Hindi 'to tungkol sa 1992 United States men's Olympic Basketball Team na kinabibilangan ni Michael Jordan. Ang Dream Team ay pangalan ng aming group noong nasa college pa ako (pero noong 4th year lumipat ako sa ibang grupo for some personal reasons). PMOODS ang pangalan ng nilipatan kong grupo (gagawa din ako ng blog about us). Pero para sa Dream Team, hindi 'to basta pangalan lang ng grupo. Hindi 'to basta grupo na binubuo ng pito (7) hanggang (8) miyembro na kailangan magpasa ng project sa mga professor. At mas lalong hindi 'to isang "fraternity" sa college.
Actually, hindi naman talaga Dream Team ang original name ng grupo namin. We call it as The Bitter Society (TBS). Isang pangalan lamang 'to ng barkadahan. Sa totoo lang, ako ang gumawa ng pangalan ng grupo. May kaklase kasi kami dati noong 2nd year college kami na sobrang kinaiinisan ng karamihan samin (kasama na ako). And then, one night, nag-send ako ng mga message sa mga kaibigan ko. Ang mga makaka-receive ng message kong yon ang mga "official member" ng The Bitter Society. Madami kaming magkakaibigan noon, as in one big barkada talaga. Habang tumatagal, nadaragdagan din ang aming mga kaibigan. Mas madami, mas masaya.
Nasa 2nd year college din kami ng magsimula ang mga "groupings". Kailangan lamang ng limang (5) miyembro bawat grupo. Sa dami naming magkakaibigan, naghahati-hati kami ng grupo. Ang naging ka-grupo ko ay sina Lexter, Toni Andrew, Roselyn at si Zsarmaine. Kailangan naming gumawa ng pangalan ng grupo. Naisip naming mga lalaki ang pangalang Dream Team. Di naman sa wala kaming tiwala sa mga sarili namin pero talagang kabaligtaran ng meaning ng Dream Team ang nasa isip namin noong mga panahon na yon. Reverse psychology in other words. Dito na unang nag-exist ang Dream Team. To be honest, di maganda ang naging output ng unang Dream Team. (Wala kaming picture ng unang Dream Team).
Third (3rd) year college, may mga groupings pa din naman pero mas madami ng members, Sa pagkakataon na 'to, nabuo na ang talagang Dream Team. Bawat miyembro ng grupo ay talagang may ginagawa. May kanya-kanyang "specialty". Madaming naging projects. Madaming hirap ang pinagdaanan. Sa kabila nito, maganda ang mga naging "ouput" ng aming grupo. Proud akong naging leader ng Dream Team.
Mas nakilala pa ang Dream Team pagdating ng 4th year college. Sad to say, lumipat ako ng grupo (personal reasons). Credits to Mr. Angelo Tupaz na programmer ng grupo. Siya din ang naging "Best Programmer" para sa Information Technology. Idagdag na din natin ang "Best Thesis". Mas maganda ang naging output ng Dream Team na 'to kung ikukumpara sa mga nakalipas na taon. Sila din ang nakakuha ng award para sa "Best in DBMS".
Masaya maging part ng Dream Team. Not only because of the good outputs sa mga mga school projects, but also yung mismong "bonding" moments ng barkada. Mahilig kami mag-videoke, madaming mahilig kumanta pero konti lang ang may talent sa pagkanta. Madalas din kaming maglibot sa mga mall, as in libot lang talaga. Kumain sa mga fastfood chains. Naaalala ko pa dati kapag birthday ng isa sa aming mga kaibigan, bibili kami ng cake at regalo para sa kanya. Mahilig din kami sa picture-taking (obvious naman di ba?). Credit to Ms. Roselyn Cortez para sa mga pictures. Si Mr. Christian Branzuela naman ang nag-edit ng karamihan ng pictures na makikita niyo sa blog na 'to. Di naman ata maiiwasan sa isang barakda ang may magka-inlaban. Yes, may mga nagka-inlaban din sa grupo namin (and I'm one of them). Pero di ako magdi-discuss dito about love life (how sad). Di man kami sabay-sabay nag-martsa noong nakaraang March 2012, still, walang pinagbago sa pagkakaibigan.
Salamat kay Mr. Marcelo Santos III. Ini-edit ko lang ang mga lines para mas personalized pero ang talagang original na gumawa ay si Mr. Marcelo Santos III. Through the Years ni Mr. Kenny Rogers ang ginamit kong background music sa video para mas "nakakaiyak".
As of now, kanya-kanya na "muna" kami ng pinagkaka-abalahan. May mga may trabaho na at may ilan din naman wala pa. May mga naging ina na and we wish them all the best and luck in this world. Sa kabila ng lahat na mga 'to, we will be "barkada for life". Looking forward sa next bonding ng Dream Team.
9 comments:
toroy! hahaha
ahaha.. gagawan ko din yung PMOODS, baka ma-inggit eh ahaha
Naiyak ako rom. whahhahaah
nyahaha
reminds me of HKL series na hindi mapublish-publish (kahit atleast sa blog)
edi gawin mo ulit
:D katuwa nmn ! i miss all the moments ! :) hahahaha
ahaha.. salamat mareng rose
nakakamiss kayo
Post a Comment