Tuesday, August 14, 2012

Ang Nakaraan...

     Nauna ko ng nagawan ng blog ang tungkol sa mga super-robot na anime na ipinalabas sa Pilipinas noong dekada 90. Naisama ko doon ang Voltes V, Daimos, Mazinger Z, Gundam at Voltron. Naisipan ko din na idagdag ang mga iba pang anime na ipinalabas noon. Hindi ko na isinama ang mga palabas na patuloy pa din nating napapanood hanggang sa ngayon kagaya ng Dragonball, Ghost Fighter, Samurai X, Slam Dunk at ang di maubos-ubos na mga Pokemon. 

     Bago ko ilathala (naks!) ang mga anime noong dekada 90, nais kong pasalamatan ngayon pa lang ang mga malalaking TV station sa Pilipinas na nagdala sa 'tin ng mga palabas na 'to. Kung hindi dahil sa kanila, hindi magiging ganito kasaya ang ating panonood noong mga bata pa tayo. At kung hindi din dahil sa kanila, wala ka sigurong mababasa na blog tungkol dito (malamang).

     Sabi nga nila "Ladies First", kaya naman uunahin ko ang mga palabas na pinagbibidahan ng mga babae. Hindi dahil mga babae ang bida sa mga palabas na 'to ay sila lang din ang mag-eenjoy sa panonood nito. Sa katunayan, pati mga batang lalaki ay nawili din sa panonood ng mga ito (kasama ako).



     Sa kalagitnaan ng dekada 90 ipinalabas ang Sailor Moon. Ito ata ang kauna-unahang palabas na nagbida ng mga babae na lumalaban sa mga masasamang loob kabilang na ang mga halimaw. Bida dito ang mga "Sailors" na ipinangalan sa mga planeta at kung anu-anong mga bagay sa universe. Malamang ang bida ay si Sailor Moon, Usagi Tsukino ang tunay niyang pangalan kapag di siya naka-costume. Sikat na sikat ang mga linya niyang "Sailor Moon, make-up" na madalas gayahin ng mga batang babae noong dekada 90.


     Kasunod nito ay ang Magic Knight Rayearth. Pinagbibidahan naman ito ng tatlong dalaga na sina Hikarou Shidou, Umi Ryuuzaki at Fuu Hououji. Kung ang Sailor Moon ay ipinangalan kasunod sa mga planeta, sa Magic Knight Rayearth naman ay mga elemento kagaya ng apoy, tubig at hangin. Si Hikarou ang Magic Knight of Fire, Umi ang Magic Knight of Water at si Fuu naman ang Magic Knight of Wind. Astig sila dahil mayroon silang mga "robot" bawat isa. Sikat din ang kanilang opening theme song. Sa katunayan, mayroon itong tagalog version.


     Neon Genesis Evangelion. Para silang mga female version ng Gundam. Tinatawag na Evangelion ang mga higanteng "humanoids" na 'to. Piling mga teenagers, na karamihan ay babae, ang nagiging piloto ng mga Evangelions. Bukod sa mga sexy na costume ng mga babaeng bida sa palabas na 'to, maganda talaga ang story-line ng anime kaya madami din ang naging tagasubaybay.


     Maari na din sigurong isama ang Akazukin Cha-Cha. Parang little-red-riding hood inspired ang palabas na 'to. Pinagbibidahan ito ni Cha-Cha at ng kanyang mga kaibigang lalaki na sina Riiya at Shiine. May magical bracelet si Riiya at magical ring naman ang kay Shiine. May magical pendant naman si Cha-Cha. Kailangan nilang banggitin ang mga salitang Love, Courage and Hope para mag-transform si Cha-Cha bilang isang dalagang prinsesa na kumakalaban sa mga masasama. Hindi maaaring magbagong anyo si Cha-Cha kung hindi sila kumpletong tatlo.

     Kasunod naman ng mga palabas na pinagbibidahan ng mga lalaki. Ito yung mga itinuturing ko na talagang mga "Astig" na anime noong dekada 90. 



     Unang-una sa listahan ko ang hindi mahuli-huli na si Lupin III. Kasama ni Lupin sa kanyang pagnanakaw sina Daisuke Jigen, ang kanilang marksman o gunner; si Goemon Ishikawa XIII, isang thirteenth-generation ng renegade samurai., in short siya ang swordsman ng grupo; at si Fujiko Mine, ang maituturing na leading lady ni Lupin.



     Ang itinuturing na Demon Child na si Zenki. Si Zenki ay nasa anyong bata subalit dahil sa kapangyarihan ng bracelet ni Chiaki (bidang babae sa Zenki), nagagawa ni Zenki na bumalik sa kanyang tunay na anyo. Tinatawag nila ang isang "Dakilang Bajula" (kung tama ang pagkaka-alala ko). Gamit ni Zenki ang mga "Kuko ni Diva" (tama ba?) para talunin ang kanyang mga kalaban.



     Isunod naman natin ang Virtua Fighter. Pinagbibidahan naman ito ni Akira Yuki. Sikat na sikat ang kanyang paglalagay ng banda sa ulo habang may sinasabi (nakalimutan ko na yung mga linya niya eh). Gumagamit siya ng martial-art skill na kung tawagin ay Bajiquan. Sikat din dito ang kanyang mga "tutorial" pagkatapos niyang gamitin ang isang technique ng Bajiquan.



     Sa palabas na Fushigi Yuugi naman ay mas madalas ang drama kaysa sa mga "fight-scenes" pero astig din. Umiikot ang istorya nito sa love-story ni Miaka Yuki at ni Tamahome. 


     Ang Trigun naman ay pinagbibidahan ni Vash The Stampede. Isa siyang expert na marksman. Mayroon siyang dalang malaking baril sa kanyang likod subalit bihira niya 'tong gamitin.



     Ang BT'X. Pinagbibidahan ito ni Teppei na mayroong "Messiah Fist". Isa itong cybernetic gauntlet weapon. Nakasakay siya sa parang bakal na kabayo at nakasuot ng armor.

    Idagdag naman natin sa mga listhan ng mga palabas noong dekada 90 ang mga sumusunod:



     Time Quest. Ito ay tungkol sa adventure ng dalawang magkaibigan sa iba't-ibang mundo gamit ang time-travelling na Takure (kettle). Nakakatuwa ang palabas na 'to dahil sa pinakitang iba't-ibang level ng sense of humor ng mga character.


    Ang Yaiba naman ay tungkol sa isang batang swordsman na may "weird" na grupo.


     Bago pa man sumikat si Chef Boy Logro, mayroon na tayong hinahangaan na batang "cook". Siya ay si Liu Mao Shing o mas kilala sa tawag na Cooking Master Boy.


     Bukod sa mga di maubos-ubos na Pokemon, kasabay nito ang mga Digimon o ang mga Digital Monster. Nag eevolve din sila gaya ng mga Pokemon subalit tinatawag nila itong "Digi-volve" o "Digi-volution". Mas mabilis silang mag "digi-volve" gamit ang mga "gadget" ng kanilang trainer.



     Monster Rancher. Main-goal ng mga bida dito ang paghanap sa "Phoenix". Isang "Holy-Monster" na tanging makakatalo sa kalaban na si "Moo".

     May mga palabas din naman noong dekada 90 tungkol sa mga batang naulila ng mga magulang. May mga batang laki sa hirap at may mga mayaman. Karaniwan nilang nagiging kaibigan ang kanilang mga alagang-hayop. 

Tom Sawyer


Nobody's Boy Remi



Sarah : Ang Munting Prinsesa


Cedie : Ang Munting Prinsipe



Heidi










     
     

12 comments:

W said...

nasaan si marco tsaka si charlotte? Si julio at julia? :p

W said...

http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_programs_aired_by_GMA_Network#Anime_and_Tokusatsu

Juan said...

nice, kaso marami pang kulang..hehe
e.g vampire blood, baki, daddy long legs, panivino
pero nice, naalala ko tuloy ung iba... btx :))

Unknown said...

uu marami pang kulang yan.. pero yan ung mga madalas na napapanood ahaha.. baka gawan ko din 'to ng part II AHAHA

W said...

naalala ko yung time quest sa chanel 13 yan ,monster rancher, vistua fighter, lupin sa 7, sailormoon sa 5 tapos karamihan na sa channel 2 sa umaga.

Unknown said...

uu .. ABC 5 pa sila nun.. tsaka nagpapalabas pa ng anime ang IBC 13

ikalawang pisara said...

Buti naman may nakaaalala pa ng BTX... D'yan ako natutong mag-drowing. :)) Nice! Marami pa talagang pwedeng idagdag. Ipagpatuloy mo lang!

Unknown said...

Salamat..

Pink Line said...

halos lahat to napanood ko..i love cha-cha!

Unknown said...

salamat po.. try nyu po i-read ung iba pang blogs :)

Yuumei said...

jerome... blogger k n dn niceeee

Unknown said...

nandun sila sa vhs tape

Post a Comment