Wednesday, September 26, 2012

Oh ang babae...

     Before anything else, gusto ko lang muna sabihin na ang mga susunod niyong mababasa ay ibinase ko sa aking mga na-obserbahan. Wala akong masyadong magawa kaya naisipan kong isulat. Pero actually, matagal ko ng gustong ilathala (lalim ng term) ang topic na 'to. 

     Gusto ko naman ngayon i-share ang mga bagay na napansin ko tungkol sa mga babae. Mga katangian nila. Inuulit ko, ibinase ko lang to' sa mga naobserbahan ko sa mga nakalipas na taon, buwan, araw, oras, minuto at segundo.


     Mahilig mag kwento ang mga babae. Sabihin na nating madaldal pero in a good way. Sa text, chat or even when you talk to them personally. Mahilig silang mag bahagi ng mga naranasan nila sa bawat araw na lumilipas, Sino ang nakita nila o ano ang ginawa nila. Kung hindi ka sanay sa kanila, malamang ay medyo maiirita ka. Pero I guess, its one of their  personality na inborn na sa kanila. Kapag sa text, kadalasan sila ang nagbibigay ng topic. Mahahaba ang kanilang mga text message. Positibo man o negatibo ang nangyari sa kanila sa araw na dumaan, asahan mo ng ibabahagi niya to' sa'yo. Lalo na kung "close friends" kayo. Dahil na din sa pagkahilig nila magkwento, malalaman mo din kung wala sila sa "mood". Malamang iba na ang paraan nila ng pakikipag-usap. Medyo weird pakinggan pero kung minsan, madarama mo na parang walang "saya" ang mga text or chat messages niya sa'yo. Maidagdag ko na din, mataas ang sense of humor nila. Masaya silang mag kwento. Kaya kung mataas din ang sense of humor niyo, siguradong masaya ang usapan niyo.

     Friendly sila. Most of the time kasi, naghihintay lang sila na ikaw ang unang kumausap sa kanila. Pa-feminine effect. Even if your a total stranger, kakausapin ka pa din nila kahit papaano (atleast 5 minutes siguro). Pero kung hindi ka naman mukhang "scary", congratulations! you've got a new friend.


     Iyakin ang ilan sa kanila. Simpleng bagay katulad ng mga madramang eksena sa pelikula ay iniiyakan nila. Madali silang maapektuhan ng mga bagay na nangyayari sa paligid nila. Magaling silang mag-express ng kalungkutan hindi katulad ng mga lalaki. Kakausapin ka nila kapag may problema sila. Complete package ang story telling nila, with emotions. Kapag may mga ganitong pangyayari, sometimes, kailangan mo lang maging good listener. Hindi naman nila kailangan lagi ng payo. Gusto lang talaga nila ilabas ang kanilang sama ng loob.

     They appreciate every little thing na ginagawa mo. Kahit simpleng text message lang ay pinapahalagahan nila. Basta nakita nilang may effort ka, okey sa kanila.


     Gusto din nila na napapansin sila kapag may bago sa kanila. Halimbawa, kapag bagong gupit. Gusto nilang marinig ang mga comment mo. Kapag may date naman, kailangan mo din pansinin if they look good. Naghanda sila ng husto kaya malaking bagay sa kanila kapag napuri sila.

     Unpredictable sila. Moody kung tawagin. Halimbawa sa pag-uusap, masaya siya and then all of a sudden, biglang mag-iiba ang way niya ng pakikipag-usap. Siguro ay may nasabi ka or hindi ka nagawa for them. Sabi ng isa kong kaibigan, isa sa mga dahilan kaya nagiging moody ang babae ay dahil may inaasahan sila na gagawin mo pero hindi mo nagawa. In that case, maybe you or we should be sensitive kung ano nga ba ang nasa isip or nararamdaman nila. Pero katulad ng nasabi ko kanina, unpredicatable sila kaya mahirap din na hulaan. Matuto na lang siguro tayo na mag-adjust for them. Kaya naman for some girls na bumabasa nito, much better siguro kung sasabihin niyo kung may problema, hindi kasi namin talent ang panghuhula kaya sorry in advance. Pero kung ayaw niyo naman sabihin, ayos lang din naman. We will do our best na lang to figure out what's wrong or kung ano ba ang nagawa namin (kung mayroon man).

    Masyadong advance ang kanilang pag-iisip. I mean they always look forward sa mga mangyayari before they make their decision. They are not risk-takers katulad ng mga lalaki. Halimbawa, kapag may manliligaw sila, sad to say pero kung minsan, iniisip agad nila ang mangyayari kapag nagbreak sila. True Story. Madami akong kilalang ganyan.


     Ayaw ko man na aminin pero sa tingin ko ay mas mature ang mga babae when it comes to relationship. Mabilis silang mag-accept ng mga bagay-bagay. Even if it hurts. They will make sure na hindi sila ang nagmumukhang "dehado" kapag may hiwalayan. They have their own way para mabilis mag move-on. Malalim silang mag-analyze ng mga happenings sa paligid nila. They also know the right thing(s) to do. Halimbawa, even if they really miss someone, hindi pa din sila ang gagawa ng first move para magkaroon sila ng communication. Your the guy, you should text first. Mas mataas ang pride kaysa sa lalaki kung minsan. Maria Clara ang drama. Pero kung minsan, they still need to consult their friends kung tama nga ba ang ginagawa nila. Parang confirmation lang naman.

     Ilan lamang yan sa mga katangian ng mga babae na napansin ko. Maaaring mali ang mga hinala ko, maaari din namang tama. Malaya ka din naman na mabigay ng comment mo pagkatapos mong mabasa to'. Pwede kang sumalungat o kaya naman ay sumang-ayon. Ikaw na ang bahala. No hard feelings. Promise! (Huh?!)


Defense...

     Malapit na namang matapos ang isang semester para sa mga college students, pero bago muna yan, kailangan mo munang ipasa ang "mga" defense. Yes! mga defense. Sunod-sunod na overnight. Puyat ang pinaka matinding kalaban. Kailangan din ng pera para sa pang-print ng documentation. Mapalad ka kung sa grupo niyo ay mayroon kayong "financer". Sila ang mga madalas na walang tulong sa grupo pero sagot naman nila ang bayad sa mga pag-print ng documents. 

     Mabalik tayo sa usapang-defense. Ang gusto ko lang naman ay mag-share ng mga "Do's and Dont's" before, during, and after defense. Wala lang. Trip ko lang. Minsan ko ng nadama ang tindi ng "pressure" kapag may defense kaya gusto ko lang mag-share ng ilang bagay-bagay.

Before Defense:

     Unang-una, matutong mag-budget. Hindi biro ang mga gastusin kapag may defense. Masyandong magastos. Gastos para sa pamasahe, pagkain, pang-print ng mga documents at kung anu-ano pang biglaan pinagkaka-gastusan. Kadalasan, from school ay diretso na agad sa bahay ng kaibigan para mag-overnight. Pagkatapos ay balik na ulit sa paaralan. Halos 24 hours kang mawawala sa inyong bahay. Kaya kung hindi ka marunong mag-budget, siguradong mamumulubi ka. Depende na lang kung rich kid ka talaga. Pero kung "limited-stocks only" ka katulad ko, matuto kang mag-budget.


     Kung gusto mo talagang pumasa, gumawa ng time schedule. Kailangan yan. Most of the time kasi, kapag overnight, mas madaming oras ang napupunta sa kwentuhan, panunuod ng T.V., paggamit ng internet kaysa sa mismong paggawa ng kailangang tapusin. Gawain ng grupo namin yan dati. Dota muna bago pumunta sa venue ng overnight. Wala namang problema sa paglilibang bago gumawa pero siguraduhin lang na matatapos on time ang kailangang tapusin. Pero kung pro-crammer ka tulad ng grupo ko dati, ikaw ang bahala. Maidagdag ko na din, kapag nakatapos kayo sa gagawin niyo ng maaga, may oras pa kayo para natulog kahit isang oras lamang. Siguraduhin lang na may taga-gising kayo. Kasi kung minsa, nasosobrahan sa tulog kay nahuhuli sa defense. Time-Management.

    Bago umalis, siguraduhing kumpleto ang mga kailangan for defense. Documents, Visual-Aids at iba pa. Kalimutan mo lahat huwag lang ang mga yan. Double-check kung kumpleto. Kaysa naman kung kailan nasa school ka na ay bigla niyong kulang ang inyong visual-aids. Kung PowerPoint presentation naman ang inyong gagamitin, make sure na may back-up kayo. Pinaka-reliable na back-up for me is E-mail. Kung minsan kasi, tinotopak ang mga flashdrive, hindi nakikisama. Siguraduhin din pala na nakahanda ang inyong corporate attire. Malinis at bagong plantsa as much as possible.

During Defense:

      Be physically, mentally and emotionally prepared. Normal lang na makadama ng kaba lalo na kung unang defense. Pero kung sa tingin mo naman ay nagawa niyo naman ang dapat na gawin, sa tingin ko naman ay wala ka dapat ipangamba.


     Look-good and look-smart. Kahit puyat, kailangan presentable kayo sa mga panelists. Batiin at magpakilala muna sa kanila. Smile. Pero hindi naman kailangan na lagi kang naka-ngiti na magmumukha ka ng nang-iinsulto Sinisermunan ka na nga ng mga panelists, tapos naka-ngiti ka pa din. Tamang-ngiti lang. Huwag din naman masyadong seryoso. Ang ngiti din ang nagpapakita ng inyong self-confidence.


     Be ready for "unexpected" questions. May mga pagkakataon na kung saan ay iniisip niyo na maayos na ang project niyo pagdating sa mga panelists ay ipapamukha pa nila sa inyo na walang kwenta ang ginawa niyo. Masyadong madaming tanong. Kaya nga defense. You have to defend your work. Kung alam mo naman ang ginagawa niyo, kahit papaano ay makakaya niyonh sagutin ang mga tanong nila. Pero dahil mga "beterano" na ang mga panelists niyo, siguradong mahahanapan nila ng "butas" ang ginawa niyo.

     Ihanda ang sarili para sa mga "masasakit" na salitang maririnig niyo mula sa inyong mga panelists. Katulad ng nasabi ko kanina, kayang-kaya nilang ipamukha sa inyo na walang kwenta ang project na pinagpuyatan niyo ng halos isang linggo. Kung iyakin ka, malamang ay iiyak ka talaga. Kung mainitin naman ang ulo mo, siguradong mag-iinit ang ulo mo. Pero remember na ang mga panelists niyo ang magpapasa sa inyo kaya kalma ka lang. Tanggap lang muna ng tanggap hangga't kaya. Kung sasabayan niyo ang init ng kanilang ulo, patay na. Huwag makikipag-taasan ng boses sa kanila. Alalahanin ang paggalang na lang sa mas nakatatanda (Pampalubag-Loob).


     No Retreat, No Surrender!. Kapag nasa defense ka, para ka ng nasa loob ng isang warzone. World War III. Kung alam niyo naman na tama ang mga "ipinaglalaban" niyo, sige lang. Kung may mga supporting documents naman kayo na naipapakita, sige lang. Mahahanap nila ng "butas" ang mga pinagsasabi niyo pero remember na kayo ang mas nakakaalam ng ginagawa niyo at hindi sila. Importante ang mga supporting documents. Maaaring verbally ay naipapaliwanag niyo ang mga gusto niyong ipaglaban pero kung wala naman kayong naipapakita na mga dokumentong nagpapatunay sa mga sinasabi niyo, promise, itaas mo na ang puting bandila at wala din namang patutunguhan ang usapan niyo. Hindi ka mananalo. Parang sinabi mo na din sa PCSO na ikaw ang nanalo ng jackpot sa Lotto pero wala kang maipakita na Lotto Ticket na nagpapakita ng mga winning number combination.

     Maisama ko na din, may mga suggestions ang inyong mga panelists para mas mapaganda ang inyong project. Pero hindi kailangan na oo ka lang ng oo. Tingnan muna kung kaya niyong gawin ang mga sinasabi nila dahil sigurado sa next defense, ang mga suggestions nila ang unang hahanapin.

After Defense:

     Huwag niyong kakalimutan na magpasalamat sa kanila pagkatapos ng defense. Kahit pa natakatanggap kayo ng mga masasakit na salita, pinaluha o kaya naman ay nasigawan ka nila, be thankful dahil pinagbigyan nila kayong mag-present. Oo! utang na loob niyo sa kanila yan. Remember, respect your elders. Keep that in mind.


     Mag-relax muna. Huwag munang i-pressure ang sarili para sa next defense. Kalma-kalma din. Dota, gimik o kahit anong paraan para makapag-relax. Kung gusto mo naman, uwi agad at bumawi ng tulog. Kailangan niyo ang mga ganyang bagay para ma-refresh ang inyong mga utak. Makapag-isip ng matino kung ano ang mga dapat gawin sa susunod.


Additional Tips:

     Grab every opportunity you can get. Kahit pa lagi kayong umuulit ng defense, sige lang. Magpauto kung kinakailangan. Kahit pa sabihin ng panelists niyo na 10% lang ang chance niyo para pumasa, sige lang. Kahit pa 10% lang yan, its a chance pa din.

     Siguraduhin niyo lang din na kabisado ng bawat miyembro ang ginagawa niyo. Hindi nasusunod ang mga plano niyo as a group kung minsan pagdating sa presentation. Katulad ng per module na pagpapaliwanag. Kung minsan kasi, may "power trip" ang mga panelists, isang member lang ang tatanungin. One man show. Kung hindi mo kabisado ang ginagawa niyo, aral-aral din para sigurado.

     Kayo na ang bahala kung susundin niyo man ang mga pinagsusulat ko. Pero mas maganda kung susundin niyo para hindi naman masayang ang effort ko. Isang malaking GOODLUCK! with exclamation point para sa mga college students na magdedefense for the coming weeks. Special mention ang mga friends ko and students from Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, CSD Department (Computer Studies Department), taking up BSCS-IT and BSCS-CS course.  Kaya yan. Puso at tiwala lang sa sarili!



   



   



     

Saturday, September 15, 2012

Watta week...

     Masyado ng madaming nangyari for the past week. Nawala ang isa naming kaibigan. Halos ilang araw din. Madami ang nag-alala at isa na ako doon. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Isa siya sa mga dahilan kung bakit ako naka-graduate sa college. Sa pagkakakilala ko sa kanya, mabait yan at matulungin.

     Para sa mga unang dalawang araw, madami ang nag-aalala kung nasaan ka ba ang kaibigan namin. Isa din ako sa mga nagpost sa facebook ng larawan niya para makatulong na madali siyang mahanap (di ako nagbibida, nag-aalala lang). Natural na may iba't-ibang tao ang may hinala. Hinala kung ano nga ba ang talagang nangyayari. Ano ang dahilan? Nasaan nga ba siya?.

     Sa mga sumunod na araw ng kanyang pagkawala, madaming nangyari. Sa dami ng mga istorya na narinig ko, may nabuo na din akong konsepto sa isip ko kung ano nga ba ang nangyayari. May mga nadadamay na din. Sinarili ko na din muna dahil ayoko na ding magmukhang "pabida".

     May mga tao talagang mapanghusga. Base sa kung ano ang nakikita at naririnig nila ay gumagawa agad sila ng kanilang konklusyon. Aaminin ko, isa ako sa mga 'to. Isa ako sa mga nagduda. I admit it. Sa totoo lang, ayoko na talagang mag react pa, pero dahil siguro nakakadama ako ng pagka "guilty" sa sarili ko, naisip ko na ding gawin to'. Sa kabila kasi ng mga naitulong niya sa'kin ay nagduda pa din ako.

    Both sides ng masasabi kong "nadamay" ay mga kaibigan ko. Masasabi ko na naging unfair ako sa kanya. Ang tanging narinig ko lang ay ang kabilang side. At dahil doon ay bumuo agad ako ng konsepto sa aking isipan. Alam kong hindi lang din naman ako ang nagduda, pero in behalf of them, gusto ko na ding humingi ng pasensya. Hindi biro ang mga nangyari, as in. Masyadong madami ang naapektuhan. Sa dami ng istorya, di ko na din masisisi ang mga kagaya ko na nagduda. Pero kagaya nga nasabi ko kanina, pasensya. Sa mga magulang, kapatid at kamag-anak niya, at sa'yo na din mismo kung mababasa mo to in the future, pasensya, naging mapanghusga lang.

     Pero ang pinaka importante sa ngayon ay nakita na siya. Kahit papaano ay nasa mabuti siyang kalagayan. Thank you Lord!. Isantabi na muna natin ang mga tanong natin at mga pagdududa. Hanggang sa ngayon ay madami pa ding tanong sa aking isipan. Naguguluhan pa din ako. Alam ko na tanging siya lamang ang makakasagot ng mga tanong ko. Di ako usisero, gusto ko lang malaman ang totoo dahil kaibigan ko siya. Kaibigan ko sila. Ano man ang mangyari sa kanila ay apektado kaming mga kaibigan nila. Late reaction kung iisipin. Gusto ko nang maging "neutral" kaya bihira na ako magreact sa facebook at twitter account ko. Kahit papaano ay gumaan ang kalooban ko ng gawin ko ang blog na 'to. Last reaction ko na 'to. Tiwala lang. Maaayos din ang lahat. Darating din ang panahon na masasagot ang mga katanungan sa isipan ko.

How do I handle stress...

     Ayon kay Pareng Wikipedia, ang stress describes a negative concept that can have an impact on one's mental and physical well-being. Lahat ng tao nakakadama nito. Bakit ka nga ba nakakadama ng stress? Kailan mo nadadama to'?


     Iba't-iba ang pinagmumulan ng stress. Maaring mula sa bahay, school, trabaho at ang love life. Hindi ko na isusulat ang iba pang detalye tungkol dito. Ang importante lang naman ay kung paano mo i-handle ang stress. Kanya-kanya tayong paraan. Gusto ko lang i-share  ang ilan sa mga paraan ko para mawala o kahit mabawasan ang stress.


     Music - Gusto kong mapag-isa. Kuha lang ng earphone, ilagay sa tenga (malamang) pagkatapos ay sound trip na. Most of the time mga acoustic songs ang pinapakinggan ko. Maganda kasi, hindi masyadong maingay. Kung minsan, mga kanta din naman na pang RnB, Pop songs at iba pang kantang pang "party-party". Chill lang muna. Pag feel ko naman ang mag-emote, ayan na. Ihanda ang mga kantang pang Senti. Ang mga love songs. Reminiscing. Drama mode muna. Kapag narealize ko na wala naman akong napapala sa pag emote, back to "party party"songs. Kapag nagsawa na ako sa mga kanta sa playlist ko, kinukuha ko ang gitara ko. Gitara mode. Kahit anong kanta.


     Share - Kwento at text sa mga kaibigan, post sa facebook, tweet sa twitter. Kung minsan, mas maganda na i-share mo sa iba ang mga "pinagdaraanan" mo. Malay mo, sa mga kaibigan mo, may makatulong sa'yo at makapagbigay ng mga payo.  Mga simpleng comment sa facebook at reply sa twitter na nagsasabi na may mga handang tumulong sa'yo. Pero para sa ilan, may mga nangangailangan lang ng "good listener". Mga taong hindi naman kailangan ng mga payo, he/she just need someone to talk to.


     Walk trip - Walk around the neighborhood. Kung minsan mag-isa lang. May mga pagkakataon din naman na kasama ko ang mga kaibigan ko. Muni-muni lang. Langhap ng sariwang hangin. Pang Good Vibes. Atleast 30 minutes walk. Kapag umuwi, pagod na kaya diretso tulog na. Nakalimutan ko pansamantala ang mga problema.

     Ilan yan sa mga paraan ko ng pag-handle ng stress. Kung maiba ka pang alam o kung may sarili kang paraan para mabawasan ang stress, welcome ka na mag-comment sa blog na 'to. Salamat.


Tambay No More!

     Prep, Kinder, Elementary, Highschool at College. Halos labing-limang (15) taon akong nag-aral. Pagka-graduate ko, hindi ko alam na may nakaabang na pala sakin na trabaho. Pasok ka agad. Wala akong dinaanan na mga interviews. Walang exam na dapat ipasa. Walang mga requirements na kailangang i-submit. Madami agad akong mga "officemate". May mga dekada na o ang mga beterano kung tawagin sa "industriya" at mayroon din naman na mga kagaya ko na baguhan pa lang. No age limit din. Di din kailangan na college graduate ka. Kahit wala kang pinag-aralan, pwede ka. Lahat welcome sa trabahong to'. Simple lang ang job description, bahala ka sa buhay mo. Kahit ano pwede mong gawin. Ikaw gagawa ng sarili mong schedule. Hawak mo ang oras mo. Tungkol sa sahod? naka depende sayo. Di uso ang kinsenas o ang sahod tuwing katapusan ng buwan. Araw-araw pwede kang kumita. Depende sa diskarte mo. Kung tamad ka, wala kang sahod.


     Halos tatlong buwan din akong nanatili sa ganitong klaseng trabaho. Mukhang madali lang kung babasahin ang "job description" pero kapag nasa mismong "trabaho" ka na, promise! mahirap. Para sa unang dalawang linggo ko, mukhang maayos naman ang lahat. Pero paglipas ng isang buwan, ayoko na. Gusto ko ng mag-resign. Sinubukan kong magpasa ng "resignation letter" ko sa mga kumpanya. Tinulungan din ako ng ilang mga kamag-anak at mga kaibigan. Nilagay ko din ang aking "resignation letter" sa internet, para mapabilis ang proseso ng pagreretiro ko.


     Madaming kumpanya ang aking napuntahan. Makati, Ortigas, Greenhills at iba pang lugar sa Metro Manila. Madaming interview na din ang aking napagdaanan. Ilang exam na din ang nakuha. Halos isang beses sa isang linggo, may kumpanya akong pinupuntahan. Naka long-sleeves at dala ang aking "resignation letter". Pare-parehas ng proseso. Exam muna kung minsan pagkatapos ay initial interview kung minsan. Kadalasan, sa bawat pagkatapos ng interview or exam, sinasabi nila na tatawanan ka na lang daw nila, (tatawagan pala) kapag nakuha na nila ang resulta. May mga kumpanya na nagsesend agad ng e-mail para sa resulta (kung bagsak ka ba o pasado). May ilan din naman na halos isang buwan na ang nakakalipas ay wala pa ding response. Di mo tuloy alam kung nakapasa ka o hindi (di maiwasan ang umasa). Hindi biro ang bawat interview. May mga pagkakataon din naman ka kailangan mo pang hanapin ang lugar ng kumpanya na tumawag sayo dahil hindi ka pamilyar sa address na ibinigay.


     Di biro ang tatlong buwan na pagtigil ko sa "industriya" na napasukan ko ng hindi ko inaasahan. Paulit-ulit lang ang "routine" mo araw-araw. Nakakasawa. Lalo na kapag naiisip ko na wala akong napapal. Umabot na din ako sa pagkakataon na nakadama ako ng sobrang "pressure". Naisip ko na nahuhuli na ako sa mga naging kasabayan ko. Di ako nakakatulong sa pamilya. Nahihiya na din ako sa mga tao sa paligid ko na madalas na nakakakita sakin sa labas ng bahay.


     Noong Marso, ang tanong ng mga "officemates" ko: graduate ka na ba?. Hindi ako makasagot dahil hindi pa ako graduate noon. Buwan ng Mayo ako nakatapos, summer graduate. Sa wakas, masasagot ko na ng "Oo" ang tanong nila. Pagkalipas ng ilang buwan, naiba na ang tanong nila: may trabaho ka na?. Di na naman ako makasagot, change topic ako kung minsan.

     Makalipas ang tatlong buwan, sa wakas! may tumanggap na ng "resignation letter" ko! Retiro na ako sa pagiging tambay. Aalis na ako sa propesyon na ayoko ng balikan (hangga't maaari). Iiwanan ko na ang "industriya". Pagkakataon ko na para patunayan sa sarili na kaya ko na. Panahon na muli para mag-aral ako. Mag-aral at matuto ng mga bagong kaalaman. Madagdagan ang mga kaibigan. 

TAMBAY NO MORE!


THANK YOU LORD!

Saturday, September 8, 2012

Unwritten break-up rules..

     After ng isang paghihiwalay, may ilang itinuturing na mga "rules" na sinasabi ang ilan. Di ko alam kung sino ang gumawa ng mga "rules" na 'to. Pamilyar ka na din siguro sa mga 'to. Gusto ko lang magbigay ng mga ideas ko tungkol dito. Actually, dalawa lang naman pero sadya sigurong gusto kong "patulan" ang mga 'to. In short, nakuha nila ang atensyon ko.


    Una na dito ang sinasabi na "Bawal mong maging girlfriend o boyfriend ang naging ex ng kaibigan mo o kaya na kapatid mo". Pagdating sa bagay na 'to, depende sa tao. Kung tungkol sa pagiging ex ng kapatid, sa tingin ko ay agree ako sa statement na 'to pero kung sa mga friends lang, di naman siguro totally na bawal. Kung hindi ka masaya na nakikita ang ex mo na kasama ang friend mo, bitterness na lang siguro ang pwede nating itawag sa nararamdaman mo. At first, natural na mailang ka sa kaibigan mo pero eventually, kapag naka move-on ka na, parang wala na din. Mas papahalagahan mo na lang din ang tagal ng pinagsamahan niyo as friends. Mahirap din naman na lumabas na "kontrabida" sa love story nila. Maidagdag ko na din, no one can control ang nararamdaman ng isang tao. Kung na inlove man ang ex mo sa friend mo, di mo din siya masisisi. Looking on the bright side, atleast alam mo na nasa mabuting kamay ang ex dahil sa kaibigan mo siya napunta. Kahit papaano ay mababawasan ang mga pag-aalala mo about sa sunod na maging relationship ng ex mo. Of course you still care sa ex mo kahit ano pa ang naging dahilan ng paghihiwalay niyo (di ba?!).


     Sunod naman ang tinatawag na "Three (3) months rule". Di ko sure kung three (3) o four (4) months. Sa rule na 'to, sinasabing hindi dapat magkaroon ng relationship agad after niyong maghiwalay sa susunod na tatlo o apat na buwan. Ang point lang siguro ng rule na ito ay subukan kung may chance pa na magkabalikan ang dalawa. Bigyan ng sapat na panahon ang dalawa para makapag-isip. Pero kagaya ng nasabi ko kanina, wala kahit sino man ang kayang mag-kontrol ng nararamdaman ng iba. Kung mainlove man ulit ang ex mo within three months, di mo din siguro siya masisisi. Darating ang mga tao na magcocomfort sa kanya at sa'yo. And as time goes by, walang makapagsasabi kung ano ang maaaring mangyari. Kung mahulog man ang loob ng ex mo sa taong nandiyan sa tabi niya noong mga panahong naghiwalay kayo, sad to say, we can't blame her/him. Kung ikaw naman ang fall agad, same reaction din, di kita masisisi. May mga tao talaga na madaling makapag-move on at may tao din naman na hindi. Di natin alam kung kailan tayo magmamahal muli kahit pa kagagaling lamang natin sa isang relationship.


Self-proclaimed manunulat...

     Matagal ko ng naririnig ang tungkol sa blog. Tumblr pa nga ang gamit ng karamihan. Matagal ko na ding gusto magsulat. Noon ay tinanong ko si Pareng Jay, kaibigan ko na blogger din (Just click his name para ma-visit mo blog niya), kung saan pwedeng mag-blog. Una kong sinubukan ang webnode and then ni-recommend sa'kin ni Pareng Jay na sa Blogger ako magsulat. Mas madami daw ang mambabasa kapag dito ka nagsulat. Kaya nandito ako ngayon.


     May iba na kumikita sa blogging pero para sa'kin gusto ko lang na mag-share ng mga personal na experiences at kung anu-anong mga ideya. For entertainment purposes only. Sa facebook kasi, di papansinin ang mahahabang post at kung sa twitter naman, 140 characters lang ang pwede. Kaya sakto talaga ang blogging. Libangan ko lang talaga ang pagsusulat, wala kasi ako masyadong magawa.


     Para sa una kong entry para sa blog na to' My First Blog (Click mo ang title para mabasa mo din), introduction muna tungkol sa sarili ko ang nilagay ko. Wala pang mga ideya kaya naisipan ko munang magpakilala. Konting background tungkol sa'kin. Konti lang ang nilagay ko para hindi naman magmukhang biography ang first blog entry ko. Sa mga nauna kong posts, wala kang makikita na mga larawan. Baguhan pa lang ako kaya naman purong "sulat" lang ang mababasa mo. Eventually (Wow!), naisipan kong maglagay ng mga larawan na related sa topic ko. Binago ko din ang disenyo ng blog ko para mas ganahan ang mga mambabasa. Sa mga recent posts ko naman, naglagay na din ako ng mga music, lalo na ang mga blog ko na about sa love, para mas "madama" nila ang binabasa nila. To be honest, di ko talaga ang mag blog about love, pero isang kaibigan ko ang nag-request ng na gumawa daw ako. Do you believe in life? (after love.. after love.. ) ang title ng una kong blog about love. Ang sabi ko sa entry ko, yan na ang una at sana huli kong blog about love (kasi nga hindi ko trip), pero mukhang madami ang naging interesado. Madami pa din talaga ang mahilig sa usapang love-life.

     Kagaya ng sabi ko kanina, gusto ko lang mag-kwento at mag-share ng mga ideya kaya naman walang specific na konsepto ang blog ko. Random. Kung ano ang pumasok sa isipan ko, isusulat ko. Libangan lang talaga. Aaminin ko, basic ang pagkakagawa sa mga blog ko, walang lalim. Hindi mo na kailangan pang mag "read between the lines" para maintindihan ang mga sinusulat ko. Di na din English ang gamit ko para sumulat. Bukod sa ayaw kong pahirapan ang sarili ko, mas madaling naiintindihan ng mambabasa ang mga sinusulat ko. Kagaya na din ng una kong naisulat, "mababaw" lang ang mga content dito kaya bakit kailangan ko pa mag-English. Gusto ko ang pakiramdam na napapasabi ng "Tama!" ang mga mambabasa ko habang nagbabasa ng mga sinusulat ko. Gusto ko nakaka-relate sila.


     Parang panaginip lang din, ikaw ang bahala sa gusto mong isulat, responsibilidad mo din na panindigan ang bawat salitang nasa loob. Sa pagsusulat, pakiramdam ko nababago ko ang mga pananaw ng tao sa mga bagay. Sa tingin ko ay may nagagawa ako para mabago ang hinaharap nila. Feeling ko lang ang mga bagay na yan. Masaya magsulat. Lalo na kapag nakakatanggap ko ng mga positibong comment tungkol sa blog mo. May mga naging kaibigan din ako dahil sa mga blog entry ko.


     At the same time, mahirap din ang magsulat. Iisipin mo muna kung may magbabasa sa mga posts mo. Kailangan din may katuturan ang mga sinusulat mo (lalo na kung gusto mo ng madaming reader). Kailangan mo pang humanap ng babagay na mga pictures para sa blog. May mga blog din ako na nilalagyan ko ng mga kanta, hirap din minsan pumili. Noon ay gumagawa pa ko ng scratch. Outline muna sa papel. Sunod ay paggawa sa MS Word ng "dummy" blog at kapag pwede na at kuntento na ko ay rewrite na sa Blogger. Publish at promote na gamit ang facebook at twitter.


     Self-proclaimed manunulat sa internet. Enjoy na din ako sa ginagawa ko kaya sa tingin ko ay magtatagal ako sa blogging. Tumatanggap din nga pala ako ng mga blog request. Follow niyo lang ako sa twiiter. May link sa gilid ng blog na 'to papunta sa twitter account to. Tapos mag direct message na lang kayo. Kung interested lang naman kayo. May mga blog request ako na hindi ko pa pinopost for some reasons.

     Kung madami kang ideya, try mo din na i-share sa iba. Subukan mo ang blogging. May mga tao na madaming ideya pero tamad lang magsulat. Sadya sigurong di nila trip. Di naman kailangan na nakakuha ka ng mga kurso tungkol sa mga pagsusulat para makapag-blog. Isulat mo kung ano gusto mo, pwede na. Mag-drama ka, kaw ang bahala. Sariling ideya mo naman yan.


Friday, September 7, 2012

SMP...

     September. Pang-siyam na buwan sa loob ng isang taon. Una sa mga tinatawag na "Ber" Months. Lumalamig na naman ang simoy ng hangin. Nagsisimula ng magparamdam ang mga inaanak. Ibig sabihin lang ay papalapit na ang December. Malapit na ang pasko. Sa mga susunod na buwan ay may makikita ka ng mga dekorasyon na pang-pasko. Dumadami na din ang mga gumagawa ng "early christmas" shopping. Ilang buwan na lang din ay makakarinig ka na ng mga kantang pamasko.


     Kasabay ng paglabas ng mga dekorasyon at iba't-ibang bagay na may kaugnayan sa kapaskuhan, ay nauuso na naman ang mga SMP. Samahan ng Malalamig ang Pasko. Mga taong "single"  ang relationship status (as of now). 

     May mga nababasa na kong mga post at tweets about sa mga SMP pero konti pa lang naman. Mga nagsasabi na "single" sila. Nagpaparamdam. Di ko alam kung naghahanap sila o sadyang trip lang nilang magpost about SMP. Literally, malamig naman talaga ang pasko kaya walang problema kung miyembro ka ng Samahan ng Malalamig ang Pasko (SMP). 


     Aminin na din natin sa masarap ang feeling kapag may itinuturing kang "special someone" ngayong darating na pasko (kahit hindi naman pasko) pero wala din namang problema kung single ka. On the other note may almost three (3) month ka pa naman para "makahanap" (Yes! may tatlong buwan pa ko). Malay mo makilala mo siya sa work place mo. Baka naman kaklase mo. Pwede din na kapit-bahay mo lang. Darating pa ang November, baka makasalubong mo siya sa sementeryo (may chance!). Sa simbang-gabi, baka makatabi mo siya sa simbahan. Pwede din na isa siya sa kumakanta ng Christmas Carol ngayong darating na December. Baka makakasalubong mo lang siya mamaya paglabas mo ng bahay. Three (3) months will always be three months. Di natin alam ang pwedeng mangyari.


     Wala din namang problema kung mag-popost or mag-tweet ka sa mga social networking sites about being a member of SMP. Kung minsan, kailangan mo din namang hanapin ang love, mahirap na naghihintay lang. Darating din ang love, mag tiwala ka lang. Kung aabot sa December, Congratulations!, at kung hindi naman, walang problema. Mahirap namang sabihin na nagkaroon ka lang ng relationship dahil gusto mo lang na may makasama ngayong darating na pasko. Alalahanin na lang din natin na ang celebration na darating ay Christmas Day at hindi naman Valentine's Day. Tungkol sa pagbibigayan sabi nga ng iba.


About Love (ulit... )

     Musta na? Almost two (2) weeks din akong di nakapag-blog. Masama kasi ang pakiramdam ko for the past weeks kaya di ako makapagsulat ng matino (share ko lang). Kapag wala sa mood, walang pumapasok na matinong ideya. Baka kung anu-ano lang ang maisulat ko kaya naisipan ko na lang na hindi na muna magsulat (Hanep! magsulat talaga ang term).

     Last week ay nag-tweet ako sa twitter na tumatanggap na ako ng mga blog request. Nakakatuwa lang dahil may mga nag-response naman. Oo, tama ang nabasa mo, "mga", so more than one (1). First come, first serve basis kaya uunahin ko ng gawan ng blog ang naunang nag-request (Naks!).


     About love. Pero di ordinaryong topic. Masyadong seryoso. To be honest, napa-isip talaga ako. Ang kanyang tanong: Bakit mahal na mahal mo pa din kahit nasasaktan ka na?. Oh' di ba?. Masyadong malalim. Direct to the point na. Di na kailangan pa ng introduction. Paano mo nga naman gagawan ng isang intro ang ganitong topic.

     Bakit nga ba may mga taong nagmamahal kahit nasasaktan? Seriously, di ko alam ang eksaktong sagot. At pupusta din naman ako na walang may alam ng tamang sagot. Siguro dahil ay mahal na mahal lang niya ang naging partner niya. Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya kapag magkasama sila.


     Pagiging manhid o martir pagdating sa love. Natural na yan para sa mga taong inlove talaga. Kung iisipin, bihira na yan sa panahon ngayon dahil karaniwan ng makikitang relasyon ngayon ay "Hanap, Usap, Deal". Ipapakilala lang ng kaibigan, sunod ay liligawan na agad at pagkatapos ay magiging sila na. Di ko naman sinasabing ganyan ang lahat ng scenario ng mga relationship ngayon, sadyang may mga nakikita lang ako na ganyan. Back to the topic, ang pagiging manhid ay maituturing na din na "Basic Instinct" na yan ng mga nakakadama ng "True Love". Mga taong alam na "mali" ang mga bagay ay sadyang patuloy pa din. Pero mayroon din naman na marunong tumanggap ng mga bagay bagay. Mga taong "mature" na maituturing. Alam nila sa sarili na nila na hindi talaga siya ang mahal kaya pinalaya na lang. Most cases, babae ang mga ganyan. Open-minded sa mga bagay at marunong tumanggap ng lahat kahit masakit, kaysa ipagsiksikan ang sarili sa taong alam niyang hindi naman magiging masaya sa piling niya. May mga lalaki din na ganyan pero kagaya ng nasabi ko kanila, madalas babae ang gumagawa ng mga ganyang bagay.


     Looking on the positive side, kung isa ka man sa mga taong marunong magparaya, look forward ka na lang sa future mo. Masyadong generic na advice pero sa tingin ko wala ka na din naman choice na gawin. Try mo na din basahin ang previous blog ko na: Do you believe in life? (after love.. after love.. ). (Click mo lang ang title).


     Mukhang naiba ko ang topic. Atleast kahit papaano naman ay may mga naisulat ako tungkol sa mismong topic. Mahirap kasi talaga at masyadong seryoso. Di ko masyado talagang trip na blog about love pero dahil nag post ako na tumatanggap ako ng mga request (at ang natanggap ko nga ay about love), kailangan panindigan ko.

     Bilang pasasalamat sa topic request. I want you to listen sa kanta na nasa baba. Wala lang. Naisip ko lang na maglagay na ng music sa last part ng blog para maiba naman ang "style". After mong magbasa ng blog ay makikinig ka sa isang kanta. Habang nakikinig ka, malaya ka ng mag-emote. Mag-drama. Mag-reminisce. Ikaw na ang bahala. Salamat.