Saturday, September 8, 2012

Self-proclaimed manunulat...

     Matagal ko ng naririnig ang tungkol sa blog. Tumblr pa nga ang gamit ng karamihan. Matagal ko na ding gusto magsulat. Noon ay tinanong ko si Pareng Jay, kaibigan ko na blogger din (Just click his name para ma-visit mo blog niya), kung saan pwedeng mag-blog. Una kong sinubukan ang webnode and then ni-recommend sa'kin ni Pareng Jay na sa Blogger ako magsulat. Mas madami daw ang mambabasa kapag dito ka nagsulat. Kaya nandito ako ngayon.


     May iba na kumikita sa blogging pero para sa'kin gusto ko lang na mag-share ng mga personal na experiences at kung anu-anong mga ideya. For entertainment purposes only. Sa facebook kasi, di papansinin ang mahahabang post at kung sa twitter naman, 140 characters lang ang pwede. Kaya sakto talaga ang blogging. Libangan ko lang talaga ang pagsusulat, wala kasi ako masyadong magawa.


     Para sa una kong entry para sa blog na to' My First Blog (Click mo ang title para mabasa mo din), introduction muna tungkol sa sarili ko ang nilagay ko. Wala pang mga ideya kaya naisipan ko munang magpakilala. Konting background tungkol sa'kin. Konti lang ang nilagay ko para hindi naman magmukhang biography ang first blog entry ko. Sa mga nauna kong posts, wala kang makikita na mga larawan. Baguhan pa lang ako kaya naman purong "sulat" lang ang mababasa mo. Eventually (Wow!), naisipan kong maglagay ng mga larawan na related sa topic ko. Binago ko din ang disenyo ng blog ko para mas ganahan ang mga mambabasa. Sa mga recent posts ko naman, naglagay na din ako ng mga music, lalo na ang mga blog ko na about sa love, para mas "madama" nila ang binabasa nila. To be honest, di ko talaga ang mag blog about love, pero isang kaibigan ko ang nag-request ng na gumawa daw ako. Do you believe in life? (after love.. after love.. ) ang title ng una kong blog about love. Ang sabi ko sa entry ko, yan na ang una at sana huli kong blog about love (kasi nga hindi ko trip), pero mukhang madami ang naging interesado. Madami pa din talaga ang mahilig sa usapang love-life.

     Kagaya ng sabi ko kanina, gusto ko lang mag-kwento at mag-share ng mga ideya kaya naman walang specific na konsepto ang blog ko. Random. Kung ano ang pumasok sa isipan ko, isusulat ko. Libangan lang talaga. Aaminin ko, basic ang pagkakagawa sa mga blog ko, walang lalim. Hindi mo na kailangan pang mag "read between the lines" para maintindihan ang mga sinusulat ko. Di na din English ang gamit ko para sumulat. Bukod sa ayaw kong pahirapan ang sarili ko, mas madaling naiintindihan ng mambabasa ang mga sinusulat ko. Kagaya na din ng una kong naisulat, "mababaw" lang ang mga content dito kaya bakit kailangan ko pa mag-English. Gusto ko ang pakiramdam na napapasabi ng "Tama!" ang mga mambabasa ko habang nagbabasa ng mga sinusulat ko. Gusto ko nakaka-relate sila.


     Parang panaginip lang din, ikaw ang bahala sa gusto mong isulat, responsibilidad mo din na panindigan ang bawat salitang nasa loob. Sa pagsusulat, pakiramdam ko nababago ko ang mga pananaw ng tao sa mga bagay. Sa tingin ko ay may nagagawa ako para mabago ang hinaharap nila. Feeling ko lang ang mga bagay na yan. Masaya magsulat. Lalo na kapag nakakatanggap ko ng mga positibong comment tungkol sa blog mo. May mga naging kaibigan din ako dahil sa mga blog entry ko.


     At the same time, mahirap din ang magsulat. Iisipin mo muna kung may magbabasa sa mga posts mo. Kailangan din may katuturan ang mga sinusulat mo (lalo na kung gusto mo ng madaming reader). Kailangan mo pang humanap ng babagay na mga pictures para sa blog. May mga blog din ako na nilalagyan ko ng mga kanta, hirap din minsan pumili. Noon ay gumagawa pa ko ng scratch. Outline muna sa papel. Sunod ay paggawa sa MS Word ng "dummy" blog at kapag pwede na at kuntento na ko ay rewrite na sa Blogger. Publish at promote na gamit ang facebook at twitter.


     Self-proclaimed manunulat sa internet. Enjoy na din ako sa ginagawa ko kaya sa tingin ko ay magtatagal ako sa blogging. Tumatanggap din nga pala ako ng mga blog request. Follow niyo lang ako sa twiiter. May link sa gilid ng blog na 'to papunta sa twitter account to. Tapos mag direct message na lang kayo. Kung interested lang naman kayo. May mga blog request ako na hindi ko pa pinopost for some reasons.

     Kung madami kang ideya, try mo din na i-share sa iba. Subukan mo ang blogging. May mga tao na madaming ideya pero tamad lang magsulat. Sadya sigurong di nila trip. Di naman kailangan na nakakuha ka ng mga kurso tungkol sa mga pagsusulat para makapag-blog. Isulat mo kung ano gusto mo, pwede na. Mag-drama ka, kaw ang bahala. Sariling ideya mo naman yan.


0 comments:

Post a Comment