Sunday, October 21, 2012

See the difference...

     Time-out na muna ako sa mga seryosong topic about life and love. Sa title pa lang ay sigurado akong alam mo na ang nilalaman ng blog na to. Pagkakaiba o pagbabago mula noong bata na paglalaro lamang sa kalsada ang alam hanggang sa pagiging estudyante at pagkakaroon ng trabaho. Wala na akong maisip pa na maaaring ilagay para sa introduction kaya simulan na natin.

Baby at Bata (1 to 4 years old)....

     Para sa mga baby na nasa edad 1 hanggang 2 taong gulang, wala ibang ginagawa kung hindi ang matulog, umihi sa diaper, umiyak, humingi ng pagkain o gatas at maglaro. Madalas na karga ng magulang o nasa "stroller" kapag namamasyal. Nasa loob lang ng crib halos buong araw. Para naman sa edad 3 hanggang 4 na taong gulang, madalas maglaro kasama ang mga ka-edad na kaibigan sa kalsada, umiyak, kumain at matulog. Kung anak mayaman ka naman, malamang at nasa loob ka lang ng bahay at nanonood ng pambatang palabas o kaya naman ay naglalaro ng laruan kasama ang mga kapatid at magulang.

Buhay-estudyante (Elementary Days)...

     Gigising ng madaling-araw. Makikipagtitigan ng halos 10 minutes sa almusal bago kumain. Papakiramdaman ang lamig ng tubig ng halos 10 minuto bago maligo. Nasa paaralan ng halos kalahating-araw. Uuwi. Pagkatapos kumain ng tanghalian ay required kang matulog para daw tumangkad. Pagkagising ay gagawin ang takdang-aralin kung mayroon man. Pagdating ng 4:00 pm ay bubuksan ang T.V. para manood ng Voltes V, Ghost Fighter at Dragon Ball. Pagkatapos ay lalabas ng bahay para makipaglaro at gayahin ang mga napanood sa T.V. Uuwi ng mga 6:00 pm, kakain at matutulog. Tuwing weekends ay kadalasang maglalaro lang at manonood ng T.V.

Buhay-estudyante (Highschool Days)...

     Halos katulad pa din ng lifestyle noong elementary pa pero madaming nadagdag. Sa paaralan, halos buong araw ka ng nasa paaralan. Busy kung minsan dahil sa mga extra-curricular activities. Regular ang bonding ng klase dahil sa mga cheering competition at choric interpretation. Dito nauso ang larong DOTA. Pagkatapos ng klase ay diretso sa computer shop para maglaro. Last subject kung tawagin namin dati. Ang iba naman ay pupunta sa mga mall. Mapalad kapag nakapasok dahil kadalasan bawal ang mga highschool students na pumasok sa mall. Kadalasang dahilan ay ang pagiging "war freak" daw ng mga highschool students. Lalo na kapag may nakasalubong na estudyante mula sa "kaaway" na paaralan. School-Rivalry daw pero hindi sa sports, suntukan version. Isama ko na din sa highschool days ang pagkakaroon ng lovelife. Hindi ko na masyadong ipapaliwanag dahil hindi naman tungkol sa love ang blog na to'.

Buhay-estudyante (College Days)...

     Lets just make it short. Summary na lang. Stress at puyat. Dalawang salita na tatatak sa isipan mo pagdating ng college. Saglit lang ang schedule mo kung iisipin pero halos 24 oras kang mag-aaral lalo na kapag graduating student ka na. Overnight dito, overnight doon. Wala ng uwi-uwi pa. Pagkagaling sa pamantasan, diretso na sa bahay ng kaklase pagkatapos ay balik na ulit sa pamantasan. Uuwi ka lang kapag wala ka ng budget. Uuwi ka lang para kumuha ng mga damit. Dahil yan sa mga defense.


     Kung social-life naman ang pag-uusapan, hindi ka mawawalan dahil ang mga overnight ang nagsisilbing bonding moment mo with your groupmates. Celebration every after ng defense. Inom at party-party. Gimik daw pero limited ang budget. Wala pang trabaho kasi. Mapalad na kami kapag may galante kaming kaklase na mag-aambag ng malaki. Pero madalas, wala. Kaya ang gagawin na lang ay hahanap ng bahay na pwedeng gawing venue at ambagan kahit 50 isang tao. magkakasya na yan. Dota na lang kung minsan, kapag ayaw uminom.

After College...

     May pagkakatulad sa college life pero may pagkakaiba din. Stress? Oo meron. May trabaho ka man o wala ay mararamdaman mo ang stress. Kapag wala kang trabaho, damang-dama mo ang stress kapag naiisip mo na parang napag-iiwanan ka na. Ang mga dati mong kaklase ay may trabaho na samantalang ikaw ay wala. Kapag may trabaho ka naman, mararamdaman mo ang stress kapag malapit na ang deadline ng project mo. Kung pro-crammer ka naman o sanay na sa trabaho under time pressure, wala naman masyadong problema. Mararamdaman mo din ang stress kapag nakita mo ang bawas ng tax, SSS at iba pa na deduction sa sahod mo. Nakaka-stress kaya.


     Social-life. Kahit papaano ay hindi na problema ang budget. May trabaho na. Sumasahod na. Pero kahit may pang-gastos na ay kontrolado pa din ang expense. Hindi naman kailangan gumastos ng malaki. Hati-hati. Pero mas malaki sahod mo, mas malaki ambag mo. Huwag masyado malungkot dahil kung minsan once or twice a month lang naman yan. Get together lang kasama ang mga dati mong kaklase. Bonding. Sa mga ganitong pagkakataon mo din makikilala ang mga kaibigan mo na "kuripot" at tunay na galante. Hindi naman siguro kuripot, marunong lang humawak ng pera. Hindi ko naman masisisi ang mga "matipid" sa pera dahil talaga naman na nakapanghihinayang gumastos ng pera na pinaghirapan mo. Totoo yan. Para naman sa mga galante, sila ang mga marunong mag share ng blessings. Isama ko na din pala dito ang mga kaibigan na bigla na lang hindi nagpaparamdam pagkatapos sumahod, nawawala na lang bigla at lilitaw kapag may manlilibre ng iba. Tamaan-Sapul! Peace! Baka naman may iba lang na priority or may pinagkaka-gastusan na.


     Bago nga pala matapos ang blog na 'to, gusto kong batiin ang aking kaibigan na si Mr. Jan Paulo Camposagrado na nasa Amerika ngayon at naglilibot. Musta pare?





0 comments:

Post a Comment