Sunday, October 21, 2012

#DyanNagsisimulaYan...

     Trending recently lang sa twitter ang #DyanNagsisimulaYan kaya just like the old times, naisipan ng mga blogger friend ko na gawin 'tong blog topic. Susubukan kong ilista ang ilan sa mga alam kong "style" o "galawan" ng mga lalaki para mapalapit sa babae na gusto niya.


     #DyanNagsisimulaYan sa mga simpleng chat ng "Hello" or "Hi" sa facebook. Pero bago mo ma-chat ng "Hello or Hi" si Ms. Beautiful, kailangan mo muna siyang i-add sa facebook. Kapag may type na babae, karamihan sa mga lalaki ay hahanapin agad sa facebook ang account ni Ms. Beautiful. After na magsend ng friend request ay mananalangin na sana ay i-accept agad. May mga desperado kung minsan na nag-iiwan pa ng message na "pa-accept me please". Kapag maayos na ang lahat, sunod na gagawin ay aabangan kung kailan naka-online sa Ms. Beautiful. Kapag naka-online na, magdadalawang-isip pa kung minsan. May nginig factor pa sa pag-type ng "Hello" or "Hi", pagkatapos ay mag-iisip for about 5 seconds kung pipindutin ang Enter.


     May "Thrill-Factor" pa kung minsan kapag nakita mo sa chatbox mo na "Ms. Beautiful is typing a message". Sarap ng feeling kapag nag-reply siya sa chat mo. Pagkatapos ay bahala ka na sa diskarte mo kung paano mo "dadalhin" ang usapan. Ikaw ang unang nag-chat kaya ikaw ang dapat na mag-open ng topic. Sabi nga sa kanta, "Love begins with one hello".

     #DyanNagsisimulaYan sa having a common friends. Moment na bigla niyang masasabi sa usapan ang isang friend mo na friend niya din pala. Pagkatapos ay magseset kayo ng schedule to hang-out with your common friends and then diskarte mo na.

      #DyanNagsisimulaYan sa mga "comfort". Sa simula pa lang talaga ay ito na ang gusto kong ilagay. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil "common" na. Ang babaeng malungkot ay madaling mahulog sa lalaking magaling mag-"comfort". Hindi ko alam kung totoo dahil hindi naman ako babae.


     Natural na sa mga lalaki ang mag-"comfort" sa mga babae kapag may problema. He will make you feel better. Lagi siyang nariyan kapag kailangan mo ng kausap. Good-Listener and magbibigay pa ng advice kung minsan. Sa una ay puro "sama ng loob" lang ang ibabahagi mo sa kanya pero as time goes by, hindi mo na namamalayan na naibabahagi mo na din ang iba mo pang kwento. Hindi mo na din namamalayan na mas madalas mo na siyang kausap.

     May iba na "comfort" lang naman talaga pero hindi na din maiiwasan na ang isa ay magkagusto. Know your limits. Pwede namang umiwas habang maaga. Mabuti sana kung ganyan ang scenario pero kung sa simula pa lang ay may "intention" na, ibang usapan na. For girls, its more on knowing yourself. Knowing kung kanino mo mas "feel" or kanino ka mas masaya. Kung ma-inlove ka man sa nag-"comfort" sa'yo, atleast alam na natin na #DyanNagsisimulaYan.

     

See the difference...

     Time-out na muna ako sa mga seryosong topic about life and love. Sa title pa lang ay sigurado akong alam mo na ang nilalaman ng blog na to. Pagkakaiba o pagbabago mula noong bata na paglalaro lamang sa kalsada ang alam hanggang sa pagiging estudyante at pagkakaroon ng trabaho. Wala na akong maisip pa na maaaring ilagay para sa introduction kaya simulan na natin.

Baby at Bata (1 to 4 years old)....

     Para sa mga baby na nasa edad 1 hanggang 2 taong gulang, wala ibang ginagawa kung hindi ang matulog, umihi sa diaper, umiyak, humingi ng pagkain o gatas at maglaro. Madalas na karga ng magulang o nasa "stroller" kapag namamasyal. Nasa loob lang ng crib halos buong araw. Para naman sa edad 3 hanggang 4 na taong gulang, madalas maglaro kasama ang mga ka-edad na kaibigan sa kalsada, umiyak, kumain at matulog. Kung anak mayaman ka naman, malamang at nasa loob ka lang ng bahay at nanonood ng pambatang palabas o kaya naman ay naglalaro ng laruan kasama ang mga kapatid at magulang.

Buhay-estudyante (Elementary Days)...

     Gigising ng madaling-araw. Makikipagtitigan ng halos 10 minutes sa almusal bago kumain. Papakiramdaman ang lamig ng tubig ng halos 10 minuto bago maligo. Nasa paaralan ng halos kalahating-araw. Uuwi. Pagkatapos kumain ng tanghalian ay required kang matulog para daw tumangkad. Pagkagising ay gagawin ang takdang-aralin kung mayroon man. Pagdating ng 4:00 pm ay bubuksan ang T.V. para manood ng Voltes V, Ghost Fighter at Dragon Ball. Pagkatapos ay lalabas ng bahay para makipaglaro at gayahin ang mga napanood sa T.V. Uuwi ng mga 6:00 pm, kakain at matutulog. Tuwing weekends ay kadalasang maglalaro lang at manonood ng T.V.

Buhay-estudyante (Highschool Days)...

     Halos katulad pa din ng lifestyle noong elementary pa pero madaming nadagdag. Sa paaralan, halos buong araw ka ng nasa paaralan. Busy kung minsan dahil sa mga extra-curricular activities. Regular ang bonding ng klase dahil sa mga cheering competition at choric interpretation. Dito nauso ang larong DOTA. Pagkatapos ng klase ay diretso sa computer shop para maglaro. Last subject kung tawagin namin dati. Ang iba naman ay pupunta sa mga mall. Mapalad kapag nakapasok dahil kadalasan bawal ang mga highschool students na pumasok sa mall. Kadalasang dahilan ay ang pagiging "war freak" daw ng mga highschool students. Lalo na kapag may nakasalubong na estudyante mula sa "kaaway" na paaralan. School-Rivalry daw pero hindi sa sports, suntukan version. Isama ko na din sa highschool days ang pagkakaroon ng lovelife. Hindi ko na masyadong ipapaliwanag dahil hindi naman tungkol sa love ang blog na to'.

Buhay-estudyante (College Days)...

     Lets just make it short. Summary na lang. Stress at puyat. Dalawang salita na tatatak sa isipan mo pagdating ng college. Saglit lang ang schedule mo kung iisipin pero halos 24 oras kang mag-aaral lalo na kapag graduating student ka na. Overnight dito, overnight doon. Wala ng uwi-uwi pa. Pagkagaling sa pamantasan, diretso na sa bahay ng kaklase pagkatapos ay balik na ulit sa pamantasan. Uuwi ka lang kapag wala ka ng budget. Uuwi ka lang para kumuha ng mga damit. Dahil yan sa mga defense.


     Kung social-life naman ang pag-uusapan, hindi ka mawawalan dahil ang mga overnight ang nagsisilbing bonding moment mo with your groupmates. Celebration every after ng defense. Inom at party-party. Gimik daw pero limited ang budget. Wala pang trabaho kasi. Mapalad na kami kapag may galante kaming kaklase na mag-aambag ng malaki. Pero madalas, wala. Kaya ang gagawin na lang ay hahanap ng bahay na pwedeng gawing venue at ambagan kahit 50 isang tao. magkakasya na yan. Dota na lang kung minsan, kapag ayaw uminom.

After College...

     May pagkakatulad sa college life pero may pagkakaiba din. Stress? Oo meron. May trabaho ka man o wala ay mararamdaman mo ang stress. Kapag wala kang trabaho, damang-dama mo ang stress kapag naiisip mo na parang napag-iiwanan ka na. Ang mga dati mong kaklase ay may trabaho na samantalang ikaw ay wala. Kapag may trabaho ka naman, mararamdaman mo ang stress kapag malapit na ang deadline ng project mo. Kung pro-crammer ka naman o sanay na sa trabaho under time pressure, wala naman masyadong problema. Mararamdaman mo din ang stress kapag nakita mo ang bawas ng tax, SSS at iba pa na deduction sa sahod mo. Nakaka-stress kaya.


     Social-life. Kahit papaano ay hindi na problema ang budget. May trabaho na. Sumasahod na. Pero kahit may pang-gastos na ay kontrolado pa din ang expense. Hindi naman kailangan gumastos ng malaki. Hati-hati. Pero mas malaki sahod mo, mas malaki ambag mo. Huwag masyado malungkot dahil kung minsan once or twice a month lang naman yan. Get together lang kasama ang mga dati mong kaklase. Bonding. Sa mga ganitong pagkakataon mo din makikilala ang mga kaibigan mo na "kuripot" at tunay na galante. Hindi naman siguro kuripot, marunong lang humawak ng pera. Hindi ko naman masisisi ang mga "matipid" sa pera dahil talaga naman na nakapanghihinayang gumastos ng pera na pinaghirapan mo. Totoo yan. Para naman sa mga galante, sila ang mga marunong mag share ng blessings. Isama ko na din pala dito ang mga kaibigan na bigla na lang hindi nagpaparamdam pagkatapos sumahod, nawawala na lang bigla at lilitaw kapag may manlilibre ng iba. Tamaan-Sapul! Peace! Baka naman may iba lang na priority or may pinagkaka-gastusan na.


     Bago nga pala matapos ang blog na 'to, gusto kong batiin ang aking kaibigan na si Mr. Jan Paulo Camposagrado na nasa Amerika ngayon at naglilibot. Musta pare?





Saturday, October 20, 2012

Think of it again...

1. Huwag nating husgahan ang tao mula sa mali nilang nagawa, husgahan natin sila mula sa kung ano ang natutunan nila mula sa mali nilang nagawa.

2. Apat (4) na taong ka na mag-aaral sa elementarya at apat na taon din sa highschool; apat hanggang limang (5) taon naman sa kolehiyo, pero habang buhay kang mag-aaral sa University of Life at ang magiging mga guro mo ay sina Prof. Experience at Prof. Mistake.

3. Magtiwala ka muna bago magduda.

4. Hindi lahat ng umiiwas ay galit sa'yo. Baka naman nagkakagusto na sa'yo.

5. Subukan mo munang ilista ang mga happy and sad moments niyo together bago ka mag-emote.

6. Gamitin ang utak para umasenso sa buhay at puso naman para maging masaya ka.

7. Pagkagising sa umaga, unahin mong batiin ng "Good Morning" ang mga kasama mo sa bahay bago ang mga kaibigan mo sa twitter at facebook.

8. Hindi issue kung single ka ngayong darating ng Pasko dahil hindi naman Valentine's Day ang celebration.

9. Three (3) sides of the story; your side, his/her side and the truth.

10. Don't make permanent decision from your temporary emotion.

     Part II to' ng blog ko na Think of it... kaya ang title nito ay "Think of it again". Wala ulit mga pictures at music na pang-background dahil hindi naman kailangan. Random ideas lang ulit. Maaaring nabasa mo na ang iba mula sa mga post at tweets sa mga social networking sites. Trip ko lang isulat.


Friday, October 12, 2012

Think of it...

1. Life isn't always fair.

2. Men are not born equal. Even women.

3. Magkaiba ang napagod sa nagsawa.

4. Limitless ang pangangailangan ng tao.

5. Mapanghusga ang mga tao.

6. Everybody deserves a 2nd chance but giving a 3rd chance?

7. Hindi sapat na dahilan ang masaya ka lang.

8. Hindi mo pwedeng bigyan ng payo ang sarili mo

9. Learn to appreciate.

10. Ayos lang maging tanga pero huwag mong gawing hobby.

11. Basic instinct na ng tao ang paghanga sa maganda at gwapo.

12. Matutong makisama.

13. Kung minsan, napagsasabay mo ang pagdidiet at pagmomove-on.

14. Talk to strangers kapag may problema ka.

15. Spend some time alone every day.

16. Maging risk-taker kung minsan.

17. Make your own kaysa bumili ka.

18. Magkaiba ang pananaw ng lalaki at babae.

19. Hindi lahat ng tao sa mundo ay may talent sa panghuhula.

20. Nagkataon lang ang lahat.

     Pagkagising ko isang araw ay bigla na lang pumasok sa isipan ko ang mga bagay na yan. Hindi ko din alam kung bakit. Wala na akong nilagay ng inroduction at mga pictures dahil hindi naman kailangan. The title says it all.

Tuesday, October 9, 2012

Find someone like....

     Recently sa Twitter ay nag trend ang topic na #HowToMakeARelationshipLast. Pagkatapos ay nag tweet ako susubukan kong gawin na topic 'to for my next blog. For the few hours after kong mag-tweet, napaisip ako na parang masyadong mahirap ang topic na 'to kaya medyo iibahin ko na lang. Medyo lang naman.


     How to make a relationship last. Para siguro mangyari yan, mas maganda kung sa una pa lang ay ang "right person" na ang mahanap mo. Kaya naman naisipan ko na lang na gawing topic ay kung anong klaseng tao ang dapat mong hanapin para magkaroon ka ng "long-term" or even "lifetime" relationship. Bukod sa mas madali (para sa'kin) isulat ang topic na 'to kaysa sa "How to make a relationship last", wala talaga akong idea kung papaano magkakaroon ng isang long-term relationship dahil personally, hindi ko pa nararanasan yan. So tama na sa mahabang introduction at simulan na ang ilan sa mga naiisip kong "klase" ng tao na dapat mong hanapin para magkaroon ka ng hinahanap-hanap mong long-term or even lifetime relationship.


     Subukan mong hanapin ang taong may ugali na kabaligtaran ng sa'yo. Sabi nga, opposite attracts. Totoo yan (para sa'kin). Kung madaldal ka at mahilig ka magkwento, hanapin mo ang taong tahimik lang pero marunong makinig sa mga kwento mo. Handang makinig sa masasaya mong istorya at pati na din sa mga madrama mong kwento. Pero hindi sapat na marunong lang makinig, dapat marunong din siyang mag "respond". Respond in a way na bibigyan ka niya ng mga idea niya tungkol sa mga nangyayari sa'yo. Nagbibigay siya ng mga"advices" kahit hindi ka nanghihingi. In that way, malalaman mo na interesado siya na malaman ang mga bagay na tungkol sa'yo.


     Maghanap ka ng taong friendly. Most of the time kasi, sila ang mga klase ng tao na hindi seloso or selosa. Paano ko nasabi? kasi alam nila at naiintindihan nila ang pangangailangan mo na makipag-socialize sa mga tao at mga kaibigan mo. May ilan kasing mga tao na kapag naging bf/gf mo na, nagiging "possessive". Kapag may lumapit na ka-opposite sex, nagseselos agad at pati mga kaibigan mo ay pinagseselosan na. Lalong-lalo naman kapag bestfriend mo na ang kasama mo. So kung friendly siya, maiintindihan niya ang mga ginagawa mo. Maiintindihan niya na hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo. Mayroon ka ding mga kaibigan na kung tutuusin ay mas una mo pang nakilala kaysa sa kanya.


     Try mo na din humanap ng taong hahayaan kang gawin ang gusto mong gawin. May tiwala sa kakayahan mo. Alam niya na hindi mo kailangan ng mga payo dahil alam niya na alam mo ang ginagawa mo. Rerespetuhin ang bawat idea mo sa mga bagay-bagay. Hahayaan kang sumaya at makadama ng lungkot sa sarili mong paraan. Hahayaan kang matuto mula sa mga karanasan mo. Marunong maghintay at naniniwala na babalik ka din. Pero siyempre, sa kabila ng pagiging "maluwag" niya sa'yo ay nariyan pa din siya para magsilibing "guide" mo.

     May mga tao kasi na hindi naman talaga kailangan ng mga "advice" from their friends, they need "guide" lang mula sa mga taong alam nila sa susuportahan sila sa mga gusto nilang gawin.

     Alam ko na sa panahon ngayon, mahirap ng hanapin ang mga ganyang klase ng tao pero trust me, may mga ganyan pang klase ng tao. Very rare na kung tutuusin pero natutuwa akong malaman na may mga tao pa din na may ganyang mga characteristics sa panahon ngayon. Take your time lang. Hindi kailangan na magmadali. Sa tingin ko naman wala kang deadline na hinahabol para magmadali sa pagkakaroon ng lovelife di ba?. Pero huwag mo naman masyadong seryosohin ang paghihintay. Hanap-hanap din. Mas maganda kung parehas kayo na hinahanap ang isa't-isa. Sayang kasi ang oras kung naghihintay ka lang. 

Monday, October 1, 2012

Hmmm....

      Para sa mga reader(s) ng blog ko na nagtatanong kung may mga "words of wisdom" daw ba ako, meron naman at susubukan kong isa-isahin. Joke lang. Walang nag request ng blog na to'. Naisipan ko lang isulat. Share ko lang. Actually, hindi ko naman to' maituturing na mga "words of wisdom", sabihin na lang natin na ilan to' sa mga bagay na natutunan ko. From past experiences. Maaring personal at pwede din naman thru experience ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko aangkinin ang alin man sa mga mababasa niyo para sa blog na 'to. Maaaring narinig o nabasa niyo na to' dati na nire-phrase ko lang. Pwede din naman na mula sa mga lyrics ng kanta. Game!


     Kung may problema ka sa buhay lalo na sa love, iwasan ang madalas na pagbabasa ng mga "emotional" na quotes, pang broken-hearted na mga kanta at pelikulang drama ang tema. Dinadagdagan mo lang ang "stress" na nararamdaman mo. Mas pinapabigat mo lang ang kalooban mo lalo na kung nakaka-relate ka sa istorya ng pinapanood, nababasa mo at pinakikinggan mo. Mas mabuti pa na kausapin mo na lang ang mga kaibigan mo o kahit sino na alam mong makakaintindi sa'yo kaysa sa pag retweet ng mga quotes sa twitter at panonood ng pelikulang nagpapa-alala lang ng "sakit" na nararamdaman mo.

     Bawat tao ay may kanya-kanyang priority. May iba na mas mahalaga sa kanila ang makatapos ng pag-aaral. May mga tao din naman na mas gusto munang mag-trabaho. Priority ang pamilya at iba pa. Depende sa pangangailangan o estado sa buhay. Kailangan lang na maging open-minded ka sa mga bagay-bagay bago mo sila pagsabihan ng sa tingin mo ay "dapat" nilang gawin.


     Mapanghusga ang mga tao. They judge you depende kung ano ang nakita nila sayo. Unfair tayo manghusga kung minsan. Kung ano ang una nating narinig, siyang paniniwalaan. Kung sino ang mukhang "kawawa" at unang makakuha ng simpatya ng mga tao, siyang kakampihan. Mapalad ka kung ikaw ang nasa positibong parte ng istorya, pero kung ikaw ang lumalabas na "kalaban" mula sa sa unang kwento, talo ka na. Kahit pa alam mo sa sarili mo na wala ka naman talagang ginagawang masama. Hindi ka mabibigyan ng pagkakataon na isa-isahin ang mga tao sa paligid mo at ipaliwanag ang "side" mo. Hindi ka mabibigyan ng pagkakataon na kahit papaano ay "linisin" ang pangalan mo.


     Minsan maiisip mo na parang mga "kontrabida" ang mga kaibigan mo. Halimbawa sa lovelife. Pakiramdam mo ay masyado silang "nagmamarunong"at alam nila kung sino ang bagay sa'yo. Tandaan mo na kasabay ng pagtanggap mo sa kanila bilang mga kaibigan ay ang pagbibigay mo ng permiso sa kanila para makialam sa mga desisyon na gagawin mo. Apektado na sila sa lahat ng bagay na mangyayari sa'yo. Aminin na natin na nakakainis na kung minsan ang ginagawa nilang pagpuna sa mga ginagawa natin, pero kailangan din natin intindihin na nag-aalala lamang sila. They just care in English. Para din silang mga magulang. Nagiging mapanghusga sila dahil they just care for you. Feeling mo nasisira na ang friendship niyo dahil sa mga sinasabi nila pero they just care for you. Wala ng ibang dahilan pa. Remember na "in the end" of the day, babalik at babalik ka sa kanila.

     Hindi marunong makuntento ang tao. Nagbabago sila. Nagbabago tayo. Ayoko ng magpaikot-ikot pa. Ang gusto ko lang sabihin, kung sakaling iniwan ka man ng "partner" mo at napunta sa iba, isipin mo na lang na "limitless" ang pangangailangan ng tao. Naghanap sila dahil mga mga bagay na nakita nila sa "bago" nila na wala sa'yo. Bilang pampalubag-loob, isipin mo na lang ang salitang "karma" o kaya naman sabihin sa sarili na ibinigay mo naman ang lahat at hindi lang siya nakuntento.


     Napakadali ng sabihin ngayon ng mga salitang "I love you" at "I miss you". Pero mahirap din kung minsan depende sa tao. Sabi nga ng iba, sweet words don't always come from the heart. Sa panahon ngayon, madali ng humanap ng mga taong gusto ka at sinasabing mahal ka nila. Mas maganda siguro maghanap ka ng taong "seseryosohin" ka. Just saying. Mahirap ipaliwanag pero sana naintindihan mo ang pagkakaiba ng mga taong nagsasabing gusto ka at mahal ka sa taong alam mo na seseryosohin ka. Just saying.