Sunday, August 26, 2012

Sila...

     Kasama sa halos lahat ng gimik. Kasabay kumain sa halos lahat ng fastfood chain. Kasabay mong mag jay walking papuntang SM. Ka-jamming mo kapag nag-gigitara. Kasama mo sa bat overnight para kumain at manood ng mga pelikula (hindi para mag-aral). Kasama mo kapag di ka pumasa sa exam. 



     Sila ang iyong mga barkada. Iba't-ibang klase ng personalidad. paniniwala, pananaw sa buhay. Pero sa kabila nito, nagkakasundo kayo sa iisang "trip". Mas malaki ang barkada, mas masaya. Mas magulo, mas astig.


     Elementarya, Highschool at sa College. Sa bawat antas na 'to ay may itinuturing kang barkada. May mga pagkakataon din naman na ang mga naging barkada mo noong nasa elementarya at highschool ka ay nagiging kaklase mo pa din sa kolehiyo kaya naman nananatiling barkada mo pa din (Consistent!).



     Madami na 'kong naging barkada. Friendly kasi ako (sabi nila). As much as possible, gusto ko ako ang unang uma-approach sa isang tao. I always want to make the first move (Naks!). Sa dami na ng naging mga barkada ko, napansin ko na may mga "classification" sila. Binase ko 'to sa kanilang mga personalidad.



     Mr. and Ms. Friendship - Sila ang mga kaibigan mo na pwede na ding tawagin na "recruiter". Sa sobrang pagiging friendly nila, sila ang madalas nakakakilala ng mga bagong kaibigan. Masasabi na din natin na sila ang mga naging "founder" ng barkada.

     Muse and Escort - Sila ang pinaka gwapo at pinaka maganda sa grupo. Sila ang "Front Line". Ang problema lang, bihira mo silang makasama sa mga gimik dahil madalas ay kasama nila ang kanilang mga special someone. Most of the time, in a relationship ang status nila.

     The Entertainer - Sila ang may pinaka mataas na sense of humor sa barkada. Madalas magbitaw ng mga "punch lines". Mabilis ang takbo ng utak pagdating sa kalokohan. Madalas na may hawak ng mikropono kapag may videoke. Sila din ang madalas na single ang relationship status. Sa kabila ng pagiging mapagbiro ng mga ganitong klase ng tao, sila ang pianaka matino mong makakausap kapag may problema ka. Madaming pananaw sa buhay ang mga yan (true story). Bihira din sila mag-share ng problem sa mga kaibigan nila. Gusto nila na lagi silang mukhang masaya.


     The Geeks - Sa barkada, sila ang laging nakakakuha ng mataas na marka kapag may mga exam. Simpleng GC o Grade-Concious. Madalas nilang sabihin na hindi sila nag-review kapag may exam pero pagdating sa resulta, sila ang highest.

     The Weird - Mga taong tahimik lang. Magtataka ka din kung paano sila nasali sa barkada. Pero kapag nagbitaw sila ng mga "punch lines", ang taas ng quality. Matatawa ka talaga.

     Go-with-the-flow - Mga taong sama lang ng sama sa lahat ng gimik ng barkada. Kung ano ang trip, sige lang. Mga kaibigan mo na naka-depende din sa desisyon mo. Halimbawa, kung sasama ka, sasama din siya.

     The Financer - Ang "Big Time" sa barkada. May pinaka malaking ambag kapag may inuman. Madalas manlibre. Sila din ang pinaka advance sa mga gadget. Kumpleto. Madalas magyayang kumain.

     The Beneficiaries - May pinakamaliit na ambag kapag may gimik (o kung minsan naman ay wala). Sa kabila nito, may pagkukusa sila. Madalas na sila ang bumibili ng mga "pulutan" (sila din ang umuubos). Pwedeng maituring na homeboy. Utusan kapag inuman. Pero madalas hindi na nila ibinibigay ang sukli.


     Ang boring ng buhay mo kung wala kang mga barkada. Forever-alone. Wala kang makakausap kapag may problema ka. Wala kang kasama kumain kapag vacant time mo. Wala ka ding kalaro kapag pumunta ka sa Timezone at higit sa lahat di mo din mararanasan ang sarap ng feeling kapag inaasar ka nila sa crush mo.




Kaibigan...

     Halos 15 minutes din ako nakipagtitigan sa modernong sulatan. Tweet sa twitter, tamang browse ng mga status sa facebook at download ng mga pictures na babagay sa blog ko. Tamang soundtrip din para ganahan. Hirap akong magsimula. Ang daming ideya ang pumapasok sa isipan ko. Hindi ko alam kung ano ang unang isusulat. Mas nadalian pa akong isulat ang "paghihirap" na dinanas ko para makasulat lamang ng introduction.

     Just like the old times. I would like you to play this video. Para may background music ka at mas ma "feel" mo ang binabasa mo. Salamat!


     Masarap magkaroon ng mga kaibigan. Barkada. Kahit saan pwede mo silang makilala. Sa paaralan, sa trabaho o kung minsan naman ay kapit-bahay mo lang. Pero sa lahat ng mga kaibigan na 'to, may isang tao na talagang pinagkakatiwalaan natin. Mas madalas nating kausap kaysa sa iba nating mga kaibigan. Kasundo sa lahat ng "trip". Kasama sa halos lahat ng gimik. Madalas na unang kinakausap kapag may problema. Taga-kilatis sa mga manliligaw. Aminin na din natin na malaking porsyento ang ginagampanan ng payo ng ating bestfriend sa paggawa natin ng mga desisyon sa buhay.


     Most of happy love stories na napapakinggan ko ay nagmumula sa pagiging mag-bestfriend. Childhood friend at ang iba naman ay bestfriend during school days. May iba din naman na hindi nagiging natuloy ang pagkakaroon ng romantic relationship. Hindi naman "rejected" ang tamang term na gamitin. Hindi rin naman friendzone (para sa'kin). Siguro ay naguguluhan lang sila sa mga nangyayari sa kanila.

     Isa sa pinakamahirap gawin ay ang pag "step-up" from bestfriends to lovers. May mga tao na talagang friendly pero pagdating sa pag "upgrade" ng friendship ay nahihirapan sila (true story, may kilala akong ganyan). Sa kabila ng mahabang taon ng pagkakakilala sa ugali ng isa't-isa, di talaga ganoon kadali. Kadalasan, lalaki ang gumagawa ng paraan. Sila ang unang nagsasabi sa bestfriend nila ng kanilang nararamdaman. Sugal kung tutuusin. Mapalad ka na kapag maganda agad ang response sa'yo. Pero kung minsan naman ay humihingi ang kanilang bestfriend ng panahon para makapag-isip.


     Isa sa mga katangian naming mga lalaki ay ang pagiging "risk-taker". Kaya madalas ang lalaki ang gumagawa ng first move. Sa kabila naman nito, para sa mga babae, may katangian sila na tatawagin ko na lang na "What if" syndrome (imbento ko lang yan). Madaming katanungan sa isip ng mga babae. Madaming gumugulo. Madalas ay about sa future ang kanilang iniisip. Isa sa mga katanungan na nasa isipan nila ay ang: What if nagbreak kami, can we still be friends?. Mga tanong na may What if sa simula at kasunod nito ay kadalasang negatibong epekto after having the relatioship. Di pa nga nagsisimiula iniisip agad ang katapusan. Actually, if ever man na mangyari ang ganito, malaki pa din naman ang chance na maging friends ulit after maghiwalay (if ever) pero let's admit it, iba na ang magiging pakikisama. Di na kagaya na dati (o depende din sa tao). Di ko naman sinasabi na lahat ng babae ay ganyan ang nasa isip. Nasasabi ko lang ang mga bagay na yan dahil some of my friends asked me that kind of question.


     Aminin man natin o hindi, may mga bagay talaga na nag-iiba kapag nasa isang romantic relationship na. Mas madalas ay nagiging komplikado ang mga bagay-bagay. Nagbabago na din ang "approach" sa isa't-isa. Some people might say na mas maganda pa ang relationship nila noong mag bestfriend pa lang sila. Mas maganda sigurong tawagin na M.U. o mutual understanding. Pwede din namang Malabong Usapan. Sitwasyon na parang kayo pero hindi kayo. Ang labo di ba?. You have feelings for each other pero siguro ang isa ay ayaw ng commitment.

     Looking on the positive side, siguro ay iniisip nila na mas "long-term" ang pagiging mag bestfriend  than being on a commitment. They might also think na mas madami silang magagawa kapag magkaibigan lang sila. Both sides ay magagawa pa din ang mga gusto nilang gawin. May mga "Limitations" na kasi kapag mag bf/gf na. Mas "malaya" in other term. Ayaw muna ng mga problema na dulot ng pakikipag-relasyon. Just taking their time to think about everything. Thinking of a decision that they will never regret.





     

     

Wednesday, August 22, 2012

Bakit nga ba?!

     Madalas na nating naririnig o nababasa ang salitang FRIENDZONE. Madami ding mga "memes" ang nagkalat sa internet tungkol dito. Pero ano nga ba ang Friendzone? Ayon kay Pareng Wikipedia: The "friend zone" refers to a platonic relationship where one person wishes to enter into a romantic relationship while the other does not.


     Kung ibabase sa depenisyon ng Wikipedia, maaari nating sabihin na ang mag-bestfriend ang madalas mapunta sa FRIENDZONE. Most of the time, lalaki ang biktima. Pero sa panahon ngayon, pwede na nating gamitin ang salitang 'to para sa mga taong "basted". Karaniwan na kasing linya ng mga babae (sila kasi ang madalas nililigawan) ang "Let's just be friends" kapag rejected sa kanila ang "application form" ng (mga) lalaking nanliligaw.


     Actually, kung basted ka man sa panliligaw mo, may choice ka naman kung tatanggappin mo ang offer ng babae na makipag-kaibigan na lang o hindi. Kung ayaw mong mapunta sa FRIENDZONE, pwede ka din naman pumasok sa tinatawag kong "BITTER LAND". Dito napupunta yung mga tao na hindi matanggap ang kanilang sinapit. Sila ang mga klase ng manliligaw na binigay naman lahat pero hindi pa talaga sapat. Sila yung mga "isnabero" sa mga babaeng bumasted sa kanila. Kung minsan naman nagpapanggap na okey lang ang lahat. Tamang kaway o bati lang kapag nakasalubong ang babae na bumasted sa kanya. Mga nakangiti lang pero deep inside: !@#$%^& bakit sa dinami-dami ng pwedeng makasalubong, ikaw pa?. Pero madalas, ang mga taong nakakaramdam ng "bitterness" ay hindi nila alam na "bitter" sila. Most of the time, mga kaibigan lang ang nagsasabi sa kanila nito.


     Mabalik tayo sa usapang FRIENDZONE. Alam naman natin na hindi lahat ng nanliligaw ay pwedeng sagutin, pero ano nga ba ang ilang dahilan kung bakit may nababasted? Dahil ba may iba ng nagugustuhan ? Wala siguro sa'yo ang mga katangian na hinahanap niya bilang isang future partner in life. O baka naman ikaw mismo ang nagbibigay ng dahilan sa kanya para ma-basted ka. I mean, sa paraan mo ng panliligaw. May mga paraan kasi ng panliligaw na medyo OA na o nakakailang. May mga tao din naman na okey lang sa kanila ang mga 'to. Depende na din sa nililigawan mo. Susubukan kong "hulaan" ang ilang paraan ng panliligaw na pwedeng maging dahilan kung bakit naba-basted ang isang tao (most of the time, lalaki).

     The Flash. Halos ilang linggo pa lang ang nakakalipas mula ng manligaw pero humihingi na ng resulta. Sila ang mga madalas magtanong ng "Kailan mo ba ako sasagutin?". Maswerte ka na kapag lumipas ang isang araw ng hindi ka niya tinatanong nito. Kung minsan naman, bago pa lang manligaw, nagtatanong na sila "Kung manliligaw ba ko sa'yo, may pag-asa ako?". Naks! Sigurista. May pagkakataon naman na kung saan tinatanong 'to ng habang nanliligaw: "May pag-asa ba ko sa'yo?". Madalas naman na hindi sinasagot ng babae ang mga tanong na 'to. Pero kung isa ka sa mga lalaki na nagtanong na nito bago ka pa man manligaw o habang nanliligaw ka, NICE MOVE PARE! APIR!

Sumunod naman ang tatawagin natin na The "Green" Goblin. Mga manliligaw na sobra kung maka-akbay. Mga malilikot ang kamay lalo na kapag nasa sinehan. Lalo na kung naka-pwesto sa KKK o Kataas-taasan, Kasuluk-sulukan, Kadulu-duluhang bahagi. Mga lalaki na gagawin ang lahat para maka "puntos" agad. Bagamat madami ng "open-minded" sa panahon ngayon, di pa din 'to sapat na dahilan para "kumulit' ka lalo na kung manliligaw ka pa lang.


     The Manager. Mga galanteng manliligaw. Sagot lahat ng gastos kapag may date. Pati pamasahe. Kasama din sa budget niya ang pamilya at mga kaibigan mo. May ilang babae na okey lang ang ganito pero may mga babae din naman na hindi. Ang iba kasi ay may "pride" sa sarili. Mga babae na sa isip-isip nila ay kaya din naman nila na maglabas ng pera. Di lahat ng bagay ay dapat sagutin ng manliligaw lalo na kapag kasama ang mga kaibigan. Baka kasi isipin ng mga kaibigan na "Sugar Daddy" ang hanap niya.


     Mr. Updated. Mga manliligaw na tanong ng tanong kung ano na ang ginagawa mo?, kumain ka na ba?, nasaan ka na?, sino kasama mo? at kung anu-ano pa. Daig pa nila ang magulang mo sa pagtatanong. Para sa mga lalaki, 'to ang paraan namin na ipakita sa inyo na concern kami, pero pag nagiging madalas na, medyo nakakailang na para sa mga babae. Dito nila maaaring sabihin na "nasasakal" sila.


     The Silent-Type Seloso. Mga manliligaw na ayaw makita ang kanilang nililigawan na may kasamang iba lalo na kung lalaki. Pakiramdam nila ay "karibal" nila sa panliligaw ang kahit sinong lalaki na tumatabi dito. Kahit bestfriend ng babae ay pinagseselosan. Para sa mga babae, madali mong malalaman kapag nagseselos na ang nanliligaw sa'yo. Naka-bukod yan sa inyong magkakaibigan, mga 5 to 10 meters away. Tahimik lang. Walang kibo sa buong oras na magkasama kayo. Ang swerte mo na kapag kinausap ka niya ng mga 10 seconds. Madalas di ka din agad itetext pag-uwi. Kung minsan, ikaw pa ang unang magtetext at magtatanong kung anong problema. Pagkatapos ay sasabihin na niya sa'yo ang kanyang mga "nararamdaman". Most of the time, huli na kung magsisi ang mga ganitong klaseng manliligaw. Magsisisi lamang sila at magso-sorry kapag nagalit na sa kanila ang kanila nililigawan.


     The Habagat. Sila ang mga gwapong manliligaw. Mga manliligaw na may maipagmamalaki pagdating sa pisikal na itsura. Dahil na din dito, masyado ng tumaas ang kanilang self-confidence. Pakiramdam nila ay hindi sila mababasted. Kaya naman akala nila ay lahat pwede na nilang gawin habang nanliligaw.
 
     Di ako sigurado kung yan nga ba ang mga dahilan kung bakit nababasted ang ilang lalaki (dahil hindi naman ako babae). Pero malay mo, tama ang ilan sa mga sinulat ko. Sa tingin ko, mas maganda kung ang mga babaeng makakabasa ng blog na 'to ay magbibigay ng kanilang mga comment. What do you think?

Monday, August 20, 2012

Do you believe in life? (after love.. after love..)

     Bago ako magsimula, let me just ask a favor para sa mga babasa ng blog na 'to. Kindly play the video sa baba nito. Para may background music ka habang nagbabasa. Salamat.


     This will be my first and maybe my last blog about love. Honestly, di ko talaga trip ang magsulat about this topic, pero for the past few months, I've heard multiple "break-up" stories mula sa mga friends ko. May mga nagkabalikan naman pero sa iba, mukhang its the end na of their love story. Don't worry, wala kang mababasa dito tungkol sa mga "break-up stories" na narinig ko. Wag lang sana lumabas na "chismoso" ako after mo mabasa ang part na 'to. For some reasons that I don't know (huh?!), napag-tripan ko lang magsulat about love. Idagdag ko na din, may (mga) nag-request din pala sakin na mag-blog about this topic.

     Usapang lovelife. Isa sa madalas na topic ng magbabarkada kapag nag-iinuman o kahit ordinaryong kwentuhan lang (lalo na ang mga teenagers). May mga masasayang istorya at meron din namang malulungkot.


     Paano nga ba madalas nagsisimula at nagtatapos ang isang "love story". Most of the time nagsisimula yan from being strangers. Minsan may ipinapakilala ang ating mga kaibigan. Then eventually, magiging friends na kayo, you will be a part of a one big barkada. As time goes by, there is also a chance na maging mag-bestfriend kayo. You will be his/her crying shoulder in times of need. As bestfriends, he/she will tell you more personal stories, share them with you. Then ayun na, di niyo namamalayan na nagkaka-developan na kayo. Then, magsisimula na ang isang "romantic relationship" between the two of you. (Excempted sa blog na 'to yung mga napupunta sa FRIENDZONE o yung mga hanggang kaibigan lang talaga). May mga nagkakaroon ng happy ending at para naman sa iba, ang pinakamalungkot na part ng isang love story, ang break-up.


     Bukod sa makatanggap ng failing grade (5.00) sa college, isa sa pinakamalungkot na mangyayari sa buhay mo ay ang malamang hindi ka na mahal ng bf/gf mo. After break-up, madaming pwedeng mangyari. May ilan na nagkakabalikan pa, lalo na kung medyo nadala lang ng init ng ulo o kaya naman ay nabigla sa mga pangyayari. Hindi lang nagkaintindihan at umiral ang "pride" ng isa't-isa kaya napunta sa hiwalayan. May ilan naman na nagmumukmok na. Marahil ay alam na nila sa sarili nila na wala na talagang pag-asa na magkabalikan pa. Sila yung mga madalas nagyayaya ng inuman o kaya naman ay biglang nagmimiss-call sa phone mo. 

     May mga taong madaling magmove-on at meron din namang hindi. Depende na din siguro sa tagal ng pagsasama. May mga taong na masyadong dinidibdib ang nangyari, yung mga feeling nila ay end of the world na after silang iwan ng kanilang bf/gf. Sila siguro yung mga nakadama ng "true love". Mga tao na madalas magkulong sa kwarto. Madalas mong makita na "namamaga" ang mata (kakaiyak). May mga pagkakataon din na naaapektuhan ang performance sa school. Kung minsan naman, hindi na pumapasok ng halos isang linggo. May mga tao din naman na nagtatangkang magpakamatay. Oo, meron akong kilala na nagtangkang kitilin ang buhay niya ng dahil sa love life. Certified "Emo". May ilan din naman na nagiging "friends" ulit pero meron din namang nagiging "bitter" (guilty!).


     Ngayon, balikan natin ang tanong, do you believe in life after love?. Oo naman. Kung nakaligtas ka man sa tangka mong pagkitil sa buhay mo dahil iniwanan ka ng bf/gf mo, congratulations!. Kung hindi ka man binigyan ng isa pang pagkakataon ng bf/gf mo, sigurado naman na tatanggapin ka pa din ng mga barkada mo. Mga barkada na mukhang nakalimutan mo noong busy ka sa love life mo. Although hindi mo naman sila totally nakalimutan, nabawasan lang ang mga bonding moments with barkada dahil mas priority mo na makasama ang 'yong bf/gf. Sigurado naman akong namiss mo din sila na makasama sa mga "gimik". Just like the old times, gagawin ulit ang mga "trip" na hindi na nagagawa kasama ka. Sila din ang tutulong sa'yo para makapag-move on. You can share your stories with them. May mga magbibigay payo sa'yo lalo na yung mga kaibigan mo na nakaka-relate sa nangyari sa'yo. May mga tunay na kaibigan ka din naman na tatawanan ka lang at aasarin ka pa. Paraan nila 'to para gumaan ang loob mo kahit konti. Simple lang naman ang kapalit ng lahat ng tulong na yan, ilibre mo lang sa sila okey na (true-story).


     May mga pagkakataon ka na din para makasama ang pamilya mo. Aminin na din natin na kung minsan ay nabawasan ang mga oras kasama sila noong may love life ka pa. Lalo na ang mga oras ng paglalaro kasama ang mga kapatid mo.

     May panahon ka na din para sa sarili mo. Magagawa mo na ang mga dating hilig mo. May mga bagay tayo na gusto na 'ting gawin pero dahil most of the time ay kasama natin si bf/gf, hindi na natin 'to nagagawa. Nabago ang ating mga "daily life routines" dahil sa love life.


     Kung sakaling tapos ka na magbasa at hindi pa tapos ang background music, mag-emote ka muna. Lakasan mo ang volume ng speakers mo para mas maganda. Alalahanin mo ang masasayang sandali kasama ang minamahal mo na iniwan ka. Pagkatapos, basahin mo ulit ang blog na 'to. Ulit-ulitin mo lang hanggang sa magsawa ka. Magsawa ka sa pag-alala ng mga bagay na nagbigay ng saya at sa huli ay nagbigay din ng kalungkutan sa'yo. Maybe your just remembering the good things na nangyari sa inyo kaya ka nalulungkot, try to look back again.

      

Sunday, August 19, 2012

PMOODS (Makalipas ang Dalawang Dekada 3.2)

     Pangalan ng grupo namin noong 4th year college. All-Boys Group. Mula sa mga unang letra ng aming apelyido ang PMOODS. Pantal, Mahusay, Ocampo, Ortha, De Leon at Silva.

Drew

      Pantal, Toni Andrew - Ang "Front Man" ng grupo. Kung panglabas na itsura ang pagbabasehan, pwede na siguro ilagay si Drew sa No. 1. Tinawag ko na Front Man dahil madalas na siya ang unang pinapaharap namin sa mga panelist kapag may defense kami. Yung pinaka good-looking muna ang hinaharap namin pampa good-vibes. Inasahan din namin na si Drew ang magiging "Financer" ng aming grupo. Subalit nabigo kami. Sana pala ay di na kami umasa.


     Mahusay, Eddieson - The Analyst. Madaming pananaw sa buhay. Madaming "pinaglalaban". Malaki ang naging tulong ng "malalim" niyang pag-iisip (pag-analyze) para sa mga defense namin. Sumikat din siya sa pagiging "Spiderman". Nahuli siya minsan na umaakyat sa bubong ng UAC na aming pamantasan. Isang "Buzzer-Beater" (explain ko mamaya kong ano 'to). Blogger din siya. I-click lang ang kanyang pangalan para mapunta sa kanyang blog.


     Ocampo, Jay Wilfred - Ang main-programmer ng grupo. Boy kulot. Madalas masita ang kanyang buhok sa tuwing nagde-defense kami. May "natural talent" pagdating sa programming pero tamad lang talaga. "Buzzer-beater" din siya ng grupo. Siya ang madalas na huling dumarating sa call time. Nakatulog ang madalas na dahilan kaya nahuhuli. Kagaya ni Eddieson, mahilig din siyang umakyat sa iba't-ibang parte ng aming pamantasan. Blogger din. Just click his name para mapunta sa blog niya.


     Ortha, Aaron George - Mr. Friendship. Ang pinaka-friendly sa grupo. Karamihan ng estudyate ng CSD Department (lalo na kapag babae) ay kilala niya. Kung sense of humor lang din naman, pwede na sigurong ilagay sa rank 1. Nanalo din siyang Mr. News Feed. Fashionista. Ang kanilang bahay ang palaging venue kapag may overnight kami. Madalas mong makitang online ang lalaking 'to. Higit siyang nakilala ng nakipag suntukan siya sa labas ng pamantasan ng dahil sa DOTA. Oo, tama ang nabasa mo, dahil sa DOTA. Pero just to make it clear, di si Aaron ang nagsimula ng "away". Blogger din siya. Click mo lang ang pangalan niya para mapunta sa kanyang blog.

Jerome

     De Leon, Jerome D. - Its me,the author of this blog. Ako ang naging leader ng PMOODS. Taga-assign ng gagawin. Taga-text sa mga ka-grupo kapag may overnight. Tagapagbigay ng "pressure" sa mga programmer. Taga-sita ng mali. Taga-attend ng General Assembly (GA) bago mag defense. Taga-gawa ng visual aids. Mahirap maging leader ng grupong 'to. Taga-salo ka din ng sermon ng grupo kapag hindi nakapag defense dahil late. Ang pinakamahirap na parte ng pagiging leader ng PMOODS ay ang pag-control sa oras ng pagdodota.

Nap-nap

     Silva, Isachar Yves - Nap-nap. The Late Programmer. Katulong siya ni Jay sa pagpo-program. Pero sa bandang huli na siya ng semester nakatulong kay Jay. Di ko alam kung bakit. Ang may pinakamagandang "penmanship" sa grupo. Pinakamagaling din sa grammar at spelling. Mahilig sa music. Dating mahilig sa rock music subalit nalipat sa K-POP. Mahilig sa jacket. Mahilig sa C2. Higit sa lahat magaling siyang mag-Dougie. (Sample! Sample! Sample!).

Know more about PMOODS:

     We are pro-crammers. Mahilig kami gumawa ng last-minute. Actually, ilan sa mga projects na pinapasa namin ay ginagawa namin for about 5 - 6 hours lamang. During overnight na namin ginagawa ang lahat. For example, we need to submit a project ng Friday at 9:00AM, magkakaroon kami ng overnight and usually gagawa kami kapag 2:00AM na. Mabilisan. Di ko alam kung paano namin 'to nagagawa pero most of the time ganito ang nangyayari.


     Time-management. Madalas kaming hindi nakakapag-defense dahil late kami sa call time. After overnight namin, some of our members including Jay, Eddieson and Nap ay umuuwi pa muna ng madaling araw. Ang iba naman ay diretso na sa school. Di pwedeng mag-submit ng "docu" kapag hindi kumpleto ang mga members ng grupo, kaya kailangang maghintay. Nakakaabot si Nap sa call-time pero madalas mahuli si Jay at si Eddieson. Kung umabot man si Jay o si Eddieson, madalas ay ilang minuto na lang ang natitira sa call-time kaya tinawag namin silang mga "Buzzer-Beater". Salitan si Jay at si Eddieson sa pagiging huli.


     DOTA. Ang bestfriend ng lahat ng kalalakihan at no. 1 karibal ng kababaihan (kapag may bf). Bukod sa PMOODS, may mga kasama pa kaming ilang tropa. Kapag wala kami sa loob ng pamantasan, makikita mo lamang kami sa isa sa mga computer shops malapit sa school. We will always find time to play Dota. Kahit isang oras lang ang "vacant" kalimitan ay naglalaro pa din kami. Madalas ay nahuhuli kami sa klase dahil dito (minsan ay di na pumapasok). Meeting place namin ang computer shop sa may likod ng SM Manila kapag may overnight kami. Naglalaro muna kami bago pumunta kanila Aaron (venue namin for overnight).


     Puso lang. Tiwala lang sa sarili. Ito ang aming sandigan lalo na kapag alam namin sa sarili namin na hindi namin masyadong napaghandaan ang isang project. Lalo na sa defense. Puso lang. Everything is under control. Blessings in disguise ang karaniwang pampalubag-loob namin kapag hindi kami nakakapag-defense.  


     Kapag may overnight kami, madalas ay gumagawa kami ng 2:00AM, kahit maaga kami nakakarating sa kanila Aaron, ilang oras din ang napupunta lamang sa kwentuhan at food-trip. Nagsisimula din kami ng ganitong oras dahil madalas ay sa ganitong oras din dumadating si Jay, ang aming main-programmer. May trabaho kasi siya kaya madaling-oras na din siyang nakakarating.


     Kapag nagkatamaran at walang overnight, mag online lang sa facebook ang nagsisilbing "alternative" namin. Mag-uusap kami gamit ang chat or post sa group namin sa facebook. Send lang ng mga nagawa  sa e-mail. At ayun, bahala na ulit kinabukasan. Puso lang!.


     No Retreat No Surrender!. Kapag defense, mapilit kami lalo na si Eddieson. As long as alam niya na tama ang sinasabi niya, pipilitin niyang makumbinsi ang mga panelist na tama ang "ipinaglalaban" niya. Kaya masasabi ko na "interactive" ang defense namin. Ang tanging nakapagpapatigil lamang samin ay kapag nanghihingi na ng supporting documents ang mga panelist at wala kaming maipakita. Pero still we will present ang aming problem with enough supporting documents on the next defense. 


     "Bitter" din kami kung minsan. Lalo na kung alam namin na we deserve more mula sa output na nagawa namin. We made a lot of discussion right after a defense. Pero kapag nakakadama kami ng "Bitterness", DOTA lang ang katapat niyan. Mabilis kaming magkapag move-on. Bawi na lang next time.


Saturday, August 18, 2012

Dream Team (Makalipas ang Dalawang Dekada 3.1)

     Hindi 'to tungkol sa 1992 United States men's Olympic Basketball Team na kinabibilangan ni Michael Jordan. Ang Dream Team ay pangalan ng aming group noong nasa college pa ako (pero noong 4th year  lumipat ako sa ibang grupo for some personal reasons). PMOODS ang pangalan ng nilipatan kong grupo (gagawa din ako ng blog about us). Pero para sa Dream Team, hindi 'to basta pangalan lang ng grupo. Hindi 'to basta grupo na binubuo ng pito (7) hanggang (8) miyembro na kailangan magpasa ng project sa mga professor. At mas lalong hindi 'to isang "fraternity" sa college.



     Actually, hindi naman talaga Dream Team ang original name ng grupo namin. We call it as The Bitter Society (TBS). Isang pangalan lamang 'to ng barkadahan. Sa totoo lang, ako ang gumawa ng pangalan ng grupo. May kaklase kasi kami dati noong 2nd year college kami na sobrang kinaiinisan ng karamihan samin (kasama na ako). And then, one night, nag-send ako ng mga message sa mga kaibigan ko. Ang mga makaka-receive ng message kong yon ang mga "official member" ng The Bitter Society. Madami kaming magkakaibigan noon, as in one big barkada talaga. Habang tumatagal, nadaragdagan din ang aming mga kaibigan. Mas madami, mas masaya.



      Nasa 2nd year college din kami ng magsimula ang mga "groupings". Kailangan lamang ng limang (5) miyembro bawat grupo. Sa dami naming magkakaibigan, naghahati-hati kami ng grupo. Ang naging ka-grupo ko ay sina Lexter, Toni Andrew, Roselyn at si Zsarmaine. Kailangan naming gumawa ng pangalan ng grupo. Naisip naming mga lalaki ang pangalang Dream Team. Di naman sa wala kaming tiwala sa mga sarili namin pero talagang kabaligtaran ng meaning ng Dream Team ang nasa isip namin noong mga panahon na yon. Reverse psychology in other words. Dito na unang nag-exist ang Dream Team. To be honest, di maganda ang naging output ng unang Dream Team. (Wala kaming picture ng unang Dream Team).


     Third (3rd) year college, may mga groupings pa din naman pero mas madami ng members, Sa pagkakataon na 'to, nabuo na ang talagang Dream Team. Bawat miyembro ng grupo ay talagang may ginagawa. May kanya-kanyang "specialty". Madaming naging projects. Madaming hirap ang pinagdaanan. Sa kabila nito, maganda ang mga naging "ouput" ng aming grupo. Proud akong naging leader ng Dream Team.


     Mas nakilala pa ang Dream Team pagdating ng 4th year college. Sad to say, lumipat ako ng grupo (personal reasons). Credits to Mr. Angelo Tupaz na programmer ng grupo. Siya din ang naging "Best Programmer" para sa Information Technology. Idagdag na din natin ang "Best Thesis". Mas maganda ang naging output ng Dream Team na 'to kung ikukumpara sa mga nakalipas na taon. Sila din ang nakakuha ng award para sa "Best in DBMS".


     Masaya maging part ng Dream Team. Not only because of the good outputs sa mga mga school projects, but also yung mismong "bonding" moments ng barkada. Mahilig kami mag-videoke, madaming mahilig kumanta pero konti lang ang may talent sa pagkanta. Madalas din kaming maglibot sa mga mall, as in libot lang talaga. Kumain sa mga fastfood chains. Naaalala ko pa dati kapag birthday ng isa sa aming mga kaibigan, bibili kami ng cake at regalo para sa kanya. Mahilig din kami sa picture-taking (obvious naman di ba?). Credit to Ms. Roselyn Cortez para sa mga pictures. Si Mr. Christian Branzuela naman ang nag-edit ng karamihan ng pictures na makikita niyo sa blog na 'to. Di naman ata maiiwasan sa isang barakda ang may magka-inlaban. Yes, may mga nagka-inlaban din sa grupo namin (and I'm one of them). Pero di ako magdi-discuss dito about love life (how sad). Di man kami sabay-sabay nag-martsa noong nakaraang March 2012, still, walang pinagbago sa pagkakaibigan.  
     

     Salamat kay Mr. Marcelo Santos III. Ini-edit ko  lang ang mga lines para mas personalized pero ang talagang original na gumawa ay si Mr. Marcelo Santos III. Through the Years ni Mr. Kenny Rogers ang ginamit kong background music sa video para mas "nakakaiyak".


     As of now, kanya-kanya na "muna" kami ng pinagkaka-abalahan. May mga may trabaho na at may ilan din naman wala pa. May mga naging ina na and we wish them all the best and luck in this world. Sa kabila ng lahat na mga 'to, we will be "barkada for life". Looking forward sa next bonding ng Dream Team. 



Wednesday, August 15, 2012

Da Moves...

     Halos lahat ata ng bata ay mahilig sumayaw. Basta naudyukan ng mga magulang o kahit sinong tao sa paligid na sumayaw, ay sasayaw agad ang bata. Kahit palakpak at boses lang ang nagiging background music, pwede na.

     Sa maniwala ka man o hindi, hilig ko ang pagsayaw. Sa paglipas ng panahon, nagbago din ang mga "beat" ng musika na ginagamit sa pagsasayaw. Noong nasa pre-school ako (prep at kinder), nauso ang mga kanta ng Aqua kagaya ng Lollipop (Candyman), Dr. Jones at Barbie Girl. Halos lahat ng bata noon ay alam ang mga "dance steps" ng mga kantang 'to. Mas trip ko sayawin yung Dr.Jones pero sinasayaw ko din minsan yung Barbie Girl. My heart goes shalala-lala (clap-clap-clap), shalala in the the morning. Lyrics yan ng kantang Shalala ng Dreamhouse. May version din ang Vengga Boys ng kantang 'to pero mas maganda pa din ang original version para sa'kin. Sino ba naman ang makakalimot sa kantang Macarena?. Lahat ata ng bata pati na matatanda ay alam ang dance steps ng kantang 'to na pinasikat ng Los de Rio. Eeeehh.. Macarena.. Aaaayyyytt! 


     Noong nasa elementarya naman ako ay nauso ang mga kantang Asereje o The Ketchup Song in English. Kinanta 'to ng Spanish Pop Group na Las Ketchup. Sumikat ang mga "Hand Moves" ng kantang 'to. Isa pang sumikat ang kantang Bop it. Di ko alam kung sino ang original na kumanta. Base ata ito sa laruan na nauso noong dekada 90. You have to push it, pull it, snap it, twist it, spin it, kick it and bop it. Nabanggit na din natin ang tungkol sa mga laruan, isama ko na dito ang mga "Dance Machine" na tinatawag din na "Dance Revolution". Parang isang arcade game 'to na pang-sayaw. Kailangan mong gamitin ang 'yong mga paa. Nakakalibang 'to lalo na kapag may kasama kang naglalaro (2 player mode).


Las Ketchup while doing the Asereje Hand Moves


Bop it Toy


Dance Machine


      Isama ko na din dito ang "Ito ang beat sabay-sabay" moves. Di 'to sayaw. Mga hand movements 'to na pinasikat ng commercial ng Coca-Cola. 

Ito ang beat sabay-sabay
Ito ang beat bawal sablay
Pabilis ng pabilis
Wag magmi-miss, wag magmi-miss, 
Gets mo na? gets mo na? *Ahhh*
Coca-Cola! 
Nalilito, nalilito, 
Nahihilo, nahihilo, 
Coke ko 'to! Coke ko 'to! Coke ko 'to! 
(paunahan sa pagkuha ng Coke na nasa harapan).



     Madaming gangstah' noong highschool ako kaya naman nauso ang Harlem o Crip-Walk. Deborak-Deborak-Deborak-Deborak. Left-Right-Left-Right-Left-Right ......



     Rock it - Master P ang madalas gamitin na music sa Harlem o Crip-Walk. Kabilaan ang "Crip-Walk Battle" sa aming paaralan noon. Isama mo na din ang mga "Crip-Walk Contest" tuwing fiesta. Karaniwan ng natatapos ang "Crip-Walk Battle" sa suntukan. Asaran kasi dito gamit ang malulupit na mga dance moves. Kapag napikon ka, talo ka na. Nakahiligan ko din 'tong sayawin dati at nakasali na din ako sa ilang "Crip-Walk Battle" pero sa mga street lang. Ilan din sa mga battle na 'to ang nauwi sa suntukan. Aaminin ko na sa tuwing napapakinggan ko ang kantang Rock-it ay napapa-sayaw pa din ako. (Sample! Sample! Sample!).



     Kung marunong kang mag "Crip-Walk" noong nasa highschool ka, malamang ay marunong ka din mag-Dougie. Recently lang nauso ang Dougie moves. Sumikat 'to dahil sa kantang Teach Me How To Dougie ng Cali Swag District. Sa ngayon, madami ng kanta ang pwedeng gamitin kung gusto mo mag-Dougie. 


     Kung tutuusin, madali lang naman mag-Dougie. Wala naman eksaktong porma ang Dougie. Basta kaya mong sabayan ang "beat" kanta ng paggalaw ng katawan mo. Konting sway ng kamay at bend ng knees. Sabay mo ng paggalaw sa kaliwa at kanan, pwede na. Actually, nagmula ang Dougie sa galaw ng isang 1980's rapper na si Doug E. Fresh. Sa kanya na din marahil ibinase ang tawag na Dougie para sa sayaw. Hindi pa naman talagang "Dougie" ang ginagawa noon ni pareng Doug E. Fresh pero may pagkakahawig. Noong taong 2007 naman, pinasikat ng rapper na si Lil Will ang kantang "My Dougie" at dito ipinakita ang mga nakikita mo ngayon na Dougie moves. Ang Dougie moves ay karaniwang sinasamahan ng isa pang galaw na tinatawag na Cat Daddy. Para ka lang nagsasagwan sa Cat Daddy.







Tuesday, August 14, 2012

Ang Nakaraan...

     Nauna ko ng nagawan ng blog ang tungkol sa mga super-robot na anime na ipinalabas sa Pilipinas noong dekada 90. Naisama ko doon ang Voltes V, Daimos, Mazinger Z, Gundam at Voltron. Naisipan ko din na idagdag ang mga iba pang anime na ipinalabas noon. Hindi ko na isinama ang mga palabas na patuloy pa din nating napapanood hanggang sa ngayon kagaya ng Dragonball, Ghost Fighter, Samurai X, Slam Dunk at ang di maubos-ubos na mga Pokemon. 

     Bago ko ilathala (naks!) ang mga anime noong dekada 90, nais kong pasalamatan ngayon pa lang ang mga malalaking TV station sa Pilipinas na nagdala sa 'tin ng mga palabas na 'to. Kung hindi dahil sa kanila, hindi magiging ganito kasaya ang ating panonood noong mga bata pa tayo. At kung hindi din dahil sa kanila, wala ka sigurong mababasa na blog tungkol dito (malamang).

     Sabi nga nila "Ladies First", kaya naman uunahin ko ang mga palabas na pinagbibidahan ng mga babae. Hindi dahil mga babae ang bida sa mga palabas na 'to ay sila lang din ang mag-eenjoy sa panonood nito. Sa katunayan, pati mga batang lalaki ay nawili din sa panonood ng mga ito (kasama ako).



     Sa kalagitnaan ng dekada 90 ipinalabas ang Sailor Moon. Ito ata ang kauna-unahang palabas na nagbida ng mga babae na lumalaban sa mga masasamang loob kabilang na ang mga halimaw. Bida dito ang mga "Sailors" na ipinangalan sa mga planeta at kung anu-anong mga bagay sa universe. Malamang ang bida ay si Sailor Moon, Usagi Tsukino ang tunay niyang pangalan kapag di siya naka-costume. Sikat na sikat ang mga linya niyang "Sailor Moon, make-up" na madalas gayahin ng mga batang babae noong dekada 90.


     Kasunod nito ay ang Magic Knight Rayearth. Pinagbibidahan naman ito ng tatlong dalaga na sina Hikarou Shidou, Umi Ryuuzaki at Fuu Hououji. Kung ang Sailor Moon ay ipinangalan kasunod sa mga planeta, sa Magic Knight Rayearth naman ay mga elemento kagaya ng apoy, tubig at hangin. Si Hikarou ang Magic Knight of Fire, Umi ang Magic Knight of Water at si Fuu naman ang Magic Knight of Wind. Astig sila dahil mayroon silang mga "robot" bawat isa. Sikat din ang kanilang opening theme song. Sa katunayan, mayroon itong tagalog version.


     Neon Genesis Evangelion. Para silang mga female version ng Gundam. Tinatawag na Evangelion ang mga higanteng "humanoids" na 'to. Piling mga teenagers, na karamihan ay babae, ang nagiging piloto ng mga Evangelions. Bukod sa mga sexy na costume ng mga babaeng bida sa palabas na 'to, maganda talaga ang story-line ng anime kaya madami din ang naging tagasubaybay.


     Maari na din sigurong isama ang Akazukin Cha-Cha. Parang little-red-riding hood inspired ang palabas na 'to. Pinagbibidahan ito ni Cha-Cha at ng kanyang mga kaibigang lalaki na sina Riiya at Shiine. May magical bracelet si Riiya at magical ring naman ang kay Shiine. May magical pendant naman si Cha-Cha. Kailangan nilang banggitin ang mga salitang Love, Courage and Hope para mag-transform si Cha-Cha bilang isang dalagang prinsesa na kumakalaban sa mga masasama. Hindi maaaring magbagong anyo si Cha-Cha kung hindi sila kumpletong tatlo.

     Kasunod naman ng mga palabas na pinagbibidahan ng mga lalaki. Ito yung mga itinuturing ko na talagang mga "Astig" na anime noong dekada 90. 



     Unang-una sa listahan ko ang hindi mahuli-huli na si Lupin III. Kasama ni Lupin sa kanyang pagnanakaw sina Daisuke Jigen, ang kanilang marksman o gunner; si Goemon Ishikawa XIII, isang thirteenth-generation ng renegade samurai., in short siya ang swordsman ng grupo; at si Fujiko Mine, ang maituturing na leading lady ni Lupin.



     Ang itinuturing na Demon Child na si Zenki. Si Zenki ay nasa anyong bata subalit dahil sa kapangyarihan ng bracelet ni Chiaki (bidang babae sa Zenki), nagagawa ni Zenki na bumalik sa kanyang tunay na anyo. Tinatawag nila ang isang "Dakilang Bajula" (kung tama ang pagkaka-alala ko). Gamit ni Zenki ang mga "Kuko ni Diva" (tama ba?) para talunin ang kanyang mga kalaban.



     Isunod naman natin ang Virtua Fighter. Pinagbibidahan naman ito ni Akira Yuki. Sikat na sikat ang kanyang paglalagay ng banda sa ulo habang may sinasabi (nakalimutan ko na yung mga linya niya eh). Gumagamit siya ng martial-art skill na kung tawagin ay Bajiquan. Sikat din dito ang kanyang mga "tutorial" pagkatapos niyang gamitin ang isang technique ng Bajiquan.



     Sa palabas na Fushigi Yuugi naman ay mas madalas ang drama kaysa sa mga "fight-scenes" pero astig din. Umiikot ang istorya nito sa love-story ni Miaka Yuki at ni Tamahome. 


     Ang Trigun naman ay pinagbibidahan ni Vash The Stampede. Isa siyang expert na marksman. Mayroon siyang dalang malaking baril sa kanyang likod subalit bihira niya 'tong gamitin.



     Ang BT'X. Pinagbibidahan ito ni Teppei na mayroong "Messiah Fist". Isa itong cybernetic gauntlet weapon. Nakasakay siya sa parang bakal na kabayo at nakasuot ng armor.

    Idagdag naman natin sa mga listhan ng mga palabas noong dekada 90 ang mga sumusunod:



     Time Quest. Ito ay tungkol sa adventure ng dalawang magkaibigan sa iba't-ibang mundo gamit ang time-travelling na Takure (kettle). Nakakatuwa ang palabas na 'to dahil sa pinakitang iba't-ibang level ng sense of humor ng mga character.


    Ang Yaiba naman ay tungkol sa isang batang swordsman na may "weird" na grupo.


     Bago pa man sumikat si Chef Boy Logro, mayroon na tayong hinahangaan na batang "cook". Siya ay si Liu Mao Shing o mas kilala sa tawag na Cooking Master Boy.


     Bukod sa mga di maubos-ubos na Pokemon, kasabay nito ang mga Digimon o ang mga Digital Monster. Nag eevolve din sila gaya ng mga Pokemon subalit tinatawag nila itong "Digi-volve" o "Digi-volution". Mas mabilis silang mag "digi-volve" gamit ang mga "gadget" ng kanilang trainer.



     Monster Rancher. Main-goal ng mga bida dito ang paghanap sa "Phoenix". Isang "Holy-Monster" na tanging makakatalo sa kalaban na si "Moo".

     May mga palabas din naman noong dekada 90 tungkol sa mga batang naulila ng mga magulang. May mga batang laki sa hirap at may mga mayaman. Karaniwan nilang nagiging kaibigan ang kanilang mga alagang-hayop. 

Tom Sawyer


Nobody's Boy Remi



Sarah : Ang Munting Prinsesa


Cedie : Ang Munting Prinsipe



Heidi