Halos lahat ata ng bata ay mahilig sumayaw. Basta naudyukan ng mga magulang o kahit sinong tao sa paligid na sumayaw, ay sasayaw agad ang bata. Kahit palakpak at boses lang ang nagiging background music, pwede na.
Sa maniwala ka man o hindi, hilig ko ang pagsayaw. Sa paglipas ng panahon, nagbago din ang mga "beat" ng musika na ginagamit sa pagsasayaw. Noong nasa pre-school ako (prep at kinder), nauso ang mga kanta ng Aqua kagaya ng Lollipop (Candyman), Dr. Jones at Barbie Girl. Halos lahat ng bata noon ay alam ang mga "dance steps" ng mga kantang 'to. Mas trip ko sayawin yung Dr.Jones pero sinasayaw ko din minsan yung Barbie Girl. My heart goes shalala-lala (clap-clap-clap), shalala in the the morning. Lyrics yan ng kantang Shalala ng Dreamhouse. May version din ang Vengga Boys ng kantang 'to pero mas maganda pa din ang original version para sa'kin. Sino ba naman ang makakalimot sa kantang Macarena?. Lahat ata ng bata pati na matatanda ay alam ang dance steps ng kantang 'to na pinasikat ng Los de Rio. Eeeehh.. Macarena.. Aaaayyyytt!
Noong nasa elementarya naman ako ay nauso ang mga kantang Asereje o The Ketchup Song in English. Kinanta 'to ng Spanish Pop Group na Las Ketchup. Sumikat ang mga "Hand Moves" ng kantang 'to. Isa pang sumikat ang kantang Bop it. Di ko alam kung sino ang original na kumanta. Base ata ito sa laruan na nauso noong dekada 90. You have to push it, pull it, snap it, twist it, spin it, kick it and bop it. Nabanggit na din natin ang tungkol sa mga laruan, isama ko na dito ang mga "Dance Machine" na tinatawag din na "Dance Revolution". Parang isang arcade game 'to na pang-sayaw. Kailangan mong gamitin ang 'yong mga paa. Nakakalibang 'to lalo na kapag may kasama kang naglalaro (2 player mode).
Las Ketchup while doing the Asereje Hand Moves
Bop it Toy
Dance Machine
Isama ko na din dito ang "Ito ang beat sabay-sabay" moves. Di 'to sayaw. Mga hand movements 'to na pinasikat ng commercial ng Coca-Cola.
Ito ang beat sabay-sabay
Ito ang beat bawal sablay
Pabilis ng pabilis
Wag magmi-miss, wag magmi-miss,
Gets mo na? gets mo na? *Ahhh*
Coca-Cola!
Nalilito, nalilito,
Nahihilo, nahihilo,
Coke ko 'to! Coke ko 'to! Coke ko 'to!
(paunahan sa pagkuha ng Coke na nasa harapan).
Madaming gangstah' noong highschool ako kaya naman nauso ang Harlem o Crip-Walk. Deborak-Deborak-Deborak-Deborak. Left-Right-Left-Right-Left-Right ......
Rock it - Master P ang madalas gamitin na music sa Harlem o Crip-Walk. Kabilaan ang "Crip-Walk Battle" sa aming paaralan noon. Isama mo na din ang mga "Crip-Walk Contest" tuwing fiesta. Karaniwan ng natatapos ang "Crip-Walk Battle" sa suntukan. Asaran kasi dito gamit ang malulupit na mga dance moves. Kapag napikon ka, talo ka na. Nakahiligan ko din 'tong sayawin dati at nakasali na din ako sa ilang "Crip-Walk Battle" pero sa mga street lang. Ilan din sa mga battle na 'to ang nauwi sa suntukan. Aaminin ko na sa tuwing napapakinggan ko ang kantang Rock-it ay napapa-sayaw pa din ako. (Sample! Sample! Sample!).
Kung marunong kang mag "Crip-Walk" noong nasa highschool ka, malamang ay marunong ka din mag-Dougie. Recently lang nauso ang Dougie moves. Sumikat 'to dahil sa kantang Teach Me How To Dougie ng Cali Swag District. Sa ngayon, madami ng kanta ang pwedeng gamitin kung gusto mo mag-Dougie.
Kung tutuusin, madali lang naman mag-Dougie. Wala naman eksaktong porma ang Dougie. Basta kaya mong sabayan ang "beat" kanta ng paggalaw ng katawan mo. Konting sway ng kamay at bend ng knees. Sabay mo ng paggalaw sa kaliwa at kanan, pwede na. Actually, nagmula ang Dougie sa galaw ng isang 1980's rapper na si Doug E. Fresh. Sa kanya na din marahil ibinase ang tawag na Dougie para sa sayaw. Hindi pa naman talagang "Dougie" ang ginagawa noon ni pareng Doug E. Fresh pero may pagkakahawig. Noong taong 2007 naman, pinasikat ng rapper na si Lil Will ang kantang "My Dougie" at dito ipinakita ang mga nakikita mo ngayon na Dougie moves. Ang Dougie moves ay karaniwang sinasamahan ng isa pang galaw na tinatawag na Cat Daddy. Para ka lang nagsasagwan sa Cat Daddy.
8 comments:
I'm not a dancer but I liked this one! Keep it up! Brings back memories lalo na yung Macarena na 'yan. :D
Ahaha.. salamat pre.. basahin mo din yun iba kong blogs .. salamat ulit
brings back memories, naalala ko nung naglalaro pa ko ng dance dance revo 3, pineperpek ko yung butterfly, naka-sudden mode pa, kaso sa kontroler lang..
ahahaha... meron kami dati nyan eh.. ung version ng dance machine na nilalatag lang na parang banig ahaha..
Thank you for joining BNP! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the BLOGS OF FAME ;) For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy
Thank you,
BNP
blogsngpinoy.com
crip pala sya i thought creep walk yun haha! marunong ako nun at pinagaralan ko talaga ang dougie dance :)
naks.. dancer ahaha
Naaalala ko yung dance pad na de'tiklop. Naalala ko nung nauso yun at bumili kami pero di ko siya nagamit dahil bagong binyag palang ako :(
Post a Comment