Isa na namang REJECTED UPCAT ESSAY QUESTION ang naisipan kong sagutin para sa blog na 'to. Wala pa kasi akong maisip na "matinong topic" para sa susunod kong isusulat kaya naisipan ko munang gumawa ng mga "filler" blogs.
Ang katanungan:
Ano ang mas malaki backpack ni Dora? O bulsa ni Doraemon? Justify your answer.
Bago ko sagutin ang tanong na yan, magbibigay muna ako ng ilang information tungkol kay Dora at Doraemon. Ang Dora at Doraemon ay parehas na cartoons na nagmula sa ibang bansa. Sa bansang America nagmula ang "Dora The Explorer" samantalang sa bansang Japan naman nagmula ang Doraemon,
Si Dora ay isang Latina. Ang kanyang buong pangalan ay Dora Marquez. Isa siyang eight-year old na bata. Mahilig "maglakbay" si Dora kasama ang kaibigan niyang unggoy na si Boots. Actually, nagtataka ako sa mga magulang ni Dora kung bakit nila ito pinapayagang "maglakbay" kasama ang kaibigan nito na si Boots sa edad na walong (8) taong gulang lamang. Hindi ko alam kung masyado silang "busy" sa mga bagay-bagay at hindi nila napagtutuunan ng pansin ang pag-aalaga sa anak nila. Bagamat madalas sa labas ng bahay si Dora, mahal niya ang kanyang mga magulang at mga kamag-anak. Kasama ni Dora sa kanyang paglalakbay bukod kay Boots ay ang kanyang paboritong purple na backpack. Regalo ito mula sa kanyang mga magulang. Sari-saring bagay ang lumalabas sa backpack na 'to depende sa pangangailangan ni Dora. May mga bulsa din ito sa gilid na kadalasang lagayan ng mapa at sa kabila naman ay ang "star pocket". Sa panonood ko ng Dora the Explorer, ilang mga bagay ang napansin ko:
Habang naglalakbay, madalas na nakatingin si Dora sa camera habang ang katawan naman niya ay nakaharap sa mga dadaanan niya. Halos hindi nga siya tumitingin sa kanyang dinadaanan. Kahit na tumatalon, tumatakbo at naglalaro si Dora ay lagi itong nakatingin sa camera. Di ko alam kung may stiff neck ba siya o mismo ang direktor nito ang nagsabi sa kanya na dapat lagi siyang nakatingin sa camera.
Nearsighted ata si Dora. Madalas siyang humingi ng tulong mula sa mga manonood para makita ang mga bagay sa paligid niya na kung tutuusin ay kitang-kita naman. Siguro ay dahil nga lagi siyang nakaharap sa camera at hindi man lamang niya sinusubukan na lumingon sa paligid niya para makita ang mga bagay na hinahanap niya. Siguro nga may stiff neck si Dora.
Mapunta naman tayo kay Pareng Doraemon. Wala naman akong masyadong napapansin sa palabas na 'to bukod sa madalas lang niyang tulungan ang kanyang kaibigan na si Nobita. Kukuha si Doraemon ng bagay mula sa "future" mula sa kanyang bulsa at ito ay ipapahiram niya kay Nobita para matulungan ito. Si Nobita ay batang laging binu-bully nina Damulag at Suneo. Noong bata pa ako ay sinasaway ako ng magulang ko sa panonood ng Doraemon. Sabi nila, hindi daw magandang halimbawa sa mga bata ang panonood nito. Madalas kasing ipakita dito ang pangbu-bully nina Damulag at Suneo kay Nobito. Pagkatapos nito ay lagi lang umaasa si Nobita sa tulong na binibigay ni Doraemon. May punto ang mga magulang ko pero kung manonood kang mabuti, may mga makukuha ka namang mga aral mula sa palabas na 'to. Ilan sa mga ito ang tungkol sa honesty, perseverance, courage, family at paggalang sa nakatatanda.
Paakatapos ng mga inroduction tungkol kay Dora at Doraemon, balikan natin ang katanugan: Ano ang mas malaki backpack ni Dora? O bulsa ni Doraemon? Justify your answer.
Literally, mas malaki ang backpack kaysa sa bulsa. Pero sa mga palabas 'gaya ng Dora The Explorer at Doraemon, parehas nilang kaya na maglabas ng mga kung anu-anong mga bagay mula sa kani-kanilang backpack at bulsa. Kung ano ang kailangan nila, yun ang nilalabas ng kanilang mga backpack at bulsa. Ang pagkakaiba lamang ay ang paraan ng pagkuha ng mga gamit mula dito.
Medyo kumplikado ang paraan ng pagkuha ng mga bagay mula sa backpack ni Dora. Kailangan mo munang banggitin ang salitang "Backpack". Ilang beses mo itong uulitin hanggang sa "marinig" ng backpack. Mistulang humihiwalay kay Dora ang backpack pagkatapos ay kakanta pa 'to ng kanyang "introduction song" bago maglabas ng mga gamit. Madami itong ilalabas na mga gamit. Kailangan mo pang piliin ang bagay na kailangan mo. Samantalang kay pareng Doraemon, ilalabas agad niya mula sa kanyang bulsa ang gamit na makakatulong sa'yo. Babanggitin lamang niya ang pangalan ng nilabas na gamit. Subalit hindi basta-basta naglalabas ng kung anu-ano si Doraemon. Kailangan munang mapatunayan mo sa kanya na kailangan na kailangan mo ang gamit bago ka niya pahiramin. Kung minsan naman ay kailangan mo lang siyang bigyan ng Hopiang Munggo na kanyang paborito.
4 comments:
so ano nga ang mas malaki? hahaha XD
parehas lang ahaha
hahaha...gulo para sken parehas lng....:::( ^_^
ung saken :D
Post a Comment