Sunday, March 17, 2013

That kind of feeling...

     Para may background music ka habang nagbabasa ng blog ko, play mo 'to. Salamat.


     Paano nga ulit manligaw? Hatid-sundo kapag papasok sa eskwela o trabaho. Halos araw may load. Halos sa lahat ng oras ay magka-text. Kung minsan nga hindi pa nakukuntento sa pagtetext, tinatawagan pa. Sweet most of the time. Kumain ka na?  Ano gawa mo?. Sasamahan ka kahit saan ka magpunta. Didiskarte kapag walang pera makasama ka lang. 

      Ano nga ulit ang feeling ng may girlfriend? Paggising sa umaga, uunahin mo pa ang paghanap sa cellphone para batiin siya ng "Good Morning [ insert "tawagan" here ] " kaysa sa pagtu-tootbrush. Halos minu-minutong katext. Swerte kung magkaklase kayo o kaya naman ay magkalapit lang ang tirahan dahil madalas kayong magkikita. Sa jeep o sa kahit anong klase ng pampublikong sasakyan hindi maiiwasan ang PDA (public display of affection). Walang pakialam sa mga taong nasa paligid. Hindi naman maiiwasan yan (Joke lang! Maiiwasan yan). Huwag kakalimutan na i-text kapag nakauwi na sa bahay. Sweet messages bago matulog.

     Stress na dulot ng pagkakaroon ng lovelife? Madalas yan dahil sa selos. Kung minsan naman hindi mo natext na kakain ka na kaya nagtampo. O kaya naman may nakita siyang ibang babae na kausap mo. Text message mula sa babae. Nag-add friend ka sa facebook ng babae na hindi niya kilala. Basta kung ano man ang dahilan ng selos na yan, ang ending niyan ay hindi mo papatapusin ang araw na hindi kayo magkabati. Kahit na hindi na siya nagre-reply sa mga text mo na puro "Sorry" lang naman ang laman ay patuloy ka pa din sa pagtetext. Magmimiss-call ka. Halos lahat gagawin mo. Kung minsan naman kahit hindi ikaw ang may kasalanan, ikaw pa din ang magso-sorry. Madalas na ganyan ang nangyayari. Lalo na kung "True-Love" yan.

Note: Huwag kang umasa na napatawad ka na niya ng lubusan. Asahan mo na sa susunod niyong away na mapag-uusapan niyo ulit ang nakaraan mong kasalanan (na sabi niya ay pinatawad ka na niya). Matandain majority ng mga babae. Mahilig sa "flashback". Napakaliit ng tyansa mong manalo. Kaya kung ako sa'yo, babaan mo na lang ang Pride mo (mga 5%).

     Sad part ng love-story? Break-up malamang. Paano mag-move-on? Here comes the generic word na "Depende". Depende sa tao. Depende kung gaano mo siya ka-love. Eh magmomove-on ka lang naman kapag wala na talagang pag-asa na magkabalikan pa eh. Basta naka-depende sa tao kung paano mag-move on. Ikaw ang bahala kung gusto mong magmukmok halos araw-araw habang inaalala ang masasaya niyong sandali noong kayo pang dalawa o kaya naman ay i-enjoy muli ang buhay ng pagiging SINGLE.

     Suggest ko na din na basahin mo 'to (segway mode ON) :

Credits to Ms. Sherry Dawne Salcedo para sa music



     

0 comments:

Post a Comment