Para sa mga die hard fan ng mga social networking sites (OA). Twitter at Facebook to be specific. Para sa inyo ang blog na 'to. Wala lang. Trip ko lang magsulat muli at bigla ko lang kayong naalala. Sanay na ako sa minu-minutong tweet sa twitter at maya't-mayang upload ng picture sa facebook pero for the past few months parang ang "weird" na ng mga nababasa kong tweets at posts. Weird ang ginamit kong term kasi parang exaggerated naman kapag "nakakainis" ang salitang gagamitin ko.
Sige na. Okey na ang mga tweets mo kung nasaan ka. Kung sino ang mga kasama at kung ano ang ginagawa mo. Kung kumain ka sa mamahaling restaurant. Kung bumili ka ng kape sa Starbucks o kahit pinuno mo ng gravy ang plato mo sa KFC. Kung bumili ka ng mga branded na damit (dahil sale). Kung bago ang unit ng cellphone mo. Kung nakapunta ka sa concert na paborito mong banda. Wala akong issue sa mga ganyang klaseng tweets. Kanya-kanyang trip lang yan.
Mapunta naman tayo sa mga itinuturing ko na mga "weird" na posts at status. Para sa mga gumagawa ng ganito, magtatanong na lang ako. Kung nasugatan ka man, bakit kailangan mo pang i-post ang mismong sugat mo? Para saan? Gagaling ba yan kapag may mga nag-like o kapag may nag-share ng pictureng sugat ng sugat mo? Kung iisipin, parang insulto pa nga kapag nag-post ka na may sugat ka pagkatapos ay ni-like pa ng mga kaibigan mo? Ibig sabihin ba niyan ay natuwa sila na nagka-sugat ka?.
Para naman sa mga namatayan. Unang-una ay nakikiramay ako sa inyo. Pero bakit kailangan mo pa nai-post pati ang mismong picture ng patay na nakahiga na sa kabaong? Ang masaklap diyan, naka CLOSE-UP PA! Bakit? Anong dahilan? Para saan?
Isasama ko na din dito ang mga taong nagpopost ng pa-cute nilang picture sabay lalagyan ng description na: "Sorry, di ako masyadong nakapag-ayos" o kaya naman "Haggard Look". Kahit obvious naman na naka make-up at mukhang nag ahit pa nga ng kilay bago mag picture pagkatapos sasabihin haggard pa daw sila niyan? Idadamay ko na din ang mga nagpopost ng best picture nila habang naka-swim wear showing their curves and then sasabihin na "Gosh!, ang taba ko na". O' Come on!
Para naman sa mga unang nakapanood ng bagong pelikula. Malamang ayaw ng lahat ang "spoiler". Bihira ang gumagawa nito pero mayroon pa din talaga akong mga nababasa. Ikaw na nakapanood sa premiere night! Ikaw na nakapanuod agad sa 3D!. Pwede naman na sabihin na "Ang ganda ng Breaking Dawn Part II, A must watch film". Tumaas na ang curiosity level ng mga friend mo, natulungan mo pang mai-promote ang abs ng Jacob sa pelikula at siyempre, ang mismong pelikula. Madadagdagan na din ang mga taong magkakaroon ng LSS na kantang "A thousand years" ni Christina Perri. To be honest, akala ko si Katy Perry ang kumanta niyan, siguro dahil magkatunog sila ng apelyido (share ko lang).
0 comments:
Post a Comment