Monday, October 1, 2012

Hmmm....

      Para sa mga reader(s) ng blog ko na nagtatanong kung may mga "words of wisdom" daw ba ako, meron naman at susubukan kong isa-isahin. Joke lang. Walang nag request ng blog na to'. Naisipan ko lang isulat. Share ko lang. Actually, hindi ko naman to' maituturing na mga "words of wisdom", sabihin na lang natin na ilan to' sa mga bagay na natutunan ko. From past experiences. Maaring personal at pwede din naman thru experience ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko aangkinin ang alin man sa mga mababasa niyo para sa blog na 'to. Maaaring narinig o nabasa niyo na to' dati na nire-phrase ko lang. Pwede din naman na mula sa mga lyrics ng kanta. Game!


     Kung may problema ka sa buhay lalo na sa love, iwasan ang madalas na pagbabasa ng mga "emotional" na quotes, pang broken-hearted na mga kanta at pelikulang drama ang tema. Dinadagdagan mo lang ang "stress" na nararamdaman mo. Mas pinapabigat mo lang ang kalooban mo lalo na kung nakaka-relate ka sa istorya ng pinapanood, nababasa mo at pinakikinggan mo. Mas mabuti pa na kausapin mo na lang ang mga kaibigan mo o kahit sino na alam mong makakaintindi sa'yo kaysa sa pag retweet ng mga quotes sa twitter at panonood ng pelikulang nagpapa-alala lang ng "sakit" na nararamdaman mo.

     Bawat tao ay may kanya-kanyang priority. May iba na mas mahalaga sa kanila ang makatapos ng pag-aaral. May mga tao din naman na mas gusto munang mag-trabaho. Priority ang pamilya at iba pa. Depende sa pangangailangan o estado sa buhay. Kailangan lang na maging open-minded ka sa mga bagay-bagay bago mo sila pagsabihan ng sa tingin mo ay "dapat" nilang gawin.


     Mapanghusga ang mga tao. They judge you depende kung ano ang nakita nila sayo. Unfair tayo manghusga kung minsan. Kung ano ang una nating narinig, siyang paniniwalaan. Kung sino ang mukhang "kawawa" at unang makakuha ng simpatya ng mga tao, siyang kakampihan. Mapalad ka kung ikaw ang nasa positibong parte ng istorya, pero kung ikaw ang lumalabas na "kalaban" mula sa sa unang kwento, talo ka na. Kahit pa alam mo sa sarili mo na wala ka naman talagang ginagawang masama. Hindi ka mabibigyan ng pagkakataon na isa-isahin ang mga tao sa paligid mo at ipaliwanag ang "side" mo. Hindi ka mabibigyan ng pagkakataon na kahit papaano ay "linisin" ang pangalan mo.


     Minsan maiisip mo na parang mga "kontrabida" ang mga kaibigan mo. Halimbawa sa lovelife. Pakiramdam mo ay masyado silang "nagmamarunong"at alam nila kung sino ang bagay sa'yo. Tandaan mo na kasabay ng pagtanggap mo sa kanila bilang mga kaibigan ay ang pagbibigay mo ng permiso sa kanila para makialam sa mga desisyon na gagawin mo. Apektado na sila sa lahat ng bagay na mangyayari sa'yo. Aminin na natin na nakakainis na kung minsan ang ginagawa nilang pagpuna sa mga ginagawa natin, pero kailangan din natin intindihin na nag-aalala lamang sila. They just care in English. Para din silang mga magulang. Nagiging mapanghusga sila dahil they just care for you. Feeling mo nasisira na ang friendship niyo dahil sa mga sinasabi nila pero they just care for you. Wala ng ibang dahilan pa. Remember na "in the end" of the day, babalik at babalik ka sa kanila.

     Hindi marunong makuntento ang tao. Nagbabago sila. Nagbabago tayo. Ayoko ng magpaikot-ikot pa. Ang gusto ko lang sabihin, kung sakaling iniwan ka man ng "partner" mo at napunta sa iba, isipin mo na lang na "limitless" ang pangangailangan ng tao. Naghanap sila dahil mga mga bagay na nakita nila sa "bago" nila na wala sa'yo. Bilang pampalubag-loob, isipin mo na lang ang salitang "karma" o kaya naman sabihin sa sarili na ibinigay mo naman ang lahat at hindi lang siya nakuntento.


     Napakadali ng sabihin ngayon ng mga salitang "I love you" at "I miss you". Pero mahirap din kung minsan depende sa tao. Sabi nga ng iba, sweet words don't always come from the heart. Sa panahon ngayon, madali ng humanap ng mga taong gusto ka at sinasabing mahal ka nila. Mas maganda siguro maghanap ka ng taong "seseryosohin" ka. Just saying. Mahirap ipaliwanag pero sana naintindihan mo ang pagkakaiba ng mga taong nagsasabing gusto ka at mahal ka sa taong alam mo na seseryosohin ka. Just saying.


1 comments:

Unknown said...

Hmm.. :)

Post a Comment