Trending ata ngayon sa Twitter ang mga tinaguruang
REJECTED UPCAT ESSAY QUESTIONS
Dahil wala kaming magawa ng mga kaibigan ko na kapwa ko din gumagawa ng mga blog, naisipan naming "patulan" ang isa sa mga 'to. Out of 200 Essay questions ito ang napili namin:
No. 50: Ano ang meron kay Brand X at galit na galit ang ibang brand sa kanya? Defend your answer.
Kung mahilig ka ding manood ng mga commercials (oo, pinapanood din ang mga commercial) ng mga produkto, malamang ay pamilyar ka na sa logo na 'to. Brand X. Sila yung madalas na kalaban ng mga produkto na "bida" sa commercial.
Set-up ng Commercial sa Pinas:
1. Lalabas ang endorser (kadalasang sikat na artista).
2. Hawak ni endorser ang produkto na ini-endorse nya (malamang).
3. Makakakita ang isang ordinaryong may-bahay (nanay) na gumagawa ng gawaing-bahay (naglalaba kunwari).
4. Titingnan ni endorser ang gamit na produkto ng misis.
5. Ilalabas ang ini-endorse na produkto. Sasabihin na mas mainam daw gamitin ang produkto nya kaysa sa ginagamit nya ngayon.
The Favorite Part:
6. Brand X (gamit ng misis) laban kay "Branded" na produkto.
Resulta:
7. Talo si Brand X, gagamitin na ng misis ang "Branded" na produkto at papasalamatan si endorser.
Balik sa katanungan:
Ano ang meron kay Brand X at galit na galit ang ibang brand sa kanya?
1. Malaking kumpanya - Halos lahat ata ng produkto meron sila eh.
2. De-kalidad (Low Quality) ang mga produkto - Sa halos lahat ng produkto na ikinukumpara sila, di pa ata sila nananalo.
3. Never-Say-Die attitude - Kahit na palaging talo sa mga commercials, patuloy pa din ang pakikipaglaban sa ibang produkto kahit alam nilang matatalo sila.
4. Wais na kumpanya - Isipin mo na lang, kahit saan commercial, makikita mo ang Brand X, sino ba ang nagbabayad para sa commercial, di ba ang mga "Branded" na produkto. Malaki ang natitipid ng kumpanyang Brand X dahil sa mga free endorsement na 'to.
Kahit sino pwede maging Brand X. Malay mo, kumpanya mo na pala ang pinatataman, di mo lang alam.
Isa lang ang alam kong pinaniniwalaan ng mga taga-Brand X:
"Bad Publicity or Good Publicity is still Publicity"
1 comments:
tama kasi peki ang brand x
Post a Comment