Madalas tayong nakakabasa ng mga pick-up lines, patama, love, funny and inspirational quotes and advices gamit ang mga social networking sites gaya ng facebook at twitter. Sabi nga nila, iba't-ibang tao ay may iba't-ibang ugali, personalidad at syempre, pananaw o paniniwala sa mga bagay-bagay.
Sumtyms u have to pretend
That ur happy and fine..
Until you realize that ur
Pretension has become
Ur strength to move on :)
TAMA! Good Morning guys
Kakagcng lang ni [ enter codename here ]
Have a nice day!
GM. [ enter codename here ]
Karaniwan mo ng nababasa sa cellphone mo ang mga ganyang message. "Group message" o GM kung tawagin nga natin. Simula ng mauso ang pagkakaroon ng mga "unlimited text and call promo" ng mga telecommunication sites, ay nagiging madalas na ang pagtanggap natin ng mga GM.
Subalit natanong mo na ba sa sarili mo kung sino ang unang taong nakapag-GM?, Ano ang laman ng GM nya?, Anung simcard ang gamit nya?. Ako din mismo ay hindi alam ang mga sagot sa tanong na yan at wala na din akong balak na alamin pa dahil hindi naman tungkol sa GM ang gusto kong bigyang-pansin (Naks!).
Bagamat nauso na ang mga pick-up lines ngayon ay hindi pa din nawawala ang mga qoutes. Ilan sa mga paniniwala, pananaw, ideya at ang mga love, funny and inspirational quotes na maaaring nabasa o narinig mo na ang naisipan kong "patulan" dahil wala akong magawa. Kanya-kanyang trip lang yan.
Unang-una na dyan ang di pa rin mawala-walang "Love at first sight". Weh?! Sure kang love na yan?? Hmmmm.. Baka naman na-attract ka lang sa kanyang taglay na kagwapuhan o kagandahan. If ever naman na naniniwala ka dito, ingat na lang ah. Sa panahon ngayon, di dahil gwapo at matipuno ang katawan ay lalaki na at di dahil maganda't may kurba ang katawan ay babae na.
Sumunod naman dyan ang "The truth will set you free". Yup!.. Oo nga naman. Sino ba naman ang gustong mabuhay sa kasinungalingan. Subalit aminin man natin o hindi, may mga pagkakataong mas pilit nating pinaniniwalaan ang itinuturing na "kasinungalingan" kaysa sa "katotohanan" na sadyang kay hirap tanggapin. As in mahirap talagang tanggapin (Oo, promise! Kay hirap talagang tanggapin!).
May mga tao naman na nagsasabing "Pag nagmamahal ka, wag mong ibigay lahat, magtira ka para sa sarili mo". Ganun?! Tama naman na you also have to love yourself, pero syempre di ba, kapag nakikipag-relasyon ka (lalo na kung seryoso) ay dapat ibigay mo lahat. Dapat maiparamdam mo sa partner mo na talagang seryoso ka sa kanya. Sa tuwing may mga nanliligaw nga, madalas nating maririnig (o baka sa mga pelikula na lang) ang mga linyang "I will give you the best in this world". Eh paano mo ibibigay ang sinasabi mong "best" kung di mo naman ibibigay lahat. And also, if ever na maghiwalay man, masasabi mo sa sarili mo na (in a very soft voice) "Ibinigay ko naman ang lahat, di lang sya nakuntento" (Tapos magiging "bitter" ka na for the next few days).
"Ang tunay na kagandahan ay nasa kalooban". Hanep! Linyang pang Miss Universe. Isa ako sa mga naniniwala sa linyang ito. Lalo pang tumibay ang paniniwala ko dito dahil for this past few days lang ay napansin ko na madami-dami na din ang magagandang "single". Baka naman sadyang pihikan o "choosy" lang talaga sila (Siguro nga).
The reason why people give up
so fast is because they tend to
look at how far they still have
to go, instead of how far they
gotten.
Uu nga naman..
Good Afternoon guys!
Here at [ enter current location here ]
Kain na po ng lunch!
Gm. [ enter codename here ]
Nabasa ko din ang "Assuming does not hurt you, Expecting does". Bago ka mag-agree, ano nga ba ang pagkakaiba ng pag-assume sa pag-expect?. Kung iisipin, parang wala namang pagkakaiba, pero kung simpleng pagsasalin lang sa filipino word, assuming means "PAG-AAKALA" samantalang ang expecting ay "UMAASA". Best example: Love Life! Kung nainlab ka na, for sure ay maiintindihan mo ang ibig sabihin nyan. Pwede nating sabihin na may mga tao na hindi ka naman talaga pinapaasa, sadyang binigyan mo lang ng malisya ang pakikisama nya sa'yo. May mga taong inborn ang pagiging friendly at sweet, at may mga tao din naman na sadyang madaling mainlab. Karaniwang nagaganap yan sa mga magkaibigan o ung mag-bestfriend. Naniniwala din naman ako na sa mag-bestfriend na babae at lalaki, imposibleng wala ni isa sa kanila ang may pagtingin sa bestfriend nila. Maswerte ka na kapag naging mag-on kayo ng bestfriend mo, pero kung hindi naman, WELCOME TO FRIEND ZONE!
Friend Zone - refers to a relationship where one wishes to enter into a romantic relationship while the other does not.
"Everybody deserves a second chance". Tama!. Pero syempre, nandyan na naman ang salitang "Depende". Depende sa taong bibigyan mo ng pangalawang pagkakataon. Depende kung gaano kahalaga sa'yo ang taong ito. Depende kung ano ang nagawang kasalanan sa'yo. Depende kung kaya mo nga talagang magbigay ng pangalawang pagkakataon. At ang pinakamabigat na "depende", depende sa payo o sasabihin ng mga kaibigan mo (madalas ganyan ang mangyari). Nakakatuwang isipin na kung minsan, may mga taong alam naman ang kanilang dapat gawin ngunit sadyang naiiba pa din kapag kumonsulta sa mga kaibigan. Aminin mo man o hindi, malaking porsyento ang binibigay ng payo o ang sasabihin ng mga kaibigan mo sa magiging desisyon mo kung magbibigay ka pa ng pangalawang pagkakataon. Subalit sa huli, ikaw pa din naman ang gagawa ng desisyon at magkakaroon ng responsibilidad sa gagawin mo.
Kung magbibigay ka naman ng pangalawang pagkakataon, di mawawala ang sinasabing "Forgive but don't forget". May point kung tutuusin, pero kung iisipin, parang wala ding saysay ang binigay mong pangalawang pagkakataon. Bakit mo pa binigyan ng pangalawang pagkakataon kung sa bawat araw ng muli nyong pagsasama ay naaalala mo pa din ang mga nagawa nyang kasalanan sa nakaraan? (na dapat ay kinalimutan mo na).
Tunay na "Love is sweeter the second time around" kung isasabay mo sa pagbigay sa kanya ng pangalawang pagkakataon ang tuluyang paglimot (Hanep!) sa mga di kanais-nais na nangyari sa nakaraan. Kung sakali namang gumawa na naman ng kasalanan, Aba! Alam mo na siguro ang dapat gawin. Walang gamot sa katangahan kundi pagkukusa (Nabasa ko lang yan).
Kasabay ng pagdami ng mga broken-hearted, ay ang pagdami din ng mga quotes. Madalas mo 'tong mababasa gamit ang mga social networking sites (at kung nakaka-receive ka pa din ng mga GM mula sa mga kaibigan mo). Tinatawag nga itong "Relatable Quotes" o yung mga quotes na (malamang) nakaka-relate ka.
- Hindi mo malalaman ang TAMA, kung masaya kang ginagawa ang MALI.
- Walang taong tanga, sadyang nagkamali ka lang.
- Hindi mo naman kailangan maging EVERYTHING to EVERYONE. Maging SOMETHING ka lang to SOMEONE, pwede na.
- Nahiya naman ang BATO sa pagiging MANHID mo.
- Ang masakit sa taong iniwan, ay yung hindi mo alam kung bakit ka iniwan.
Ano man ang nararamdaman mo sa mga oras na 'to ay siguradong may mga qoutes na nababagay para dyan. Yung mga quotes na pag nabasa mo ay mapapasabi ka na lang ng "TAMA" sabay status sa facebook at tweet sa twitter (pwede mo din na i-GM).
Ang sabi ng kaibigan ko,
"Sibuyas ang tanging gulay
na nakakapagpaluha sa tao."
Binato ko nga ng kalabasa
sa mukha!
Iyak sya eh!
AHAHAHA!
Kain na po ng dinner
Hope u had a nice day!
GM. [ enter codename here ]
1 comments:
Good read.
Post a Comment