Sunday, August 26, 2012

Sila...

     Kasama sa halos lahat ng gimik. Kasabay kumain sa halos lahat ng fastfood chain. Kasabay mong mag jay walking papuntang SM. Ka-jamming mo kapag nag-gigitara. Kasama mo sa bat overnight para kumain at manood ng mga pelikula (hindi para mag-aral). Kasama mo kapag di ka pumasa sa exam. 



     Sila ang iyong mga barkada. Iba't-ibang klase ng personalidad. paniniwala, pananaw sa buhay. Pero sa kabila nito, nagkakasundo kayo sa iisang "trip". Mas malaki ang barkada, mas masaya. Mas magulo, mas astig.


     Elementarya, Highschool at sa College. Sa bawat antas na 'to ay may itinuturing kang barkada. May mga pagkakataon din naman na ang mga naging barkada mo noong nasa elementarya at highschool ka ay nagiging kaklase mo pa din sa kolehiyo kaya naman nananatiling barkada mo pa din (Consistent!).



     Madami na 'kong naging barkada. Friendly kasi ako (sabi nila). As much as possible, gusto ko ako ang unang uma-approach sa isang tao. I always want to make the first move (Naks!). Sa dami na ng naging mga barkada ko, napansin ko na may mga "classification" sila. Binase ko 'to sa kanilang mga personalidad.



     Mr. and Ms. Friendship - Sila ang mga kaibigan mo na pwede na ding tawagin na "recruiter". Sa sobrang pagiging friendly nila, sila ang madalas nakakakilala ng mga bagong kaibigan. Masasabi na din natin na sila ang mga naging "founder" ng barkada.

     Muse and Escort - Sila ang pinaka gwapo at pinaka maganda sa grupo. Sila ang "Front Line". Ang problema lang, bihira mo silang makasama sa mga gimik dahil madalas ay kasama nila ang kanilang mga special someone. Most of the time, in a relationship ang status nila.

     The Entertainer - Sila ang may pinaka mataas na sense of humor sa barkada. Madalas magbitaw ng mga "punch lines". Mabilis ang takbo ng utak pagdating sa kalokohan. Madalas na may hawak ng mikropono kapag may videoke. Sila din ang madalas na single ang relationship status. Sa kabila ng pagiging mapagbiro ng mga ganitong klase ng tao, sila ang pianaka matino mong makakausap kapag may problema ka. Madaming pananaw sa buhay ang mga yan (true story). Bihira din sila mag-share ng problem sa mga kaibigan nila. Gusto nila na lagi silang mukhang masaya.


     The Geeks - Sa barkada, sila ang laging nakakakuha ng mataas na marka kapag may mga exam. Simpleng GC o Grade-Concious. Madalas nilang sabihin na hindi sila nag-review kapag may exam pero pagdating sa resulta, sila ang highest.

     The Weird - Mga taong tahimik lang. Magtataka ka din kung paano sila nasali sa barkada. Pero kapag nagbitaw sila ng mga "punch lines", ang taas ng quality. Matatawa ka talaga.

     Go-with-the-flow - Mga taong sama lang ng sama sa lahat ng gimik ng barkada. Kung ano ang trip, sige lang. Mga kaibigan mo na naka-depende din sa desisyon mo. Halimbawa, kung sasama ka, sasama din siya.

     The Financer - Ang "Big Time" sa barkada. May pinaka malaking ambag kapag may inuman. Madalas manlibre. Sila din ang pinaka advance sa mga gadget. Kumpleto. Madalas magyayang kumain.

     The Beneficiaries - May pinakamaliit na ambag kapag may gimik (o kung minsan naman ay wala). Sa kabila nito, may pagkukusa sila. Madalas na sila ang bumibili ng mga "pulutan" (sila din ang umuubos). Pwedeng maituring na homeboy. Utusan kapag inuman. Pero madalas hindi na nila ibinibigay ang sukli.


     Ang boring ng buhay mo kung wala kang mga barkada. Forever-alone. Wala kang makakausap kapag may problema ka. Wala kang kasama kumain kapag vacant time mo. Wala ka ding kalaro kapag pumunta ka sa Timezone at higit sa lahat di mo din mararanasan ang sarap ng feeling kapag inaasar ka nila sa crush mo.




4 comments:

W said...

kainggit naman dami mo na nasulat ah... ako kaya kelan ulit magsusulat?

Unknown said...

ahaha.. wala lang talaga akong magawa kaya kung anu-ano madami akong nasusulat

JennieL said...

The entertainer :D akong ako :D
abangan ang next blog. anu na next?

Unknown said...

ngaun lang ako nakapag online ulit... magpopost ako ng new blogs within this week ahaha

Post a Comment