mapikon sa mga highschool student kaya regular ang suntukan.
Panahon ng mga rakista at mga emo. Second year highschool ata ako nito. Nauso ang mga banda. Parehong sikat ang mga local at foreign band. Nagkaroon pa nga ng battle of the bands sa paaralan dahil dumami ang rakista (daw). Kadalasan ng mga rakista (daw) na estudyante ay naka-suot ng mga slim-fit na mga polo (o baka pinagliitan na mga polo), straigh-cut na black pants at chuck taylor na sapatos (mas madumi ang chuck taylor mo, mas maganda). May mga accesories din sila. Naka-eyeliner pati mga lalaki. Madalas maghawi ng bangs. Palaging naka-earphone o headphone.
Sa second year din ako natutong mag-gitara. Regular kasing magdadala ng gitara ang mga kaibigan ko (kahit noong di pa uso ang mga rakista). Ka-batch kita kung alam mo ang mga kanta ng Kamikazee, Fall-Out-Bot, My Chemical Romance at Red Jumpsuit Apparatus. Ang pogi mo naman kung alam mong tugtugin sa gitara ang "Your Guardian Angel" ng Red Jumpsuit Apparatus. Ka-batch kita kung kabisado mo ang mga kantang Narda at Chicksilog ng Kamikazee.
Nag-init din sa panahon noong highschool ang mga cellphone. Nokia 5110, 3310 at 3210 ang karaniwang gamit ng mga estudyante. Astig ka na kung naka Nokia 3310 ka. Pagdaan ng mga taon ay lumitaw din ang ibang mga brand nd cellphone kagaya ng Motorola at Sony Ericsson. Lingguhan ang pagpapalit ng "casing" ng cellphone (lalo na kung Nokia ang gamit mong cellphone). Usong-uso ang pagtetext lalo na ng magsimula ang mga "unlimited text promos" ng mga telecommunication sites. Kahit magkatabi kayo ng kaklase mo ay magka-text pa din kayo. Dumadami din ang mga "clan" o grupo sa text. Kasabay ng mga "clan" na ito ang pagsilang ng mga jejemon. Alam mo na siguro kung ano ang mga jejemon (kung hindi mo naman alam, pwede mong i-search sa google).
Bago pa man nauso ang facebook at twitter, nariyan na si Friendster (na nagbago na ang tuluyan). Pagandahan ng profile sa Friendster. Pagandahan ng background. Padamihan ng friends, testimonials at mga comments sa profile. Na-miss ko sa Friendster yung pagpasok mo sa profile ay may music agad. Na-miss ko din yung mga dating picture sa Friendster na hindi ko na na-retrieve.
Noon pa man ay "lason" na sa mga estudyante ang mga computer games. Bago pa isinilang si pareng DOTA, nandyan na ang Counter-Strike, Battle Realms at WarCraft (yung hindi lang hero ang ginagamit). Sa online games naman yan nandyan na ang "Ragnarok" at "M.U.". Tuwing uwian, madalas mo ng marinig ang "Tara Dota!". Para sa mga lalaki, ito ang tunay ng "Last Subject". Madaming estudyante ang di na pumapasok sa paaralan makapag-laro lang ng computer games (na kadalasang nauuwi sa pagiging drop-out) ng mga estudyante. Maidagdag ko lang, totoong nakakasira ng pag-aaral ang mga computer games, pero naniniwala ako na hindi nakakasira ng romantic relationship (gf/bf) ang paglalaro ng computer games.
Kung hindi mo naman na-experience ang JS Prom noong 3rd year at 4th year highschool ka, sana di ka na lang nag-aral ng highschool (kahit isa man lang sana naka-attend ka). Kung nag-aral ka sa pampublikong paaralan gaya ko, malamang naka-pink long-sleeve (para sa lalaki) at pink na dress (para sa babae) ka noong JS Prom sa 3rd year. Blue naman kapag nasa 4th year ka na. Naging parte ako ng "kutilyon" noong nasa 3rd year at 4th year ako (share ko lang). Masaya ang JS Prom lalo na kung may special someone ka na isasayaw. Ang korni ng JS Prom mo kung nakipag-kwentuhan ka lang sa kaklase mo at wala ka man lang naisayaw kahit isa (pero atleast naka-attend ka).
Pinakamasayang parte ng pag-aaral ng highschool (Promise!) Ang sarap alalahanin lahat. Apat na taong kasama ang barkada. Minsan may away pero mas marami ang saya. Nagkakasundo sa kopyahan sa assignments at exams. Kahit may asaran na nauuwi sa tampuhan, nagkakasundo pa din sa huli. Sarap maging highschool.
Ipagpapatuloy...
Madaming naging nauso noong highschool. Panahon ng mga gangstah. Malaki ang uniporme at naka-baston ang pantalon, Loopers ang sapatos (pwede ding black shoes). Padamihan ng suot na silver (singsing, kwintasm hikaw at iba pa). Naka army-cut (gupit matapang kung tawagin sa lugar namin) at brush-up ang usong hairstyle. Walang "patch" sa uniporme o yung logo ng school. Kadalasang may napakalibot na Good Morning towel sa kamay (pormang makikipag-away). Natatandaan ko pa noong nauso ang "harlem". Deborak-deborak-deborak-deborak-to-the-left-right-left-right-left-right. "Rock it" ata yung title ng kanta na ginagamit sa pagsayaw. Madami na ding nagsuntukan ng dahil sa sayawang ito, di ko alam kung bakit. Madami kasing madaling mapikon sa mga highschool student kaya regular ang suntukan.
Sa second year din ako natutong mag-gitara. Regular kasing magdadala ng gitara ang mga kaibigan ko (kahit noong di pa uso ang mga rakista). Ka-batch kita kung alam mo ang mga kanta ng Kamikazee, Fall-Out-Bot, My Chemical Romance at Red Jumpsuit Apparatus. Ang pogi mo naman kung alam mong tugtugin sa gitara ang "Your Guardian Angel" ng Red Jumpsuit Apparatus. Ka-batch kita kung kabisado mo ang mga kantang Narda at Chicksilog ng Kamikazee.
Bago pa man nauso ang facebook at twitter, nariyan na si Friendster (na nagbago na ang tuluyan). Pagandahan ng profile sa Friendster. Pagandahan ng background. Padamihan ng friends, testimonials at mga comments sa profile. Na-miss ko sa Friendster yung pagpasok mo sa profile ay may music agad. Na-miss ko din yung mga dating picture sa Friendster na hindi ko na na-retrieve.
Noon pa man ay "lason" na sa mga estudyante ang mga computer games. Bago pa isinilang si pareng DOTA, nandyan na ang Counter-Strike, Battle Realms at WarCraft (yung hindi lang hero ang ginagamit). Sa online games naman yan nandyan na ang "Ragnarok" at "M.U.". Tuwing uwian, madalas mo ng marinig ang "Tara Dota!". Para sa mga lalaki, ito ang tunay ng "Last Subject". Madaming estudyante ang di na pumapasok sa paaralan makapag-laro lang ng computer games (na kadalasang nauuwi sa pagiging drop-out) ng mga estudyante. Maidagdag ko lang, totoong nakakasira ng pag-aaral ang mga computer games, pero naniniwala ako na hindi nakakasira ng romantic relationship (gf/bf) ang paglalaro ng computer games.
Kung hindi mo naman na-experience ang JS Prom noong 3rd year at 4th year highschool ka, sana di ka na lang nag-aral ng highschool (kahit isa man lang sana naka-attend ka). Kung nag-aral ka sa pampublikong paaralan gaya ko, malamang naka-pink long-sleeve (para sa lalaki) at pink na dress (para sa babae) ka noong JS Prom sa 3rd year. Blue naman kapag nasa 4th year ka na. Naging parte ako ng "kutilyon" noong nasa 3rd year at 4th year ako (share ko lang). Masaya ang JS Prom lalo na kung may special someone ka na isasayaw. Ang korni ng JS Prom mo kung nakipag-kwentuhan ka lang sa kaklase mo at wala ka man lang naisayaw kahit isa (pero atleast naka-attend ka).
Pinakamasayang parte ng pag-aaral ng highschool (Promise!) Ang sarap alalahanin lahat. Apat na taong kasama ang barkada. Minsan may away pero mas marami ang saya. Nagkakasundo sa kopyahan sa assignments at exams. Kahit may asaran na nauuwi sa tampuhan, nagkakasundo pa din sa huli. Sarap maging highschool.
Ipagpapatuloy...
2 comments:
Whew. Masarap basahin maganda ang "insights". Keep it up!
Salamat pre ahaha
Post a Comment