Tuesday, October 9, 2012

Find someone like....

     Recently sa Twitter ay nag trend ang topic na #HowToMakeARelationshipLast. Pagkatapos ay nag tweet ako susubukan kong gawin na topic 'to for my next blog. For the few hours after kong mag-tweet, napaisip ako na parang masyadong mahirap ang topic na 'to kaya medyo iibahin ko na lang. Medyo lang naman.


     How to make a relationship last. Para siguro mangyari yan, mas maganda kung sa una pa lang ay ang "right person" na ang mahanap mo. Kaya naman naisipan ko na lang na gawing topic ay kung anong klaseng tao ang dapat mong hanapin para magkaroon ka ng "long-term" or even "lifetime" relationship. Bukod sa mas madali (para sa'kin) isulat ang topic na 'to kaysa sa "How to make a relationship last", wala talaga akong idea kung papaano magkakaroon ng isang long-term relationship dahil personally, hindi ko pa nararanasan yan. So tama na sa mahabang introduction at simulan na ang ilan sa mga naiisip kong "klase" ng tao na dapat mong hanapin para magkaroon ka ng hinahanap-hanap mong long-term or even lifetime relationship.


     Subukan mong hanapin ang taong may ugali na kabaligtaran ng sa'yo. Sabi nga, opposite attracts. Totoo yan (para sa'kin). Kung madaldal ka at mahilig ka magkwento, hanapin mo ang taong tahimik lang pero marunong makinig sa mga kwento mo. Handang makinig sa masasaya mong istorya at pati na din sa mga madrama mong kwento. Pero hindi sapat na marunong lang makinig, dapat marunong din siyang mag "respond". Respond in a way na bibigyan ka niya ng mga idea niya tungkol sa mga nangyayari sa'yo. Nagbibigay siya ng mga"advices" kahit hindi ka nanghihingi. In that way, malalaman mo na interesado siya na malaman ang mga bagay na tungkol sa'yo.


     Maghanap ka ng taong friendly. Most of the time kasi, sila ang mga klase ng tao na hindi seloso or selosa. Paano ko nasabi? kasi alam nila at naiintindihan nila ang pangangailangan mo na makipag-socialize sa mga tao at mga kaibigan mo. May ilan kasing mga tao na kapag naging bf/gf mo na, nagiging "possessive". Kapag may lumapit na ka-opposite sex, nagseselos agad at pati mga kaibigan mo ay pinagseselosan na. Lalong-lalo naman kapag bestfriend mo na ang kasama mo. So kung friendly siya, maiintindihan niya ang mga ginagawa mo. Maiintindihan niya na hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo. Mayroon ka ding mga kaibigan na kung tutuusin ay mas una mo pang nakilala kaysa sa kanya.


     Try mo na din humanap ng taong hahayaan kang gawin ang gusto mong gawin. May tiwala sa kakayahan mo. Alam niya na hindi mo kailangan ng mga payo dahil alam niya na alam mo ang ginagawa mo. Rerespetuhin ang bawat idea mo sa mga bagay-bagay. Hahayaan kang sumaya at makadama ng lungkot sa sarili mong paraan. Hahayaan kang matuto mula sa mga karanasan mo. Marunong maghintay at naniniwala na babalik ka din. Pero siyempre, sa kabila ng pagiging "maluwag" niya sa'yo ay nariyan pa din siya para magsilibing "guide" mo.

     May mga tao kasi na hindi naman talaga kailangan ng mga "advice" from their friends, they need "guide" lang mula sa mga taong alam nila sa susuportahan sila sa mga gusto nilang gawin.

     Alam ko na sa panahon ngayon, mahirap ng hanapin ang mga ganyang klase ng tao pero trust me, may mga ganyan pang klase ng tao. Very rare na kung tutuusin pero natutuwa akong malaman na may mga tao pa din na may ganyang mga characteristics sa panahon ngayon. Take your time lang. Hindi kailangan na magmadali. Sa tingin ko naman wala kang deadline na hinahabol para magmadali sa pagkakaroon ng lovelife di ba?. Pero huwag mo naman masyadong seryosohin ang paghihintay. Hanap-hanap din. Mas maganda kung parehas kayo na hinahanap ang isa't-isa. Sayang kasi ang oras kung naghihintay ka lang. 

2 comments:

Mau said...

Ako firm believer na walang Mr./Ms. Right. :)) Ang mahalaga you make yourself the person the person you are looking for, looking for. HAHA. I-gets mo yan kuya! Sa 20 years ko sa mundo narealize ko na hindi tayo magiging masaya kung "hahanapin" natin yung taong gusto natin, kasi inevitable na in time magbabago din sila, hindi na natin sila gusto. Pero kung sa sarili natin alam natin na "loving person" tayo, and in a more religious perspective, winawangis natin yung sarili natin kay God, matutunan nating mahalin at mapatawad yung taong makakasama natin habang buhay, kahit anong gawin nila. ;)

Unknown said...

gets ko lahat ng sinabi mo :) salamat sa comment :)

Post a Comment