Before anything else, gusto ko lang muna sabihin na ang mga susunod niyong mababasa ay ibinase ko sa aking mga na-obserbahan. Wala akong masyadong magawa kaya naisipan kong isulat. Pero actually, matagal ko ng gustong ilathala (lalim ng term) ang topic na 'to.
Gusto ko naman ngayon i-share ang mga bagay na napansin ko tungkol sa mga babae. Mga katangian nila. Inuulit ko, ibinase ko lang to' sa mga naobserbahan ko sa mga nakalipas na taon, buwan, araw, oras, minuto at segundo.
Mahilig mag kwento ang mga babae. Sabihin na nating madaldal pero in a good way. Sa text, chat or even when you talk to them personally. Mahilig silang mag bahagi ng mga naranasan nila sa bawat araw na lumilipas, Sino ang nakita nila o ano ang ginawa nila. Kung hindi ka sanay sa kanila, malamang ay medyo maiirita ka. Pero I guess, its one of their personality na inborn na sa kanila. Kapag sa text, kadalasan sila ang nagbibigay ng topic. Mahahaba ang kanilang mga text message. Positibo man o negatibo ang nangyari sa kanila sa araw na dumaan, asahan mo ng ibabahagi niya to' sa'yo. Lalo na kung "close friends" kayo. Dahil na din sa pagkahilig nila magkwento, malalaman mo din kung wala sila sa "mood". Malamang iba na ang paraan nila ng pakikipag-usap. Medyo weird pakinggan pero kung minsan, madarama mo na parang walang "saya" ang mga text or chat messages niya sa'yo. Maidagdag ko na din, mataas ang sense of humor nila. Masaya silang mag kwento. Kaya kung mataas din ang sense of humor niyo, siguradong masaya ang usapan niyo.
Friendly sila. Most of the time kasi, naghihintay lang sila na ikaw ang unang kumausap sa kanila. Pa-feminine effect. Even if your a total stranger, kakausapin ka pa din nila kahit papaano (atleast 5 minutes siguro). Pero kung hindi ka naman mukhang "scary", congratulations! you've got a new friend.
Iyakin ang ilan sa kanila. Simpleng bagay katulad ng mga madramang eksena sa pelikula ay iniiyakan nila. Madali silang maapektuhan ng mga bagay na nangyayari sa paligid nila. Magaling silang mag-express ng kalungkutan hindi katulad ng mga lalaki. Kakausapin ka nila kapag may problema sila. Complete package ang story telling nila, with emotions. Kapag may mga ganitong pangyayari, sometimes, kailangan mo lang maging good listener. Hindi naman nila kailangan lagi ng payo. Gusto lang talaga nila ilabas ang kanilang sama ng loob.
They appreciate every little thing na ginagawa mo. Kahit simpleng text message lang ay pinapahalagahan nila. Basta nakita nilang may effort ka, okey sa kanila.
Gusto din nila na napapansin sila kapag may bago sa kanila. Halimbawa, kapag bagong gupit. Gusto nilang marinig ang mga comment mo. Kapag may date naman, kailangan mo din pansinin if they look good. Naghanda sila ng husto kaya malaking bagay sa kanila kapag napuri sila.
Unpredictable sila. Moody kung tawagin. Halimbawa sa pag-uusap, masaya siya and then all of a sudden, biglang mag-iiba ang way niya ng pakikipag-usap. Siguro ay may nasabi ka or hindi ka nagawa for them. Sabi ng isa kong kaibigan, isa sa mga dahilan kaya nagiging moody ang babae ay dahil may inaasahan sila na gagawin mo pero hindi mo nagawa. In that case, maybe you or we should be sensitive kung ano nga ba ang nasa isip or nararamdaman nila. Pero katulad ng nasabi ko kanina, unpredicatable sila kaya mahirap din na hulaan. Matuto na lang siguro tayo na mag-adjust for them. Kaya naman for some girls na bumabasa nito, much better siguro kung sasabihin niyo kung may problema, hindi kasi namin talent ang panghuhula kaya sorry in advance. Pero kung ayaw niyo naman sabihin, ayos lang din naman. We will do our best na lang to figure out what's wrong or kung ano ba ang nagawa namin (kung mayroon man).
Masyadong advance ang kanilang pag-iisip. I mean they always look forward sa mga mangyayari before they make their decision. They are not risk-takers katulad ng mga lalaki. Halimbawa, kapag may manliligaw sila, sad to say pero kung minsan, iniisip agad nila ang mangyayari kapag nagbreak sila. True Story. Madami akong kilalang ganyan.
Ayaw ko man na aminin pero sa tingin ko ay mas mature ang mga babae when it comes to relationship. Mabilis silang mag-accept ng mga bagay-bagay. Even if it hurts. They will make sure na hindi sila ang nagmumukhang "dehado" kapag may hiwalayan. They have their own way para mabilis mag move-on. Malalim silang mag-analyze ng mga happenings sa paligid nila. They also know the right thing(s) to do. Halimbawa, even if they really miss someone, hindi pa din sila ang gagawa ng first move para magkaroon sila ng communication. Your the guy, you should text first. Mas mataas ang pride kaysa sa lalaki kung minsan. Maria Clara ang drama. Pero kung minsan, they still need to consult their friends kung tama nga ba ang ginagawa nila. Parang confirmation lang naman.
Ilan lamang yan sa mga katangian ng mga babae na napansin ko. Maaaring mali ang mga hinala ko, maaari din namang tama. Malaya ka din naman na mabigay ng comment mo pagkatapos mong mabasa to'. Pwede kang sumalungat o kaya naman ay sumang-ayon. Ikaw na ang bahala. No hard feelings. Promise! (Huh?!)
12 comments:
ka-relate much.haha XD
ahahaha ka relate much pala eh ahaha
Hey im like that :))))
your like that? ahahahahaha
amen to this. :)
amen talaga? ahahaha solomot!
Go Go GO. :D
Maraming aspeto sa post na to ang mega "tumpak."
At kung hinde ko nabasang Jerome ang name mo, iisipin kong isa kang babae, on the basis of being very detailed about women. :) great post!
@Jenniel: Thanks ahaha
@Lush: Thanks for reading my blog.. Try nyu din po i-read yung iba kong blogs.. salamat po.. Im also reading your blogs :)
Sige na nga agree na, yung iba lang. Hahah. Tiburcio nga ata ako -_____- =))
Mau: napilitan? ahahaha
So true. :))
Post a Comment