Gigising ng maaga. Kakain. Lalabas ng bahay. Uuwi. Kakain muli. Maliligo. Lalabas muli ng bahay. Makikipag-kwentuhan sa mga kaibigan sa tapat ng sari-sari store. Uuwi. Kakain. Manonood ng T.V. at matutulog na. Ulit na naman ng gawain kinabukasan. Mga "routine" ng Old-Skul version ng mga tambay.
Iba na ang mga tambay ngayon. Gigising ng tanghali. Kakain. Lalabas ng bahay. Pupunta ng computer shop at maglalaro ng DOTA, Cross-Fire, Special-Force (parang Counter-Strike din) at kung anu-ano pang mga computer games. Kung wala namang pera (na madalas mangyayari), tatambay lang at manonood sa mga naglalaro. Makiki-trashtalk (mang-aasar). Sisitahin ang mga "kabobohan" ng iba. Pagkatapos ng buhay sa loob computer-shop ay uuwi saglit para kumain. Babalik muli sa shop para makipag-kwentuhan. Halos buong gabi na yan. Kapag nagka-ubusan na ng baon na kwento, maglalakad-lakad. Mag-iinuman naman kapag may budget. Uuwi ng madaling-araw at matutulog na. Hindi naman sila matatawag na puyat dahil tanghali naman sila nagigising.
Ganyan ang gawain nila (na gawain ko noon). Parang ang sarap ng buhay para sa kanila. Easy. Chill. Wala masyadong problema bukod sa paghanap ng pera para makapaglaro. Pero magaling silang dumiskarte. Madami ka pang option kapag walang budget. Isa na dito ang paghanap ng basketball court at maglaro. Wala ng masyadong gastos (bukod sa pamusta niyo at pambili ng ice-tubig), good for your health pa.
Bukod sa mga gawain na yan, may mga bagay pa din naman na nakakatuwa sa pagiging tambay. Siguro ito ang mga bagay na "nakakatuwa" sa pagiging tambay. Walang iniisip na deadline ng mga projects. Hindi problema ang paggising ng maaga. Hindi nila iisipin kung paano makikipag-siksikan sa MRT/LRT. Hindi sila mababadtrip kapag sobrang traffic. Hindi sila magpopost sa facebook o kaya naman tweet sa twitter na badtrip sila dahil OT na naman sa trabaho. Hindi nila problema ang malaking bawas ng tax sa sahod. Hindi na din nila aalalahanin na baka maholdap sila dahil wala namang masyadong makukuha mula sa kanila. Stress-Free ang kanilang isipan. Hindi masyadong nakakadama ng pressure. Ang tanging iisipin lang naman nila ay kung paano makaka-survive sa araw na ito at sa mga susunod pa.
Kahit tambay sila, may mga dahilan pa din naman tayo para respetuhin natin sila. May mga bagay na mas nakakaangat sila kaysa sa'tin. Kaya nilang mabuhay ng walang facebook at twitter. Kaya nilang mabuhay sa halagang P50.00 sa isang araw.
Isipin na lang din natin na minsan din tayong naging tambay. Kung hindi mo pa naranasan ang maging tambay. Ang lungkot pala buhay mo...
Speaking of tambay, gusto ko na din na i-share sa inyo ang video na 'to. Siguro dahil na dito kaya naisipan kong mag-blog tungkol sa kanila.
Credits to Eat Bulaga
Juan For All - All For Juan
at sa nag-upload ng video na 'to.
0 comments:
Post a Comment