Sunday, July 29, 2012

Bata.. laro tayo?

     Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam ng bata kapag uwian. Pagkatapos ng halos kalahating-araw sa paaralan, may kalayaan ka ng maglaro buong araw (pagkatapos gumawa ng assignments). Bago pa man nauso ang DOTA, Counter-Srike, StarCraft at iba pang mga "computer games", mayroon na tayong mga tinatawag na mga larong-kalye.

     Simple lang ang paraan ng paglilibang noong araw. Labas ka lang ng bahay at tawagin ang mga kaibigan, okey na. Di mo kailangan ng pera. Hindi nalilimitahan ang laro mo sa isang oras lamang (depende kung strict ang parents mo).



     Sino ba naman ang hindi marunong mag tumbang-preso? Naaalala mo pa ba ang chinese-garter, luksong-lubid (jumping-rope), jackstones, trumpo, saranggola, sipa at piko?. Ilan lamang sa mga larong-kalye na kailangan ng materyales. Pero don't worry, ang mga kailangan mong materyales ay matatagpuan mo sa paligid lamang. Halimbawa na lamang ang piko, ang kailangan mo lang ay kapirasong parte ng pase para magsilbing "panulat" sa paggawa mo nito. Sa paggawa ng saranggola, kailangan mo lang ng ilang piraso ng walis-tingting, plastic at panali. Depende sa laki ng gagawin mong saranggola, maaari kang gumamit ng kawayan imbes na walis-tingting para mas matibay.


     May mga larong-kalye din naman na hindi mo na kailangan ng kahit anong materyales. Nariyan ang patintero, tagu-taguan, luksong-baka, luksong-tinik at jack en poy (bato-bato pik).

    Kung gusto mo namang magpapawis, merong mga larong takbuhan na maaari mong laruin hanggang sa hikain ka. Mataya-taya, Black1-2-3, at Moro-moro. Kailangan mo din ng pisikal na lakas dito para "makapalag" ka sa mga humuhuli sa'yo. Kng maglalaro ka ng mga ganitong laro, mas maganda kung nakahubad ka (topless lang naman, maliban sa mga babae) dahil ; (1) mahirap lang mataya dahil mas madulas ka (dahil sa pawis), (2) maka-iwas sa sermon ng magulang mo dahil siguradong masisira ang suot mong damit habang naglalaro ka (lalo na kung maligalig ka). Sa mga di nakakaalam kung ano ang maligalig, ito yung pagiging masyadong makulit.

     May mga laro din naman na pwedeng gawing sugal. Ilan dito ay ang teks-money at jolens. Kadalasang nilalaro ang teks-money ng mga estudyante bago pumasok ng paaralan. Maaari kang makapasok ng halos doble ang baon (kung panalo) o kaya naman ay pumasok (kung minsa uma-absent na lang) dahil wala ng baon (kung talo).

     Kung naghahanap ka ng sakit ng katawan, o kung gusto mo namang mapilayan, pwede mong laruin ang doctor kwak-kwak, follow-the-leader (diablo). Pwede mo din isama dito ang luksong-baka. Halos magkaparehas lang ang follow-the-leader at ang luksong-baka. Ang pagkakaiba lang, imbes na tatalon ka sa "taya", kailangan mong gumawa ng imbentong "stunts", na gagawin ng mga susunod sa'yo.

    Sa mga larong-kalye, isa sa mga gusto ko ay yung mga larong sadista (sakitan). Ilan sa mga ito ang sumpit, sumpak at ng nauso ang mga "pellet gun". Sa sumpit, kadalasang monggo ang gagawin mong bala. Simple lang ang rules ng laro, masaktan mo lang ang kalaro mo, okey na, pag napaiyak mo, astig!. May mga bata ng na-baranggay dahil sa mga larong 'to. Pero astig talaga eh!

     May mga laro din naman na mahirap i-describe. Ito ung parang home-made na chain-saw. Gawa 'to sa tansan na naka-flat. Kailangan matalas ang tansa. Lalagyan mo ng dalawang maliit na butas para lagyan ng tali. Paiikutin ang tansan na parang chain-saw. Kailangan lang maputol ang tali ng kalaban mo. Bonus mo na kapag tumalsik sa mukha nya ang tansan at nasugatan ang kalaban mo (sadista talaga).


      May mga laro din naman na maaari mong gamitan ng mga gagamba. Ilalagay mo lang sa stick ang dalawang gagamba at hahayaan mo silang magpatayan. Wag mo ng tangkaing gamiwin ang makikita mong gagamba sa mga sulok ng bahay nyo. Gagambang-bahay lamang yan at walang mga silbi bukod sa pagiging pagkain ng mga ibang uri ng gagamba. Mabibili mo ang mga gagambang "pang laban" na 'to sa mini-palengke sa labas ng mga pampublikong paaralan. (Tip: Huwag mong masyadong hawakan ang pwet ng gagamba dahil magiging bading "daw" ito).

     May mga laro din naman na for girls only. Bahay-bahayn, lutu-lutuan, titser-titseran at ang paglalaro ng manika. Madalas ng makalat ang mga ganitong laro. May mga maiiwan na mga piraso ng dahon, papel at kung anu-ano pang mga ginupit na mga bagay na ginawang sangkap para sa kanilang lutu-lutuan.

     Kung wala ka namang alam sa mga larong pinagsasabi ko o kaya naman ay hindi mo man lamang sila nalaro, napakalungkot ng pagkabata mo. Wawa naman! Hahaha. Malamang isa ka sa mga bata na sinasanay ang sarili para maging FOREVER ALONE pagtanda. Ikaw siguro yung mga tipo ng bata na kuntento na sa pagkain ng biniling junk foods sa mga sari-sari stores at manuod lang maghapon ng TV. Madalas na magbasa ng komiks. 

     Sa halos lahat ng larong ito, himdi mawawala ang asaran at pikunan (kahit sa bahay-bahayan ay may nagkakapikunan din lalo na kung batugan (tamad) ka. Normal sa mga batang natatalo ang naaasar at napipikon lalo na kapag inaasar. Kapag nagkapikunan na, magsisimula sa simpleng tulakan na palakas ng palakas. Mas aasarin pa ng mga kalaro nakapaligid hanggang sa umiyak ang bata. Uuwi at magsusumbong sa magulang. Sasawayin ng mga magulang ang mga bata na papauwiin na. Tapos ang ligaya.

     Papagalitan pag-uwi. Walang katapusang pangaral. Kung minsan naman pinapalo pa ang bata. Kanya-kanyang paraan ng pagdidisiplina. Papatulugin ka ng maaga (kung minsan makakatulog ka na lang kakaiyak) dahil may pasok pa kinabukasan.




     



     

5 comments:

W said...

Good read!!

Eto nga pala blog ko, pa-plug lang hehe..

http://buhaykul.blogspot.com

Unknown said...

Nabasa ko na pre ahahaha.. itutuloy ko na din yung Makalipas ang dalawang dekada ahahaha

JennieL said...

inisip ko talaga kung anu yung pase. kaloka paso pala haha anyways good job maganda to

Unknown said...

MR JEROME DE LEON NOTICE ME PLEASE IM EDLYN LIMIERTA FROM PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA. MAY ITATANONG LANG PO AKONG IMPORTANTE SAINYO.

Unknown said...

all caps talaga eh no ahahaha nag send na po ako ng message ate :)

Post a Comment