Pangalan ng grupo namin noong 4th year college. All-Boys Group. Mula sa mga unang letra ng aming apelyido ang PMOODS. Pantal, Mahusay, Ocampo, Ortha, De Leon at Silva.
Drew
Pantal, Toni Andrew - Ang "Front Man" ng grupo. Kung panglabas na itsura ang pagbabasehan, pwede na siguro ilagay si Drew sa No. 1. Tinawag ko na Front Man dahil madalas na siya ang unang pinapaharap namin sa mga panelist kapag may defense kami. Yung pinaka good-looking muna ang hinaharap namin pampa good-vibes. Inasahan din namin na si Drew ang magiging "Financer" ng aming grupo. Subalit nabigo kami. Sana pala ay di na kami umasa.
Mahusay, Eddieson - The Analyst. Madaming pananaw sa buhay. Madaming "pinaglalaban". Malaki ang naging tulong ng "malalim" niyang pag-iisip (pag-analyze) para sa mga defense namin. Sumikat din siya sa pagiging "Spiderman". Nahuli siya minsan na umaakyat sa bubong ng UAC na aming pamantasan. Isang "Buzzer-Beater" (explain ko mamaya kong ano 'to). Blogger din siya. I-click lang ang kanyang pangalan para mapunta sa kanyang blog.
Ocampo, Jay Wilfred - Ang main-programmer ng grupo. Boy kulot. Madalas masita ang kanyang buhok sa tuwing nagde-defense kami. May "natural talent" pagdating sa programming pero tamad lang talaga. "Buzzer-beater" din siya ng grupo. Siya ang madalas na huling dumarating sa call time. Nakatulog ang madalas na dahilan kaya nahuhuli. Kagaya ni Eddieson, mahilig din siyang umakyat sa iba't-ibang parte ng aming pamantasan. Blogger din. Just click his name para mapunta sa blog niya.
Ortha, Aaron George - Mr. Friendship. Ang pinaka-friendly sa grupo. Karamihan ng estudyate ng CSD Department (lalo na kapag babae) ay kilala niya. Kung sense of humor lang din naman, pwede na sigurong ilagay sa rank 1. Nanalo din siyang Mr. News Feed. Fashionista. Ang kanilang bahay ang palaging venue kapag may overnight kami. Madalas mong makitang online ang lalaking 'to. Higit siyang nakilala ng nakipag suntukan siya sa labas ng pamantasan ng dahil sa DOTA. Oo, tama ang nabasa mo, dahil sa DOTA. Pero just to make it clear, di si Aaron ang nagsimula ng "away". Blogger din siya. Click mo lang ang pangalan niya para mapunta sa kanyang blog.
Jerome
De Leon, Jerome D. - Its me,the author of this blog. Ako ang naging leader ng PMOODS. Taga-assign ng gagawin. Taga-text sa mga ka-grupo kapag may overnight. Tagapagbigay ng "pressure" sa mga programmer. Taga-sita ng mali. Taga-attend ng General Assembly (GA) bago mag defense. Taga-gawa ng visual aids. Mahirap maging leader ng grupong 'to. Taga-salo ka din ng sermon ng grupo kapag hindi nakapag defense dahil late. Ang pinakamahirap na parte ng pagiging leader ng PMOODS ay ang pag-control sa oras ng pagdodota.
Nap-nap
Silva, Isachar Yves - Nap-nap. The Late Programmer. Katulong siya ni Jay sa pagpo-program. Pero sa bandang huli na siya ng semester nakatulong kay Jay. Di ko alam kung bakit. Ang may pinakamagandang "penmanship" sa grupo. Pinakamagaling din sa grammar at spelling. Mahilig sa music. Dating mahilig sa rock music subalit nalipat sa K-POP. Mahilig sa jacket. Mahilig sa C2. Higit sa lahat magaling siyang mag-Dougie. (Sample! Sample! Sample!).
Know more about PMOODS:
We are pro-crammers. Mahilig kami gumawa ng last-minute. Actually, ilan sa mga projects na pinapasa namin ay ginagawa namin for about 5 - 6 hours lamang. During overnight na namin ginagawa ang lahat. For example, we need to submit a project ng Friday at 9:00AM, magkakaroon kami ng overnight and usually gagawa kami kapag 2:00AM na. Mabilisan. Di ko alam kung paano namin 'to nagagawa pero most of the time ganito ang nangyayari.
Time-management. Madalas kaming hindi nakakapag-defense dahil late kami sa call time. After overnight namin, some of our members including Jay, Eddieson and Nap ay umuuwi pa muna ng madaling araw. Ang iba naman ay diretso na sa school. Di pwedeng mag-submit ng "docu" kapag hindi kumpleto ang mga members ng grupo, kaya kailangang maghintay. Nakakaabot si Nap sa call-time pero madalas mahuli si Jay at si Eddieson. Kung umabot man si Jay o si Eddieson, madalas ay ilang minuto na lang ang natitira sa call-time kaya tinawag namin silang mga "Buzzer-Beater". Salitan si Jay at si Eddieson sa pagiging huli.
DOTA. Ang bestfriend ng lahat ng kalalakihan at no. 1 karibal ng kababaihan (kapag may bf). Bukod sa PMOODS, may mga kasama pa kaming ilang tropa. Kapag wala kami sa loob ng pamantasan, makikita mo lamang kami sa isa sa mga computer shops malapit sa school. We will always find time to play Dota. Kahit isang oras lang ang "vacant" kalimitan ay naglalaro pa din kami. Madalas ay nahuhuli kami sa klase dahil dito (minsan ay di na pumapasok). Meeting place namin ang computer shop sa may likod ng SM Manila kapag may overnight kami. Naglalaro muna kami bago pumunta kanila Aaron (venue namin for overnight).
Puso lang. Tiwala lang sa sarili. Ito ang aming sandigan lalo na kapag alam namin sa sarili namin na hindi namin masyadong napaghandaan ang isang project. Lalo na sa defense. Puso lang. Everything is under control. Blessings in disguise ang karaniwang pampalubag-loob namin kapag hindi kami nakakapag-defense.
Kapag may overnight kami, madalas ay gumagawa kami ng 2:00AM, kahit maaga kami nakakarating sa kanila Aaron, ilang oras din ang napupunta lamang sa kwentuhan at food-trip. Nagsisimula din kami ng ganitong oras dahil madalas ay sa ganitong oras din dumadating si Jay, ang aming main-programmer. May trabaho kasi siya kaya madaling-oras na din siyang nakakarating.
Kapag nagkatamaran at walang overnight, mag online lang sa facebook ang nagsisilbing "alternative" namin. Mag-uusap kami gamit ang chat or post sa group namin sa facebook. Send lang ng mga nagawa sa e-mail. At ayun, bahala na ulit kinabukasan. Puso lang!.
No Retreat No Surrender!. Kapag defense, mapilit kami lalo na si Eddieson. As long as alam niya na tama ang sinasabi niya, pipilitin niyang makumbinsi ang mga panelist na tama ang "ipinaglalaban" niya. Kaya masasabi ko na "interactive" ang defense namin. Ang tanging nakapagpapatigil lamang samin ay kapag nanghihingi na ng supporting documents ang mga panelist at wala kaming maipakita. Pero still we will present ang aming problem with enough supporting documents on the next defense.
"Bitter" din kami kung minsan. Lalo na kung alam namin na we deserve more mula sa output na nagawa namin. We made a lot of discussion right after a defense. Pero kapag nakakadama kami ng "Bitterness", DOTA lang ang katapat niyan. Mabilis kaming magkapag move-on. Bawi na lang next time.
12 comments:
bat anjan si Grace ?! Dreamteam yan eh, ok lng si Darel ngng friend yan eh harhar!
madami na kong naisip na paraan para i-rephrase yan .. pero yan na ang naisip kong pinaka matino eh ahaha.. wag ka na umangal.. libre promote na nga blog mo jan eh ahaha
Ni-revise ko na.. iyakin! ahaha.. dinagdagan ko na din yan...
Haha. Natawa naman ako sa blog na to. How cute. Sa grupo din namin e, pampalubag dota. Hahaha. After defense, Dota. Overnight -- Dota. Hahaha :)
Salamat :) iba talaga ang nagagawa ng dota ahaha nagdodota ka din te?
Nice pre!! Haha di ko inasahan gagawa ka ng tungkol sa PMOODS (kala ko dreamteam lang eh). Keep up the good work!!
Salamat pre! meron ding version si Pareng Ortha nyan ahaha.. punta ka sa blog nya...
hahaha ! bitter si ortha sa DREAMTEAM ah ! haahhahaha
hey! nice blog jerome :) pwede ka plang writer eh... haha
salamat po:)
Post a Comment