Wednesday, October 2, 2013

Do's and Dont's kapag magka-away kayo ng GF mo...

     Hi! Musta na?! Tagal ko ng di nabisita ang blog ko na 'to ah. Busy eh. Oh well, atleast ngayon ay naisipan ko na muling bisitahin ang blog ko na 'to at syempre, magba-blog na ulit ako.

     Direct to the point na tayo. Blog ko na agad ang mga idea na pumasok sa isip ko bago ko pa makalimutan. So siguro naman alam niyo na ang laman ng blog na 'to base pa lang sa title. Do's and Don'ts kapag magka-away kayo ng GF mo. Girlfriend lang ah. Wala akong pake kung nag-away kayo ng BF mo. Basta ang blog ko ay tungkol sa GF. Okey? Malinaw? (Taray eh no').

HUWAG KA NG MAG DAHILAN PA!

     - Isa sa tingin ko na pinaka-kinaiinisan ng mga babae (or kahit sino naman ata) eh ang taong mahilig mag dahilan pa. Magpalusot. Nahuli na nga, nag dedeny pa. Kung sa bagay, ugali na din ata nating mga lalaki ang gumawa ng mga rason para lang mapatawad tayo agad. Kumbaga eh kung kaya pang lumusot eh lulusot pa. Pero pare, kung nahuli ka na (sa text message, chat sa facebook atpb.) wag ka na magdahilan. Wag mo ng sayangin ang laway mo or character sa text message mo sa pagdadahilan pa. Just admit it na lang. Mag-pokus ka na lang sa pagso-sorry.

HUWAG PURO SORRY!

     - Yeah! Wag ka ng magtetext sa kanya or mag plano na kausapin siya kung puro sorry lang din naman ang itetext o sasabihin mo sa harap niya. Kung yan lang din ang sasabihin mo, malamang ang sabihin lang niya sa'yo ay "Yun na yun?". Imbes na patawarin ka niya ay mas malaki ang tyansa na mas mairita pa sa'yo yan. Lambingin mo pre!. Nakaka lambing ba ang salitang SORRY?!

HUWAG MONG I-CONSIDER NA EFFORT ANG PAGTETEXT O PAGTAWAG SA CELLPHONE!

     -  Sabi nga ng iba, kung effort lang ang pagtawag o pagtetext edi sana ay walang naghihiwalay. Kung gusto mo talaga humingi ng sorry eh di makipagkita ka. Puntahan mo sa kanila. Suyuin mo. Pero wag ka mag expect na magsasalita yan kapag kaharap ka na. Tahimik lang yan na makikinig sa pagso-sorry at paliwanag mo. Sabihin mo lang ang gusto mong sabihin. Hangga't kaya mo, huwag mong hayaang bumalik siya sa bahay nila na magkaaway pa din kayo.

HUWAG MASYADONG MAKULIT!

     - Iwasan mo ang minu-minutong pagtetext o pag mimiss-call sa kanya. Mas maiirita sa'yo yan for sure pare!. Kung minu-minuto kang nagtetext o tatawag ka pagkatapos ay sinagot niya then ang sasabihin mo lang ay Sorry, ay nako pre, wag mo ng ituloy. Alam kong naka-unli ka pero wag mo masyadong sulitin. Give her space muna. Palipasin mo muna ang galit niya at wag mo ng dagdagan pa. Wag OA sa maya't-mayang pagtetext o pag mimiss-call. 

HUWAG MO SIYANG IIWANAN!

     - Kung awayin ka man niya sa harap ng mga kaibigan mo o kaya naman sa harap ng mga kaibigan niya, wag kang magalit o mag-walk-out. Kahit ano pang gawin niyang pagtataboy sa'yo eh wag kang aalis sa tabi niya. Kung gusto mo naman eh dumistansya ka na lang muna pero dapat sa layo na kita mo pa din siya. Balik-balikan mo. Suyuin mo lang. Tiis lang kung sa bawat pagbalik mo eh pinagtatabuyan ka pa din niya. Babae sila, natural na ang pagiging pakipot ng mga yan. May karapatan silang mag-inarte dahil may kasalanan ka sa kanila. Galit lang yan kaya kung anu-ano nasasabi at nagagawa niyan. Sudden burst of emotion. Kalma ka lang. Magkakabati din kayo.

HUWAG KANG MAGSAWA NA MANUYO!

     - Kailangan ko pa bang i-explain to??

Sunday, July 28, 2013

Try mo 'to girl...

     Actually, di ko alam kung paano ko talaga 'to ie-exlpain ng mabuti. Yung tipong gusto kong maintindihan niyo talaga ang mga susunod na iba-blog ko. Basta. Share ko na lang din. (Labo ng intro)

     Para sa mga babae, gusto ko lang i-suggest na paano kaya kung huwag na lang kayong magpaligaw. Alam ko naman na ang aim niyo kaya kayo nagpapaligaw ay para sa mas makilala niyo pa ang isang lalaki. Sa tingin ko mas makikilala niyo ang isang lalaki kapag hindi siya nanliligaw.
 
     Kadalasang gusto ng babae kapag nanliligaw ang isang lalaki sa kanila ay maging natural 'to sa kanyang mga galaw. Hindi yung naga-adjust siya sa gusto ng babae. Subalit ang katotohanan, kabaligtaran ang nangyayari. 

     Habang nanliligaw, malamang ipapakita ng lalaki lahat ng positibong bagay sa kanya kabaligtaran sa gusto ngang mangyari ni babae. Halos lahat ng gusto ni babae ay gagawin ni lalaki mapasagot lang niya 'to. Yung para bang ginagawa ng lalaki ang isang bagay dahil alam niyang ikakatuwa 'to ng babae. Alam niyang dagdag pogi-points kapag ginawa niya ang ganoong bagay.

     So isipin naman natin sa sitwasyon kapag hindi nanliligaw ang isang lalaki. Sitwasyon na madalas kayong lumabas, mag-"date" pero hindi naman talaga siya nanliligaw sa'yo. Friendly-date siguro. MOMOL (google mo na lang ang meaning kung hindi mo yan alam). Sa tingin ko ay mas magiging natural ang magiging kilos ng isang lalaki. Kasi nga hindi naman siya nanliligaw. Friendly-date nga lang di ba? Then as time goes by (Naks! English!), sa madalas niyong pagkikita, sa dalas niyong magkasama, di mo namamalayan na naiinlab ka na pala. Naiinlab na pala kayo sa isa't-isa.

     Hirap talaga i-explain, basta gusto ko lang iparating na mas maganda kapag hindi exclusive na nanliligaw ang isang lalaki (Naisip ko lang naman bigla yan pagkatapos ay naisipan kong i-blog). Bukod sa hindi talaga ako bilib sa paniniwala na mas makikilala mo ang isang lalaki habang nanliligaw siya, eh mas mas maganda talaga kapag all-of-a-sudden kang nai-love. Biglaan. Unexpected.

     
     

Ipon ipon din pag may time...

     Bago ang lahat, gusto ko munang mangamusta sa mga "viewers" ng blog na 'to. Biruin mo nga naman, umabot ng 10k views.

     Okey. Game na. Ngayon lang ulit nagkaroon ng time para makapag-blog. Simulan na natin agad 'to. Excited ka na ba? Kung makaka-relate ka sa topic ko, mas maganda.

     Halos isang taon ng nagta-trabaho. Sapat ang sahod para sa mga gastusin. Hindi kaliitan at hindi din naman ganoon kalaki. Pero sa kabila ng ilang buwan na nagtatrabaho, tatanungin kita, naka-ipon ka na ba? Kung oo ang sagot mo, Congrats! Ikaw na!. Pero para naman sa mga taong matagal-tagal ng nagta-trabaho subalit din pa din nakakaipon, tara! usap tayo.


    Bakit nga ba hindi maka-ipon sa kabila ng halos every 15 days naman ay may income na pumapasok. Malamang sa maybe naman ay mas malaki na salary mo ngayon kaysa sa allowance mo noong nag-aaral ka pa. Pero kung rich kid ka at mas mataas pa ang allowance mo noon kaysa sa sinasahod mo ngayon, edi sana mas pinili mo na lang na maging estudyante for life (OA!). Mabalik tayo sa mga taong nagta-trabaho pero hindi pa din makaipon. Mayroon akong mga naisip na dahilan kung bakit hindi ka maka-ipon sa kabila ng regular na income na pumapasok naman.

   Pagtaas ng level na "Lifestyle". Kung noon ay napagkakasya ang 200 sa isang araw bilang estudyante, bakit ngayon ay kapos na sa'yo ang ganyang halaga. Isang dahilan na naiisip ko ay dahil alam mong may pang-gastos ka pa. Dahil may pera ka pa, malakas ang loob mong gumastos, lalo na kapag alam mong malapit na naman ang payday. 

     Choosy ka na. Kung noon ay okey na sa'yo ang kumain sa mga carinderia, o kahit sa mga tuhog-tuhog lang ng mga fish balls, squid balls, kwek-kwek at kung anu-ano pang mga street foods, ngayon ay sa mga fast food chains ka na kumakain, o kung talagang big time ka na, restaurant. Ayaw mo na kumain sa mga carinderia kasi nga mainit. Gusto mo sa may aircon. Kung noon ay okey na sa'yo ang mag jeep o kaya naman ay maglakad na lang, ngayon ay pa taxi-taxi na lang! Big time!

     Gusto mo lagi kang "In". Gusto mong lagi ka ng nasa uso. Halimbawa, may bagong labas na model ng cellphone, dahil alam mong afford mo ng bumili at para updated ka, bibili ka. Hindi ka dapat mahuli sa kung ano man ang bago. Kung noon ay naghihintay ka na lang ng mga malinaw na kopya (download sa torrent) sa internet ng mga bagong pelikula, ngayon ay lagi ka na nakakapanood. Opening day pa lang, nakakapanood na. 3D pa!


     Wala pa talaga sa vocabulary mo ang salitang "ipon". Dahil nga sa pero na regular ng pumapasok sa'yo every 15 days, patuloy kang gumagastos. Bili dito, bili doon. Gimik dito, gimik doon. Kain dito, kain doon. Enjoying life sabi nga nila. Sarap naman talagang i-enjoy ang buhay pagkatapos mag-aral ng halos humigit-kumulang 14 taon.

     Isasama ko na din pala 'to sa mga dahilan kung bakit hindi makapag-ipon. Dahil mayroon kang bf/gf. Magastos talaga yan! Kung noon ay kuntento na sa date sa mall. Lakad lakad lang. Kwentuhan. Holding hands while walking. Ngayong may trabaho na, regular na ang movie date. Laging naka-taxi. Restaurant na kumakain. Mamahalin na ang mga regalo. Galante ka eh. Bilang pampalubag-loob, sasabihin mo na lang sa sarili mo na, Okey lang, love ko naman eh.
     
    

Saturday, May 25, 2013

Nagsulat akong muli...

     A wild text message appeared! Aba! si kaibigan! Teka, ang tagal na nitong di nagtetext ah. Matagal ng di nagpaparamadam kasi nagka-lovelife na. Ganyan naman ang madalas na eksena eh, magkakalablayp ang tropa mo at panandalian kayong makakalimutan. Mabalik tayo kay kaibigan. Ano kayang meron? Alam ko na! Dalawa lang naman ang naiisip kong dahilan kung bakit siya napatext. Una, away sila ng bf/gf niya. Pangalawa, break na sila (wag naman sana). Ok. Astig! Tama. Nakakalungkot isipin pero tama ang pangalawa. Bilang tropa, you know what to do na. It's comfort time! Malamang sa maybe kaya nagtext/nag-GM yan dahil namimiss kayong mga tropa niya. Kamustahan. Pag tinanong mo naman kung kamusta siya, malamang ang isagot niya ay OK lang ako (kahit hindi naman talaga). Kung matalino ka, malamang ay hindi mo na uulit-ulitin ang pagtatanong sa kanya kung ok lang ba siya dahil paulit-ulit lang din naman na sasabihin niya na ok lang siya. Hangga't maari ay ayaw niyang pag-usapan kung ano ang nangyari.


     Parehas kayong single ngayon. May pagkakaiba nga lang kayong dalawa, siya, single dahil kaka-break lang sa kanyang bf/gf, at ikaw naman, matagal ng single. Single ka kasi choice mo. Yan ang madalas mong sabihin sa sarili mo para may pampalubag-loob ka. Pero ang totoo, naghahanap ka pero wala ka lang talagang mahanap. Oh well, moving on (Wow!), so ayun na nga. Parehas na kayong single. Since matagal na din naman kayong di nagkakausap, mahaba-habang usapan ang magaganap, mahaba-habang text. Maraming dapat i-update.

     Hindi na nakunteto sa text lang. Biglang magkakayayaan lumabas. Uy tara kita tayo! Bakit anong meron? Wala lang. Matagal na din namang di nagkita kaya sige, ok lang. Malamang sa mall yan. Ikot-ikot. Kwentuhan habang naglalakad. Nangalay. Uupo. Tuloy ang kwentuhan. Aalukin kung gusto bang kumain. Ang sagot, hindi. Maiinom gusto mo? Ok lang. Dahil di pa gutom edi bumili na lang ng maiinom, pampalamig. Tanungin mo naman kung ano gustong inumin, ang sagot, ikaw bahala. Hayzz, kaya mo nga siya tinanong ng kung ano  ang gusto niyang inuman dahil wala ka ding idea kung ano nga ba ang pwedeng inumin. Oh sige, kung ano na lang ang malapit na tindahan ng inumin, yun na lang. Lakad ulit. Tuloy ang kwentuhan. Medyo nauubusan na ako ng kwento tsk tsk tsk. Biglang mong nadama na parang nagbago ang mood niya. Ooopss! may nasabi ba akong mali? Pagkaka-alala ko wala naman. O baka naman sa tingin ko lang wala, pero meron lang talaga. Balak ko ng tanungin kung ok lang siya pero naisip ko na din na malamang ang isasagot na naman niyang muli ay "Ok lang ako". Sabay na uuwi. Tahimik lang hanggang sa una na siyang bababa. Bye! Salamat. Ok. Back to texting mode. Medyo naging seryoso na ang usapan. Nagkukwento na siya ng mga bagay na nangyari sa kanila ng ex niya. Pang telenobela na ang mga reply. Advice daw eh. Kahit di naman talaga siya nanghihingi. Kahit medyo tinatamaan ka na ng antok ay tuloy ka pa din sa pagreply. Sa totoo lang, masakit kaya sa ulo yung moment na napapapikit ka na pagkatapos ay didilat ka bigla dahil biglang tutunog ang cp mo dahil nagreply na siya. Aantukin ka kasi nga mahaba ang reply niya. Time-consuming (Wow!). Hanggang sa parehas na kayong tamaan ng antok. Tulog na. Magso-sorry muna siya sa'yo dahil naabala ka daw niya. Sagot mo naman ay ok lang yun (kahit hindi naman talaga kasi nga antok na antok ka na). Nagpasalamat siya. Hindi na nagreply kasi hahaba pa ang usapan. Antok na talaga.

     Mas naging madalas na ang pagtetext. Naulit na din ang paglabas. Kung minsan, mahuhuli mo na lang ang sarili mo na tinitext siya kahit hindi na siya nagrereply. Patuloy ka pa din sa pagbati sa kanya ng Good Morning, Good Afternoon, Good Evening. Patuloy ang tanong ng kamusta na?, kumain ka na ba?.  Kunwari GM pero siya naman talaga ang pinapatamaan mo. Sa bawat tunog ng cp mo ay umaasa ka na pangalan niya ang mababasa mo. Nakangiti ka kapag nagtext siya. Reply agad. Bakit kaya di na siya nagrereply? Walang load? Busy sa trabaho? baka naman may mga bago ng nanliligaw sa kanya? O baka naman sila na ulit ng ex niya. Kung magka ganon man, ok lang. Pipilitin kong kumbinsihin ang sarili ko na Ok lang. Ok lang naman talaga eh! Ok lang!

     Teka?! Nagiging assuming na ba ako? Nabibigyan ko na ba ng malisya ang mga bagay-bagay na nangyayari? Ok. Pipilit ko sa sarili ko na hindi ako nag-assume. Pilitin. Pilitin. Tsk tsk tsk. Kita na ang ebidensya nagdedeny pa. Ok sige! Guilty! Assuming spotted!

     Wait! Teka! Sino ba ang dapat sisihin kung bakit nag-aassume ang isang tao. Ang taong nagpapakita/nagpaparamdam ng mga bagay na ka-assume assume naman talaga? o ang sarili mo? Hmmmm... Sino nga ba? Actually mahirap sagutin ang tanong na yan.  Pwede mong sisihin ang sarili mo. Pwede mong sisihin ang mataba mong utak na nagpa-process ng mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid mo. Pwede mong sisihin ang mataba mong utak na pagbibigay ng malisya sa pinaggagawa ng "kaibigan" mo. Pwede mong sisihin ang mataba mong utak sa pag-iimagine ng imahe niyo together in the future! On the other side naman (dumadalas ang pagi-English ah!), pwede mo siyang sisihin dahil sa pagpaparamdam ng mga bagay-bagay na ka-assume assume naman talaga! Yun lang yun!

     Ilang linggo ang lumipas. Owwww! A wild text message appeared! Si kaibigan ...



 

   

    

     

    

    

Friday, April 5, 2013

College Confessions

     Halos lahat na siguro ng pwedeng maranasan ng isang estudyante ay naranasan ko na. Sa loob ng apat (4) na taon sa college. Katumbas ng walong (8) semesters (General Education ang naunang dalawang semester). Dalawang (2) summer sessions.

     First and Second year sa college, medyo goodboy mode pa ako ng mga panahon na yan. Wala naman masyadong highlights sa mga mga taon na yan maliban na lang sa nagka-lablayp ako (Case Closed).

    Third year and Fourth year. Dito ko nakuha ang aking kauna-unahang (imagine a drum-beat) 5.00! Oh yeah! Ang saya di ba?! Hindi ko inasahan yon. Pagkakuha ko ng classcard ko, ayun, emote muna saglit then pagkalabas ng classroom ay diretso agad sa computer shop. Hindi ko pinansin ang mga kaklase ko. Labas agad ng school. DOTA. Ilabas ang sama ng loob. Pagkalipas ng ilang oras ay nakita ako ng mga kaklase ko. Bagsak din sila. Ayun. Tara DOTA!.

     Sunod-sunod din ang mga overnight. Pero most of the time, hindi naman talaga kami gumagawa kapag nag-oovernight (nakakagawa naman kami pero konti lang). Palibhasa puro lalaki kami sa grupo, mas madami ang oras na nagugugol namin sa pa.gkkwentuhan kaysa sa paggawa. Ganoon din naman ata ang nangyayari sa ibang grupo (maliban na lang sa mga GC na grupo). Meeting place namin, computer shop. Malamang, DOTA muna bago kami pumunta sa bahay ng ka-grupo namin. Call time 8pm. Darating naman ng 8 pero maglalaro hanggang 12 ng madaling-araw. Happy-go-lucky ang grupo namin kung iisipin. Less stress ang grupo namin. Ang PMOODS.

     Quizzes. Midterms and Finals Exam. Hindi ko talaga ugali ang nagrereview kaya kung minsan ay nangangapa ako kapag may exam. May pinaglalaban kasi ako na kapag nagreview ako or nagkabisado ng mga nasa notes ko (pero wala din pala akong mga notes kaya wala din akong narereview, kunwari na lang meron) parang "memory test" ang mangyayari. Nagbibigay naman sila ng mga xerox copy para may mareview kami pero hindi ko talaga binabasa (medyo badboy!). Ang gusto ko mag test ako using my stock knowledge (kung meron man). Naranasan ko na ang mangopya at magpakopya na din kung minsan. Magkodigo? Oo naman. Lalo na sa mga subject na alam kong alanganin na ako at ang tanging alam ko na makakapagsalba sa'kin ay ang pagpasa sa exam na yun. Desperado mode on. Hindi pa naman ako nahuhuli na nangogodigo (wew). Tamang galawan lang.

     Tungkol naman sa mga grades. Nakakuha ng 1.00 (ito talaga inuna ko eh no'). Magdasal para makakuha ng 3.00 sa mga minor subject na pa-major. Nakakuha ng 5.00 (katulad ng nasabi ko kanina). Maging "bitter" sa ilang professor para sa mga natanggap kong mababang grades. Bitter dahil alam kong di ko deserve ang grade na binigay nila sa'kin. Magduda din kung minsan para sa mga natatanggap kong matataas na grade na alam kong hindi ko din deserve.

     Nakakainis kapag bumagsak ka sa isang subject. Daming abalang dulot lalo na kapag bumagsak ka sa subject na pre-requisite ng subject mo sa susunod na semester. Chain reaction na. Ayaw ko din sa konsepto na dapat kong ulitin ang subject na yun. Abala pa ang mga paper-works. Pinaka-ayaw ko talaga ang ganoon. Gagawa ka ng list of grades mo at kung anu-ano pang mga requirements para mapa-open ang subject na ibinagsak mo. Kailangan mo pa din maghanap ng mga kapwa mo bumagsak dahil may minimum number ng student bago mo mapa-open ang subject. Pero lahat naman ay naidadaan sa magandang usapan. Madaming beses ng suyuuan. Pakiusapan. Pabalik-balik ka. Papirma dito, papirma doon. Hanapin mo si ganito, hanapin mo si ganoon. Tapos aabutin ka pa ng lunch break?! BANG!. Pero wala akong magagawa. Epekto yan ng ginawa ko. Epekto ng pagbagsak ko. Eh kung nagrereview lang sana ako ilang araw bago mag exam. Eh kung pinakopya lang sana ako ng katabi ko edi sana pasado ako Tsk.. tsk.. tsk..

     Sa halos lahat ng nangyari sa'kin habang nag-aaral ng college, iniisip ko kung tadhana ba talaga or nagkataon lang ang lahat. Sa tuwing nakakatanggap ako ng failing grade (english na para maganda pakinggan), parang mas napapadali pa sa'kin ang pag-aaral. Summer class. Less stress. Konti lang kasi sa klase. Mas matututo ka. Napapatunayan ko na hindi ko talaga deserve ang bumagsak sa subject na yun. Napapatunayan ko na alam ko at naiintindihan ko naman ang itinuturo nila. Sadyang tinamad lang ako.

Sunday, March 17, 2013

Buhay-estudyante...

     Blog muna ako pampa-antok. Pampalipas oras. Pang-bawas ng stress. Panglibang sa sarili. Game!

     Batiin ko na muna ang mga magsisipagtapos ngayong school year. Lalo na ang PLM BSCS-IT and BSCS-CS Batch 2013 graduates. Congratulations!


     After graduation (para sa mga college graduates), majority ay magta-trabaho na. Application na ng mga natutunan sa paaralan. Karamihan sa mga kakilala kong may trabaho na ay sinasabing "Mas masarap maging estudyante kaysa sa mag-trabaho".

     Sa kabila ng stress na dulot ng mga defense, paggawa ng documentation para sa thesis, minor subjects na feeling major, puyat sa pagrereview para sa midterms at finals at terror na mga professor, bakit kaya namimiss pa din natin ang pagiging estudyante?

      Sa tingin ko, ang isa sa pinaka-namimiss natin sa pagiging estudyante ay ang mga kaibigan natin. Bonding moments with them. Kasama mo kahit saan. Sa mga mall. Pagkain sa mga fastfood chains. Cheating-arrangement kapag may exam at kung ano-ano pang mga trip.

      Isa din sa mga nakaka-miss sa pagiging estudyante ay ang sarap ng feeling kapag nalaman mong walang pasok dahil malakas ang ulan o kaya naman ay may bagyo. Sarap ng feeling kapag alam mong hindi makaka-attend ang professor mo. That kind of feeling pag nalaman mong namove ang deadline para sa pasahan niyo ng project na di mo pa talaga natatapos o baka naman di mo pa talaga nasisimulang gawin. Feeling kapag na-postpone ang quiz at mga exams niyo. Kapag nakalimutan ng professor niyo na may assignment pala siyang binigay (na hindi ka din gumawa). At wala ng tatalo pa sa feeling na alam mong mababa ka sa mga quiz, midterms at finals (isama na din natin ang bihira mong pagpasa ng mga projects at homeworks plus bihira ka pa pumasok) pagkatapos ay PASADO KA!


     Hindi naman kasi ang mismong "pag-aaral" bilang estudyante ang namimiss natin. Darating ang panahon na makakalimutan natin ang mga pang-halip, pang-abay, pang-uri, math formulas, laman ng Periodic Table of Elements, Capital ng mga lugar sa Pilipinas at ng iba't-ibang bansa pero iba pa din ang mga natutunan natin mula sa experience ng pagiging estudyante. Lessons beyond teacher's lecture. Huh?! Ano daw?! (Imbento ko lang yan).

That kind of feeling...

     Para may background music ka habang nagbabasa ng blog ko, play mo 'to. Salamat.


     Paano nga ulit manligaw? Hatid-sundo kapag papasok sa eskwela o trabaho. Halos araw may load. Halos sa lahat ng oras ay magka-text. Kung minsan nga hindi pa nakukuntento sa pagtetext, tinatawagan pa. Sweet most of the time. Kumain ka na?  Ano gawa mo?. Sasamahan ka kahit saan ka magpunta. Didiskarte kapag walang pera makasama ka lang. 

      Ano nga ulit ang feeling ng may girlfriend? Paggising sa umaga, uunahin mo pa ang paghanap sa cellphone para batiin siya ng "Good Morning [ insert "tawagan" here ] " kaysa sa pagtu-tootbrush. Halos minu-minutong katext. Swerte kung magkaklase kayo o kaya naman ay magkalapit lang ang tirahan dahil madalas kayong magkikita. Sa jeep o sa kahit anong klase ng pampublikong sasakyan hindi maiiwasan ang PDA (public display of affection). Walang pakialam sa mga taong nasa paligid. Hindi naman maiiwasan yan (Joke lang! Maiiwasan yan). Huwag kakalimutan na i-text kapag nakauwi na sa bahay. Sweet messages bago matulog.

     Stress na dulot ng pagkakaroon ng lovelife? Madalas yan dahil sa selos. Kung minsan naman hindi mo natext na kakain ka na kaya nagtampo. O kaya naman may nakita siyang ibang babae na kausap mo. Text message mula sa babae. Nag-add friend ka sa facebook ng babae na hindi niya kilala. Basta kung ano man ang dahilan ng selos na yan, ang ending niyan ay hindi mo papatapusin ang araw na hindi kayo magkabati. Kahit na hindi na siya nagre-reply sa mga text mo na puro "Sorry" lang naman ang laman ay patuloy ka pa din sa pagtetext. Magmimiss-call ka. Halos lahat gagawin mo. Kung minsan naman kahit hindi ikaw ang may kasalanan, ikaw pa din ang magso-sorry. Madalas na ganyan ang nangyayari. Lalo na kung "True-Love" yan.

Note: Huwag kang umasa na napatawad ka na niya ng lubusan. Asahan mo na sa susunod niyong away na mapag-uusapan niyo ulit ang nakaraan mong kasalanan (na sabi niya ay pinatawad ka na niya). Matandain majority ng mga babae. Mahilig sa "flashback". Napakaliit ng tyansa mong manalo. Kaya kung ako sa'yo, babaan mo na lang ang Pride mo (mga 5%).

     Sad part ng love-story? Break-up malamang. Paano mag-move-on? Here comes the generic word na "Depende". Depende sa tao. Depende kung gaano mo siya ka-love. Eh magmomove-on ka lang naman kapag wala na talagang pag-asa na magkabalikan pa eh. Basta naka-depende sa tao kung paano mag-move on. Ikaw ang bahala kung gusto mong magmukmok halos araw-araw habang inaalala ang masasaya niyong sandali noong kayo pang dalawa o kaya naman ay i-enjoy muli ang buhay ng pagiging SINGLE.

     Suggest ko na din na basahin mo 'to (segway mode ON) :

Credits to Ms. Sherry Dawne Salcedo para sa music



     

Saturday, February 9, 2013

Kathang-isip (Valentine's Day Edition)...

     Gumising ng maaga. Kumain ng almusal. Naligo. Suot ang pinaka magarang damit. Hindi dapat kalimutan ang mag pabango. Pumunta ng Dangwa para bumili ng bulaklak. Rosas. Tatlong piraso. Tinext ang mga kaklase niya para tanungin kung nasa klase na ba siya. Tinanong kung handa na din ba ang lahat. Halos isang linggong pinagplanuhan. Nakiusap na ako sa mga kaklase niya. Isinama ko na din ang kanilang Prof. Scripted na ang lahat ng mangyayari.


     Reporting ng grupo nila. Kasabwat ko ang mga ka-grupo niya. Siya ang huling magrereport. . "Maling" powerpoint presentation ang ilalagay. Ipapakita ang video na ginawa ko ng halos tatlong araw. 

      Nasa labas na ako ng classroom nila. Kabado. Isasantabi ko na muna ang hiya ko para sa araw na 'to. Nag-play na ang video. This is it! Kita ako. May hawak ng gitara. Tumutugtog. Buko - Jireh Lim. Yun kasi ang uso at saktong-sakto ang lyrics para sa 'ming dalawa. Tumutugtog lang ako. Pagkatapos ng intro ay papasok na ako sa likod ng classroom nila habang hawak ang binili kong bulaklak. Umaawit habang papalapit sa kanya. Nakatingin sa'kin lahat ng kaklase niya pati ang Prof niya na nakangiti. Unang verse ng kanta. Halata sa boses na kabado. Tumingin ako sa kanya. Wew! Okey na! Swabe na ang boses pagdating sa chorus. Second verse. Katabi ko na siya. Tuloy lang sa pag-awit. Sa mga mahinang asar ng "ayieeee", alam kong kinikilig din ang mga kaklase niya. Ewan ko lang si Prof.  Tapos na akong tumugtog sa video. Natapos na din akong kumanta. But wait! There's more! Tuloy pa din sa pag play ang video. No One Else Comes Close - Joe. Intrumental lang. Para lang may background music ako habang binibigay ko sa kanya ang bulaklak. Hindi siya makitingin ng diretso sa mga mata ko. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya sa pinag-gagawa ko o ganoon lang talaga siya kapag kinikilig. Makalipas ang ilang segundo, nakatingin na din siya sa'kin. Nakangiti. Ganda niya talaga. Hawak na niya ang bigay kong bulaklak. Medyo lumalakas na ang "ayieeee" ng mga kaklase niya at may halo ng palakpakan. Hindi naman mawawala ang mga kaklase niya na nagsasabi ng "Kiss, Kiss" na mukhang mas kinikilig pa sila kaysa sa kanya. Pero dahil nasa school ako, yakap lang sabay sabi ng "Happy Valentine's Day, I Lo......."

Pak! (sampal ng nakababata kong kapatid, mahina lang naman)

Kuya! Kuya! (habang patuloy sa pagsampal) Gising na! Late ka na sa trabaho!

Awts. Panaginip lang??

Oo nga. Panaginip lang. 

Sayang.....

Sunday, February 3, 2013

Assuming does not hurt you...

     February. Love month daw (sabi ng mga taong in a relationship ang status sa facebook) or kahit sinong in love and being loved. So what do you expect? Malamang sa maybe iniisip mo na ang blog na to' ay about love? Uunahan na kita. Hindi ito isang blog about love and not even a love story. (Non-sense introduction).

     Akala mo ayos na ang lahat, yun pala hindi pa. Akala mo meron, yun pala wala. Akala mo malapit ka na, nandoon ka na, napakalayo mo pa din pala. Akala mo masaya na at hindi ka iiwan, mauuwi din pala sa kalungkutan at pag-iisa. Akala mo tunay na pag-ibig na, landian lang pala. (Ooops! masyadong "dard" ang word na landian, palitan natin). Akala mo tunay na pag-ibig na, fling lang pala (Much better?).

     Drama. Kung isa ka sa biktima ng pagiging assuming (mukhang lahat naman tayo ay naranasan na ang mag-assume), malamang ay nasabi mo na din sa sarili mo ang mga bagay na yan. Puro negative na lang ba ang epekto ng pagiging assuming? Hmmmm....

     Kapag nag-effort siya sa'yo. Madalas kang i-text ng mga sweet message. Concern kung kumain ka na. Gusto ka niya palagi makasama. Binibigyan ka na chocolates, flowers, at iba pa. Ano ang nararamdaman mo? Nakakakilig. Nakakatuwa. Nagiging creative din ang takbo ng iyong utak. Ang imagination. Simpleng bagay na ginagawa niya para sa'yo ay binibigyan na agad malisya. Oh di ba? Nice!. In general, masaya mag-assume. Maging assuming. Binibigyan ka ng happiness (even just for a while). (Sabi din ng isa kong friend yan)
     

     
     

     

Sunday, January 13, 2013

Reasons...

     Ilang araw na lang ay Pebrero na at halos isang buwan na lang din ay Araw na ng mga Puso (Valentine's Day). Kung may gf/bf ka man, malamang ay sinusimulan mo ng planuhin kung ano ang mga gagawin mo sa Valentine's Day. Kasabay na din ng pagpaplano mo ang pag-iipon para pang-gastos sa "date". Pambili ng regalo, bulaklak, tsokolate at iba pa. Pagkatapos ng Christmas and New Year, Valentine's Day naman, ang gastos nga naman talaga.


     Pero kung SINGLE ka naman, hindi mo na problema ang mga naisulat ko sa taas. Stress-Free. Hindi "Happy Valentine's Day". Happy Single Awareness Day (Happy SAD). Pero in the first place (wow!), bakit ka nga ba single  (sige na nga, isama ko na din sarili ko, ulitin ko na lang). Pero in the first place (wow!), bakit nga ba TAYO single?


     Ito talaga ang topic ko sa blog na 'to. Try nating ilista ang ilan sa mga posibleng dahilan kung bakit TAYO single.

1. Tadhana feat. Soulmate - Mga taong inaasa lahat sa tadhana. Hinhintay si "Soulmate" literally.  Dear Ate/Kuya, hanap-hanap din kasi. In other words, landi-landi din.

2. Dream Girl/Boy - Mga tao na may mga "standards" talaga. Naghahanap nga pero choosy naman. Perfectionist. Sabi nga ng isa kong friend na blogger din, hindi ka magiging masaya kung "hahanapin" natin ang taong gusto natin, kasi inevitable na in time magbabago din sila, hindi na natin sila gusto (Clap! Clap! Clap! for this girl). 

3. Kaibigan feat. futuristic na pag-iisip - Mga taong ayos naman pagdating sa kanilang "friendship status" (di ko alam ang magandang term) pero sumasablay sa pag "move-to-the-next-level". Kadalasang tanong sa sarili ay ang mga sumusunod:
  • Paano kung i-reject niya ako?
  • Paano kung mag-break kami, magiging friends pa kaya ulit kami?
4.  Contentment feat. scared na pag-iisip - Kuntento na sa pagiging kaibigan. Maybe I should say na mag-bestfriends. Kuntento na sa pagiging "comforter". Kuntento sa pagiging "shoulder-to-lean-on". Katulad din ng nasa no. 3 na takot mag "move-to-the-next-level" dahil baka mag-iba ang approach sa isa't-isa. Hindi risk-taker. Masayang ang naipundar na magandang "pagkakaibigan".

5. Power of X feat. bitterness - Mga hirap makamove-on sa kanilang past relationship. May mga "trauma" na baka masaktan lang muli sila kapag umibig silang muli. Hindi ko na siguro kailangan pa ipaliwanag ang "bitterness".

6. Priority feat. busy schedule - Baka naman hindi lang talaga nila priority muna ang pagkakaroon ng lovelife sa ngayon. Priority muna nila ang ibang mas importanteng bagay katulad ng pag-aaral at pagtatrabaho (breadwinner). Masyadong busy sa school dahil sa mga defense (college), paggawa ng thesis at iba pa. Workaholic o sadyang hectic lang ang schedule. Mas priority ang pagpapayaman kaysa sa pag-ibig.

Siguro...

     Bago ang lahat, uunahan na kita, wala kang matututunan sa blog na 'to. Wala kang mapapala o matututunan sa mga susunod mong mababasa pero kung gusto mo pa ding ipagpatuloy ang pababasa, salamat. Pero tandaan mo, YOU HAVE BEEN WARNED!     

     Enero 13 taong 2013, ayos! nakapagsulat ako muli sa blog na 'to. Na-"MISS" ko ang pagsusulat. Kung iisipin, hindi naman ako masyadong busy. Kung tutuusin, mayroon naman akong sapat na oras para magsulat. Para mag kwento ng kung ano-ano. May oras naman ako para minu-minutong mag tweet, basahin ang mga post sa 9GAG, at magkipag-chat sa mga friends sa facebook (Oo, parang yahoo messenger na ang silbi ngayon ng facebook para sa'kin) pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsulat. Bakit kaya?


     Siguro dahil walang mga ideya ang pumapasok sa aking isipan. Siguro wala naman akong bagong-kwento. Siguro iniisip ko na wala naman akong mahalagang ibabahagi sa mga mambabasa. Siguro wala lang talaga ako sa mood magsulat.

     Sa kabila ng madaming "siguro" na nabasa mo, sa isang bagay lang ako naging sigurado. Sigurado ako na alam mo na kung bakit "Siguro" ang title ng blog na 'to.