Tuesday, December 25, 2012

Try mo lang....

     Habang naglalakad ka sa labas ng bahay mo this holiday season. Malaki ang chance na makasalubong mo ang ilan sa mga inaanak mo. Automatic na mamamasko yan sa'yo (naturuan na yan ng mga magulang nila ng mga dapat gawin kapag nakasalubong ang ninong/ninang nila). So dapat ready ka. Bilang regalo ko sa'yo ngayong Pasko, bibigyan kita ng ilang "tips" na pwede mong gawin before and during the moment na makakasalubong mo ang mga inaanak mo.

1. Before anything else (wow!), kapag lalabas ng bahay, huwag na huwag mong kakalimutan ang magdala ng pera. Just make sure lang na meron kang tig-20, 50 at 100 pesos. Hangga't maari, iwasan ang magdala ng tig-1000 at 500 pesos, dahil kapag yan ang nabunot mo, Bang! Remember, hindi nagbibigay ng sukli ang mga inaanak mo.

2. (Kuripot Ninong/Ninang Moves) 

     Kapag nakasalubong mo ang inaanak mo, hindi dapat ikaw ang unang bumati, sila dapat. Kapag binati ka na, tamang-kaway lang sabay sabi ng "Oy! andiyan ka pala" (Patay-malisya). Patuloy ka lang dapat sa paglakad pero dahan-dahan lang para di halatang "tinatakasan" mo na siya. Swerte mo kapag nakalayo ka pero kapag nilapitan ka na, alam mo na. Merry Christmas Ninong/Ninang!

3. (Ultimate Kuripot Ninong/Ninang Moves) 

     Kapag nakasalubong mo ang inaanak mo at wala kang dalang pera (o sadyang sa simula pa lang ay wala ka na talagang balak na bigyan ang inaanak mo) ganito ang gawin mo: Ikaw na ang unang lumapit sa kanya. Pagkatapos ay batiin mo ng "Merry Christmas". Buhatin mo siya at yakapin ng mahigpit (mahigpit na tipong di na siya makahinga, JOKE!). Dahan-dahan mong ibaba at halikan siya sa noo. Pagkatapos, gayahin mo ang "pwesto" ng lalaki sa baba.


     Sabihin mo sa kanya 'to ng may malumanay na boses (mala-Morgan Freeman) : Ito ang regalo ko sa'yo ngayong Pasko. 

P-A-G-M-A-M-A-H-A-L 

     Hindi per letter mong sasabihin yan. Dahan-dahan lang para "sweet" ang dating. Tapos ay yakapin mo ulit.

     Oh di ba! Ang sweet mong Ninong/Ninang! Sabi nga sa sa isang kanta "Why don't you give love on Christmas Day (Christmas Day)".

      MERRY CHRISTMAS AND ADVANCE HAPPY NEW YEAR !







Saturday, December 22, 2012

20 Years of Existence...

     Kung sa title ay inaakala mo na English blog ang mababasa mo, nagkakamali ka. Ginawa ko lang English ang title ng blog na 'to para "astig".

     12:00 am. December 20, 2012. Nasa trabaho. Ordinaryong araw lang sa tingin ko ang mangyayari. Bandang 12:45 am (siguro) ng natanggap ko ang unang pagbati sa facebook mula sa aking kaibigan. Oh yes! It's my birthday na nga. Salamat sa facebook dahil madaming "nakaalala".

     Modernong paraan ng pag-celebrate ng birthday. Madalas online para isa-isang pasalamatan ang mga bumabati sa'yo sa facebook at sa twitter. Hit "Like" pagkatapos ay "Comment" ng "Salamat po!". Iba't-ibang paraan ng pagbati. May mga masipag mag-type ng buong "Happy Birthday". Ang iba dito ay may pangalan mo pa at may mga kasamang "birthday wishes". May mga tamad din naman na "HBD" lang ang ilalagay which also means Happy Birthday. May mga PM or personal messages ka din na matatanggap mula sa mga tunay mong kaibigan. May mga tawag (pero noong birthday ko ay wala akong natanggap) at text sa cellphone.

      Sa lahat ng mga bumati sa'kin, MARAMING SALAMAT!

     Balak ko sana sa blog na 'to ay i-kwento ang mga naging "Adventure" ko sa nakalipas na dalawang dekada. Pero naalala ko na naisulat ko na pala ang iba sa mga 'to sa aking "Makalipas ang Dalawang Dekada Series"

Kinder - Elementary Days:

High School Days:

College Days: 

     Para naman sa mga naging "Achievements" ko sa nakalipas na dalawang dekada, abangan niyo na lang sa aking gagawin na "Year-End Blog".

   Sa muli, gusto kong pasalamatan ang lahat ng bumati sa'kin sa Facebook at Twitter. Elementary, Highschool at College friends. Sa mga officemates. Sa mga nagtext (walang tumawag eh), maraming salamat. 

    Sa mga kamag-anak ko lalo na sa mga magulang ko at kapatid.

  THANK YOU LORD!

Sunday, December 9, 2012

Buhay ng...

     Gigising ng maaga. Kakain. Lalabas ng bahay. Uuwi. Kakain muli. Maliligo. Lalabas muli ng bahay. Makikipag-kwentuhan sa mga kaibigan sa tapat ng sari-sari store. Uuwi. Kakain. Manonood ng T.V. at matutulog na. Ulit na naman ng gawain kinabukasan. Mga "routine" ng Old-Skul version ng mga tambay.


      Iba na ang mga tambay ngayon. Gigising ng tanghali. Kakain. Lalabas ng bahay. Pupunta ng computer shop at maglalaro ng DOTA, Cross-Fire, Special-Force (parang Counter-Strike din) at kung anu-ano pang mga computer games. Kung wala namang pera (na madalas mangyayari), tatambay lang at manonood sa mga naglalaro. Makiki-trashtalk (mang-aasar). Sisitahin ang mga "kabobohan" ng iba. Pagkatapos ng buhay sa loob computer-shop ay uuwi saglit para kumain. Babalik muli sa shop para makipag-kwentuhan. Halos buong gabi na yan. Kapag nagka-ubusan na ng baon na kwento, maglalakad-lakad. Mag-iinuman naman kapag may budget. Uuwi ng madaling-araw at matutulog na. Hindi naman sila matatawag na puyat dahil tanghali naman sila nagigising.


     Ganyan ang gawain nila (na gawain ko noon). Parang ang sarap ng buhay para sa kanila. Easy. Chill. Wala masyadong problema bukod sa paghanap ng pera para makapaglaro. Pero magaling silang dumiskarte. Madami ka pang option kapag walang budget. Isa na dito ang paghanap ng basketball court at maglaro. Wala ng masyadong gastos (bukod sa pamusta niyo at pambili ng ice-tubig), good for your health pa.

     Bukod sa mga gawain na yan, may mga bagay pa din naman na nakakatuwa sa pagiging tambay. Siguro ito ang mga bagay na "nakakatuwa" sa pagiging tambay. Walang iniisip na deadline ng mga projects. Hindi problema ang paggising ng maaga. Hindi nila iisipin kung paano makikipag-siksikan sa MRT/LRT. Hindi sila mababadtrip kapag sobrang traffic. Hindi sila magpopost sa facebook o kaya naman tweet sa twitter na badtrip sila dahil OT na naman sa trabaho. Hindi nila problema ang malaking bawas ng tax sa sahod. Hindi na din nila aalalahanin  na baka maholdap sila dahil wala namang masyadong makukuha mula sa kanila. Stress-Free ang kanilang isipan. Hindi masyadong nakakadama ng pressure. Ang tanging iisipin lang naman nila ay kung paano makaka-survive sa araw na ito at sa mga susunod pa.


     Kahit tambay sila, may mga dahilan pa din naman tayo para respetuhin natin sila. May mga bagay na mas nakakaangat sila kaysa sa'tin. Kaya nilang mabuhay ng walang facebook at twitter. Kaya nilang mabuhay sa halagang P50.00 sa isang araw. 

       Isipin na lang din natin na minsan din tayong naging tambay. Kung hindi mo pa naranasan ang maging tambay. Ang lungkot pala buhay mo...

     Speaking of tambay, gusto ko na din na i-share sa inyo ang video na 'to. Siguro dahil na dito kaya naisipan kong mag-blog tungkol sa kanila.


Credits to Eat Bulaga 
Juan For All - All For Juan 
at sa nag-upload ng video na 'to.
     

Sunday, December 2, 2012

Para sa'yo...

     Para sa mga die hard fan ng mga social networking sites (OA). Twitter at Facebook to be specific. Para sa inyo ang blog na 'to. Wala lang. Trip ko lang magsulat muli at bigla ko lang kayong naalala. Sanay na ako sa minu-minutong tweet sa twitter at maya't-mayang upload ng picture sa facebook pero for the past few months parang ang "weird" na ng mga nababasa kong tweets at posts. Weird ang ginamit kong term kasi parang exaggerated naman kapag "nakakainis" ang salitang gagamitin ko.


     Sige na. Okey na ang mga tweets mo kung nasaan ka. Kung sino ang mga kasama at kung ano ang ginagawa mo. Kung kumain ka sa mamahaling restaurant. Kung bumili ka ng kape sa Starbucks o kahit pinuno mo ng gravy ang plato mo sa KFC. Kung bumili ka ng mga branded na damit (dahil sale). Kung bago ang unit ng cellphone mo. Kung nakapunta ka sa concert na paborito mong banda. Wala akong issue sa mga ganyang klaseng tweets. Kanya-kanyang trip lang yan.


      Mapunta naman tayo sa mga itinuturing ko na mga "weird" na posts at status. Para sa mga gumagawa ng ganito, magtatanong na lang ako. Kung nasugatan ka man, bakit kailangan mo pang i-post ang mismong sugat mo? Para saan? Gagaling ba yan kapag may mga nag-like o kapag may nag-share ng pictureng sugat ng sugat mo? Kung iisipin, parang insulto pa nga kapag nag-post ka na may sugat ka pagkatapos ay ni-like pa ng mga kaibigan mo? Ibig sabihin ba niyan ay natuwa sila na nagka-sugat ka?.

     Para naman sa mga namatayan. Unang-una ay nakikiramay ako sa inyo. Pero bakit kailangan mo pa nai-post pati ang mismong picture ng patay na nakahiga na sa kabaong? Ang masaklap diyan, naka CLOSE-UP PA! Bakit? Anong dahilan? Para saan?

     Isasama ko na din dito ang mga taong nagpopost ng pa-cute nilang picture sabay lalagyan ng description na: "Sorry, di ako masyadong nakapag-ayos" o kaya naman "Haggard Look". Kahit obvious naman na naka make-up at mukhang nag ahit pa nga ng kilay bago mag picture pagkatapos sasabihin haggard pa daw sila niyan? Idadamay ko na din ang mga nagpopost ng best picture nila habang naka-swim wear showing their curves and then sasabihin na "Gosh!, ang taba ko na". O' Come on!

     Para naman sa mga unang nakapanood ng bagong pelikula. Malamang ayaw ng lahat ang "spoiler". Bihira ang gumagawa nito pero mayroon pa din talaga akong mga nababasa. Ikaw na nakapanood sa premiere night! Ikaw na nakapanuod agad sa 3D!. Pwede naman na sabihin na "Ang ganda ng Breaking Dawn Part II, A must watch film". Tumaas na ang curiosity level ng mga friend mo, natulungan mo pang mai-promote ang abs ng Jacob sa pelikula at siyempre, ang mismong pelikula. Madadagdagan na din ang mga taong magkakaroon ng LSS na kantang "A thousand years" ni Christina Perri. To be honest, akala ko si Katy Perry ang kumanta niyan, siguro dahil magkatunog sila ng apelyido (share ko lang).