Bago ako magsimula, let me just ask a favor para sa mga babasa ng blog na 'to. Kindly play the video sa baba nito. Para may background music ka habang nagbabasa. Salamat.
This will be my first and maybe my last blog about love. Honestly, di ko talaga trip ang magsulat about this topic, pero for the past few months, I've heard multiple "break-up" stories mula sa mga friends ko. May mga nagkabalikan naman pero sa iba, mukhang its the end na of their love story. Don't worry, wala kang mababasa dito tungkol sa mga "break-up stories" na narinig ko. Wag lang sana lumabas na "chismoso" ako after mo mabasa ang part na 'to. For some reasons that I don't know (huh?!), napag-tripan ko lang magsulat about love. Idagdag ko na din, may (mga) nag-request din pala sakin na mag-blog about this topic.
Usapang lovelife. Isa sa madalas na topic ng magbabarkada kapag nag-iinuman o kahit ordinaryong kwentuhan lang (lalo na ang mga teenagers). May mga masasayang istorya at meron din namang malulungkot.
Paano nga ba madalas nagsisimula at nagtatapos ang isang "love story". Most of the time nagsisimula yan from being strangers. Minsan may ipinapakilala ang ating mga kaibigan. Then eventually, magiging friends na kayo, you will be a part of a one big barkada. As time goes by, there is also a chance na maging mag-bestfriend kayo. You will be his/her crying shoulder in times of need. As bestfriends, he/she will tell you more personal stories, share them with you. Then ayun na, di niyo namamalayan na nagkaka-developan na kayo. Then, magsisimula na ang isang "romantic relationship" between the two of you. (Excempted sa blog na 'to yung mga napupunta sa FRIENDZONE o yung mga hanggang kaibigan lang talaga). May mga nagkakaroon ng happy ending at para naman sa iba, ang pinakamalungkot na part ng isang love story, ang break-up.
Bukod sa makatanggap ng failing grade (5.00) sa college, isa sa pinakamalungkot na mangyayari sa buhay mo ay ang malamang hindi ka na mahal ng bf/gf mo. After break-up, madaming pwedeng mangyari. May ilan na nagkakabalikan pa, lalo na kung medyo nadala lang ng init ng ulo o kaya naman ay nabigla sa mga pangyayari. Hindi lang nagkaintindihan at umiral ang "pride" ng isa't-isa kaya napunta sa hiwalayan. May ilan naman na nagmumukmok na. Marahil ay alam na nila sa sarili nila na wala na talagang pag-asa na magkabalikan pa. Sila yung mga madalas nagyayaya ng inuman o kaya naman ay biglang nagmimiss-call sa phone mo.
May mga taong madaling magmove-on at meron din namang hindi. Depende na din siguro sa tagal ng pagsasama. May mga taong na masyadong dinidibdib ang nangyari, yung mga feeling nila ay end of the world na after silang iwan ng kanilang bf/gf. Sila siguro yung mga nakadama ng "true love". Mga tao na madalas magkulong sa kwarto. Madalas mong makita na "namamaga" ang mata (kakaiyak). May mga pagkakataon din na naaapektuhan ang performance sa school. Kung minsan naman, hindi na pumapasok ng halos isang linggo. May mga tao din naman na nagtatangkang magpakamatay. Oo, meron akong kilala na nagtangkang kitilin ang buhay niya ng dahil sa love life. Certified "Emo". May ilan din naman na nagiging "friends" ulit pero meron din namang nagiging "bitter" (guilty!).
Ngayon, balikan natin ang tanong, do you believe in life after love?. Oo naman. Kung nakaligtas ka man sa tangka mong pagkitil sa buhay mo dahil iniwanan ka ng bf/gf mo, congratulations!. Kung hindi ka man binigyan ng isa pang pagkakataon ng bf/gf mo, sigurado naman na tatanggapin ka pa din ng mga barkada mo. Mga barkada na mukhang nakalimutan mo noong busy ka sa love life mo. Although hindi mo naman sila totally nakalimutan, nabawasan lang ang mga bonding moments with barkada dahil mas priority mo na makasama ang 'yong bf/gf. Sigurado naman akong namiss mo din sila na makasama sa mga "gimik". Just like the old times, gagawin ulit ang mga "trip" na hindi na nagagawa kasama ka. Sila din ang tutulong sa'yo para makapag-move on. You can share your stories with them. May mga magbibigay payo sa'yo lalo na yung mga kaibigan mo na nakaka-relate sa nangyari sa'yo. May mga tunay na kaibigan ka din naman na tatawanan ka lang at aasarin ka pa. Paraan nila 'to para gumaan ang loob mo kahit konti. Simple lang naman ang kapalit ng lahat ng tulong na yan, ilibre mo lang sa sila okey na (true-story).
May mga pagkakataon ka na din para makasama ang pamilya mo. Aminin na din natin na kung minsan ay nabawasan ang mga oras kasama sila noong may love life ka pa. Lalo na ang mga oras ng paglalaro kasama ang mga kapatid mo.
May panahon ka na din para sa sarili mo. Magagawa mo na ang mga dating hilig mo. May mga bagay tayo na gusto na 'ting gawin pero dahil most of the time ay kasama natin si bf/gf, hindi na natin 'to nagagawa. Nabago ang ating mga "daily life routines" dahil sa love life.
Kung sakaling tapos ka na magbasa at hindi pa tapos ang background music, mag-emote ka muna. Lakasan mo ang volume ng speakers mo para mas maganda. Alalahanin mo ang masasayang sandali kasama ang minamahal mo na iniwan ka. Pagkatapos, basahin mo ulit ang blog na 'to. Ulit-ulitin mo lang hanggang sa magsawa ka. Magsawa ka sa pag-alala ng mga bagay na nagbigay ng saya at sa huli ay nagbigay din ng kalungkutan sa'yo. Maybe your just remembering the good things na nangyari sa inyo kaya ka nalulungkot, try to look back again.
11 comments:
-- so kaiLangan minemessage taLaga sakin ang Link? :P
syempre naman.. ahahaha mano-manong promotion ang tawag jan..
wew. so nice. kilala ko ata nag request niyan haha
ito ang sinasabi ko! HAHHAAH TAMAan ang taman AKO? HAHAHA well said dre! well said. HAHAHHAHAA
grabehan lang.. hahah.. sapul na sapul un iba ha.. XD
salamat :))
hayahay !! :) pero ind kami ganyan eh :) d ko pa nararanasan yan .. haha !! di ako makarelate !! haha !!
kayo na di nakakarelate.. kayo na matibay ahaha
grabe yung background music.. infairness effective ahh.. hahaha.. base on your own experience?
effective talaga yan.. ahahaha.. based on experience? siguro ahaha
ang ganda :)) pacomment lng, super emote ako sa music.hahaha
Post a Comment