Wednesday, September 26, 2012

Defense...

     Malapit na namang matapos ang isang semester para sa mga college students, pero bago muna yan, kailangan mo munang ipasa ang "mga" defense. Yes! mga defense. Sunod-sunod na overnight. Puyat ang pinaka matinding kalaban. Kailangan din ng pera para sa pang-print ng documentation. Mapalad ka kung sa grupo niyo ay mayroon kayong "financer". Sila ang mga madalas na walang tulong sa grupo pero sagot naman nila ang bayad sa mga pag-print ng documents. 

     Mabalik tayo sa usapang-defense. Ang gusto ko lang naman ay mag-share ng mga "Do's and Dont's" before, during, and after defense. Wala lang. Trip ko lang. Minsan ko ng nadama ang tindi ng "pressure" kapag may defense kaya gusto ko lang mag-share ng ilang bagay-bagay.

Before Defense:

     Unang-una, matutong mag-budget. Hindi biro ang mga gastusin kapag may defense. Masyandong magastos. Gastos para sa pamasahe, pagkain, pang-print ng mga documents at kung anu-ano pang biglaan pinagkaka-gastusan. Kadalasan, from school ay diretso na agad sa bahay ng kaibigan para mag-overnight. Pagkatapos ay balik na ulit sa paaralan. Halos 24 hours kang mawawala sa inyong bahay. Kaya kung hindi ka marunong mag-budget, siguradong mamumulubi ka. Depende na lang kung rich kid ka talaga. Pero kung "limited-stocks only" ka katulad ko, matuto kang mag-budget.


     Kung gusto mo talagang pumasa, gumawa ng time schedule. Kailangan yan. Most of the time kasi, kapag overnight, mas madaming oras ang napupunta sa kwentuhan, panunuod ng T.V., paggamit ng internet kaysa sa mismong paggawa ng kailangang tapusin. Gawain ng grupo namin yan dati. Dota muna bago pumunta sa venue ng overnight. Wala namang problema sa paglilibang bago gumawa pero siguraduhin lang na matatapos on time ang kailangang tapusin. Pero kung pro-crammer ka tulad ng grupo ko dati, ikaw ang bahala. Maidagdag ko na din, kapag nakatapos kayo sa gagawin niyo ng maaga, may oras pa kayo para natulog kahit isang oras lamang. Siguraduhin lang na may taga-gising kayo. Kasi kung minsa, nasosobrahan sa tulog kay nahuhuli sa defense. Time-Management.

    Bago umalis, siguraduhing kumpleto ang mga kailangan for defense. Documents, Visual-Aids at iba pa. Kalimutan mo lahat huwag lang ang mga yan. Double-check kung kumpleto. Kaysa naman kung kailan nasa school ka na ay bigla niyong kulang ang inyong visual-aids. Kung PowerPoint presentation naman ang inyong gagamitin, make sure na may back-up kayo. Pinaka-reliable na back-up for me is E-mail. Kung minsan kasi, tinotopak ang mga flashdrive, hindi nakikisama. Siguraduhin din pala na nakahanda ang inyong corporate attire. Malinis at bagong plantsa as much as possible.

During Defense:

      Be physically, mentally and emotionally prepared. Normal lang na makadama ng kaba lalo na kung unang defense. Pero kung sa tingin mo naman ay nagawa niyo naman ang dapat na gawin, sa tingin ko naman ay wala ka dapat ipangamba.


     Look-good and look-smart. Kahit puyat, kailangan presentable kayo sa mga panelists. Batiin at magpakilala muna sa kanila. Smile. Pero hindi naman kailangan na lagi kang naka-ngiti na magmumukha ka ng nang-iinsulto Sinisermunan ka na nga ng mga panelists, tapos naka-ngiti ka pa din. Tamang-ngiti lang. Huwag din naman masyadong seryoso. Ang ngiti din ang nagpapakita ng inyong self-confidence.


     Be ready for "unexpected" questions. May mga pagkakataon na kung saan ay iniisip niyo na maayos na ang project niyo pagdating sa mga panelists ay ipapamukha pa nila sa inyo na walang kwenta ang ginawa niyo. Masyadong madaming tanong. Kaya nga defense. You have to defend your work. Kung alam mo naman ang ginagawa niyo, kahit papaano ay makakaya niyonh sagutin ang mga tanong nila. Pero dahil mga "beterano" na ang mga panelists niyo, siguradong mahahanapan nila ng "butas" ang ginawa niyo.

     Ihanda ang sarili para sa mga "masasakit" na salitang maririnig niyo mula sa inyong mga panelists. Katulad ng nasabi ko kanina, kayang-kaya nilang ipamukha sa inyo na walang kwenta ang project na pinagpuyatan niyo ng halos isang linggo. Kung iyakin ka, malamang ay iiyak ka talaga. Kung mainitin naman ang ulo mo, siguradong mag-iinit ang ulo mo. Pero remember na ang mga panelists niyo ang magpapasa sa inyo kaya kalma ka lang. Tanggap lang muna ng tanggap hangga't kaya. Kung sasabayan niyo ang init ng kanilang ulo, patay na. Huwag makikipag-taasan ng boses sa kanila. Alalahanin ang paggalang na lang sa mas nakatatanda (Pampalubag-Loob).


     No Retreat, No Surrender!. Kapag nasa defense ka, para ka ng nasa loob ng isang warzone. World War III. Kung alam niyo naman na tama ang mga "ipinaglalaban" niyo, sige lang. Kung may mga supporting documents naman kayo na naipapakita, sige lang. Mahahanap nila ng "butas" ang mga pinagsasabi niyo pero remember na kayo ang mas nakakaalam ng ginagawa niyo at hindi sila. Importante ang mga supporting documents. Maaaring verbally ay naipapaliwanag niyo ang mga gusto niyong ipaglaban pero kung wala naman kayong naipapakita na mga dokumentong nagpapatunay sa mga sinasabi niyo, promise, itaas mo na ang puting bandila at wala din namang patutunguhan ang usapan niyo. Hindi ka mananalo. Parang sinabi mo na din sa PCSO na ikaw ang nanalo ng jackpot sa Lotto pero wala kang maipakita na Lotto Ticket na nagpapakita ng mga winning number combination.

     Maisama ko na din, may mga suggestions ang inyong mga panelists para mas mapaganda ang inyong project. Pero hindi kailangan na oo ka lang ng oo. Tingnan muna kung kaya niyong gawin ang mga sinasabi nila dahil sigurado sa next defense, ang mga suggestions nila ang unang hahanapin.

After Defense:

     Huwag niyong kakalimutan na magpasalamat sa kanila pagkatapos ng defense. Kahit pa natakatanggap kayo ng mga masasakit na salita, pinaluha o kaya naman ay nasigawan ka nila, be thankful dahil pinagbigyan nila kayong mag-present. Oo! utang na loob niyo sa kanila yan. Remember, respect your elders. Keep that in mind.


     Mag-relax muna. Huwag munang i-pressure ang sarili para sa next defense. Kalma-kalma din. Dota, gimik o kahit anong paraan para makapag-relax. Kung gusto mo naman, uwi agad at bumawi ng tulog. Kailangan niyo ang mga ganyang bagay para ma-refresh ang inyong mga utak. Makapag-isip ng matino kung ano ang mga dapat gawin sa susunod.


Additional Tips:

     Grab every opportunity you can get. Kahit pa lagi kayong umuulit ng defense, sige lang. Magpauto kung kinakailangan. Kahit pa sabihin ng panelists niyo na 10% lang ang chance niyo para pumasa, sige lang. Kahit pa 10% lang yan, its a chance pa din.

     Siguraduhin niyo lang din na kabisado ng bawat miyembro ang ginagawa niyo. Hindi nasusunod ang mga plano niyo as a group kung minsan pagdating sa presentation. Katulad ng per module na pagpapaliwanag. Kung minsan kasi, may "power trip" ang mga panelists, isang member lang ang tatanungin. One man show. Kung hindi mo kabisado ang ginagawa niyo, aral-aral din para sigurado.

     Kayo na ang bahala kung susundin niyo man ang mga pinagsusulat ko. Pero mas maganda kung susundin niyo para hindi naman masayang ang effort ko. Isang malaking GOODLUCK! with exclamation point para sa mga college students na magdedefense for the coming weeks. Special mention ang mga friends ko and students from Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, CSD Department (Computer Studies Department), taking up BSCS-IT and BSCS-CS course.  Kaya yan. Puso at tiwala lang sa sarili!



   



   



     

5 comments:

jo said...

puso lng! haha

Unknown said...

tomooo!

W said...

bigla ko na lang nakikita picture ko ah hahaha

Unknown said...

nyahahahaha malay mo ma discover ka pre ahaha

caddaricuglow said...

Play blackjack games at casino - Dr.MCD
The casino offers blackjack 포항 출장마사지 games and online poker with 제주 출장안마 high-quality graphics. All you have 순천 출장샵 to do is follow our instructions and pay 경상남도 출장마사지 your bet365

Post a Comment