Saturday, September 15, 2012

Tambay No More!

     Prep, Kinder, Elementary, Highschool at College. Halos labing-limang (15) taon akong nag-aral. Pagka-graduate ko, hindi ko alam na may nakaabang na pala sakin na trabaho. Pasok ka agad. Wala akong dinaanan na mga interviews. Walang exam na dapat ipasa. Walang mga requirements na kailangang i-submit. Madami agad akong mga "officemate". May mga dekada na o ang mga beterano kung tawagin sa "industriya" at mayroon din naman na mga kagaya ko na baguhan pa lang. No age limit din. Di din kailangan na college graduate ka. Kahit wala kang pinag-aralan, pwede ka. Lahat welcome sa trabahong to'. Simple lang ang job description, bahala ka sa buhay mo. Kahit ano pwede mong gawin. Ikaw gagawa ng sarili mong schedule. Hawak mo ang oras mo. Tungkol sa sahod? naka depende sayo. Di uso ang kinsenas o ang sahod tuwing katapusan ng buwan. Araw-araw pwede kang kumita. Depende sa diskarte mo. Kung tamad ka, wala kang sahod.


     Halos tatlong buwan din akong nanatili sa ganitong klaseng trabaho. Mukhang madali lang kung babasahin ang "job description" pero kapag nasa mismong "trabaho" ka na, promise! mahirap. Para sa unang dalawang linggo ko, mukhang maayos naman ang lahat. Pero paglipas ng isang buwan, ayoko na. Gusto ko ng mag-resign. Sinubukan kong magpasa ng "resignation letter" ko sa mga kumpanya. Tinulungan din ako ng ilang mga kamag-anak at mga kaibigan. Nilagay ko din ang aking "resignation letter" sa internet, para mapabilis ang proseso ng pagreretiro ko.


     Madaming kumpanya ang aking napuntahan. Makati, Ortigas, Greenhills at iba pang lugar sa Metro Manila. Madaming interview na din ang aking napagdaanan. Ilang exam na din ang nakuha. Halos isang beses sa isang linggo, may kumpanya akong pinupuntahan. Naka long-sleeves at dala ang aking "resignation letter". Pare-parehas ng proseso. Exam muna kung minsan pagkatapos ay initial interview kung minsan. Kadalasan, sa bawat pagkatapos ng interview or exam, sinasabi nila na tatawanan ka na lang daw nila, (tatawagan pala) kapag nakuha na nila ang resulta. May mga kumpanya na nagsesend agad ng e-mail para sa resulta (kung bagsak ka ba o pasado). May ilan din naman na halos isang buwan na ang nakakalipas ay wala pa ding response. Di mo tuloy alam kung nakapasa ka o hindi (di maiwasan ang umasa). Hindi biro ang bawat interview. May mga pagkakataon din naman ka kailangan mo pang hanapin ang lugar ng kumpanya na tumawag sayo dahil hindi ka pamilyar sa address na ibinigay.


     Di biro ang tatlong buwan na pagtigil ko sa "industriya" na napasukan ko ng hindi ko inaasahan. Paulit-ulit lang ang "routine" mo araw-araw. Nakakasawa. Lalo na kapag naiisip ko na wala akong napapal. Umabot na din ako sa pagkakataon na nakadama ako ng sobrang "pressure". Naisip ko na nahuhuli na ako sa mga naging kasabayan ko. Di ako nakakatulong sa pamilya. Nahihiya na din ako sa mga tao sa paligid ko na madalas na nakakakita sakin sa labas ng bahay.


     Noong Marso, ang tanong ng mga "officemates" ko: graduate ka na ba?. Hindi ako makasagot dahil hindi pa ako graduate noon. Buwan ng Mayo ako nakatapos, summer graduate. Sa wakas, masasagot ko na ng "Oo" ang tanong nila. Pagkalipas ng ilang buwan, naiba na ang tanong nila: may trabaho ka na?. Di na naman ako makasagot, change topic ako kung minsan.

     Makalipas ang tatlong buwan, sa wakas! may tumanggap na ng "resignation letter" ko! Retiro na ako sa pagiging tambay. Aalis na ako sa propesyon na ayoko ng balikan (hangga't maaari). Iiwanan ko na ang "industriya". Pagkakataon ko na para patunayan sa sarili na kaya ko na. Panahon na muli para mag-aral ako. Mag-aral at matuto ng mga bagong kaalaman. Madagdagan ang mga kaibigan. 

TAMBAY NO MORE!


THANK YOU LORD!

10 comments:

Unknown said...

congrats jerome !! :D

Unknown said...

solomot joyce :)))))))

kris said...

Congrats!! Shot na yan :)) goodluck!!

Unknown said...

shot agad? ahahaha

Arra said...

Congrats Rom!!!!!!!!!!!!!!!!! so happy for u

W said...

naks may trabaho na!!

Unknown said...

Solomot Arra! Congrats din sayo :))))

Unknown said...

Yeah Jay! ahaha

The Curly Baker said...

wow. hahah tambay no more!! Congrats :)

Unknown said...

solomot :)

Post a Comment