Saturday, September 15, 2012

Watta week...

     Masyado ng madaming nangyari for the past week. Nawala ang isa naming kaibigan. Halos ilang araw din. Madami ang nag-alala at isa na ako doon. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Isa siya sa mga dahilan kung bakit ako naka-graduate sa college. Sa pagkakakilala ko sa kanya, mabait yan at matulungin.

     Para sa mga unang dalawang araw, madami ang nag-aalala kung nasaan ka ba ang kaibigan namin. Isa din ako sa mga nagpost sa facebook ng larawan niya para makatulong na madali siyang mahanap (di ako nagbibida, nag-aalala lang). Natural na may iba't-ibang tao ang may hinala. Hinala kung ano nga ba ang talagang nangyayari. Ano ang dahilan? Nasaan nga ba siya?.

     Sa mga sumunod na araw ng kanyang pagkawala, madaming nangyari. Sa dami ng mga istorya na narinig ko, may nabuo na din akong konsepto sa isip ko kung ano nga ba ang nangyayari. May mga nadadamay na din. Sinarili ko na din muna dahil ayoko na ding magmukhang "pabida".

     May mga tao talagang mapanghusga. Base sa kung ano ang nakikita at naririnig nila ay gumagawa agad sila ng kanilang konklusyon. Aaminin ko, isa ako sa mga 'to. Isa ako sa mga nagduda. I admit it. Sa totoo lang, ayoko na talagang mag react pa, pero dahil siguro nakakadama ako ng pagka "guilty" sa sarili ko, naisip ko na ding gawin to'. Sa kabila kasi ng mga naitulong niya sa'kin ay nagduda pa din ako.

    Both sides ng masasabi kong "nadamay" ay mga kaibigan ko. Masasabi ko na naging unfair ako sa kanya. Ang tanging narinig ko lang ay ang kabilang side. At dahil doon ay bumuo agad ako ng konsepto sa aking isipan. Alam kong hindi lang din naman ako ang nagduda, pero in behalf of them, gusto ko na ding humingi ng pasensya. Hindi biro ang mga nangyari, as in. Masyadong madami ang naapektuhan. Sa dami ng istorya, di ko na din masisisi ang mga kagaya ko na nagduda. Pero kagaya nga nasabi ko kanina, pasensya. Sa mga magulang, kapatid at kamag-anak niya, at sa'yo na din mismo kung mababasa mo to in the future, pasensya, naging mapanghusga lang.

     Pero ang pinaka importante sa ngayon ay nakita na siya. Kahit papaano ay nasa mabuti siyang kalagayan. Thank you Lord!. Isantabi na muna natin ang mga tanong natin at mga pagdududa. Hanggang sa ngayon ay madami pa ding tanong sa aking isipan. Naguguluhan pa din ako. Alam ko na tanging siya lamang ang makakasagot ng mga tanong ko. Di ako usisero, gusto ko lang malaman ang totoo dahil kaibigan ko siya. Kaibigan ko sila. Ano man ang mangyari sa kanila ay apektado kaming mga kaibigan nila. Late reaction kung iisipin. Gusto ko nang maging "neutral" kaya bihira na ako magreact sa facebook at twitter account ko. Kahit papaano ay gumaan ang kalooban ko ng gawin ko ang blog na 'to. Last reaction ko na 'to. Tiwala lang. Maaayos din ang lahat. Darating din ang panahon na masasagot ang mga katanungan sa isipan ko.

0 comments:

Post a Comment