13:46. Thursday. Nasa trabaho at nasa harap ng laptop. May deadline bukas. May meeting na kinansel kasi nga may deadline bukas. Pero ano ginagawa ko? Eto, nagta-type sa company issued na laptop para magkaroon ng bagong entry ang nag-eexist ko palang blog.
Pero bakit ko ba inuna ang magsulat dito kesa sa gawin ang dapat kong gawin para umabot sa deadline? Pampatanggal stress? Pwede. Nagpapaset ng mood? Pwede. Daming pumapasok sa isip ko ngayon. Daming pending na projects. Need ko lang siguro talaga mag relax kahit papano para naman mabawas-bawasan ang "pagod" sa trabaho.
Teka teka teka.. Nagre-relax nga ba ako o sadyang dini distract ko lang talaga ang sarili ko na gawin ang mga bagay na inatas sa'king gawin sa opisina? Mas pinili kong gawin ang bagay na gusto ko naman talagang gawin kesa sa mga iniutos sa'kin. Mga bagay sa sa tingin ko mas magagawa ko ng matino kesa sa pagpilitang gawin ang mga bagay na hindi mo na talaga magawa. Yung puntong inabot ka ng "umay" sa paulit-ulit mong ginagawa pero di mo naman matapos-tapos. Gusto mong tanungin ang officemate mo para sa mga bagong idea pero pati siya ay busy din kaya naisip mo na i-google na lang ang mga posibleng solusyon sa problema. Ang masaklap lang, may mga pagkakataon na kung saan ang resulta na lumabas kay pareng Google, eh nagawa mo na din pero di pa din nareresolba ang problema mo. So ano na ang gagawin mo? Makikipagtitigan sa ginagawa mo. Maghahanap ng soundtrip sa laptop. Mag-iisip ng malalim at kung minsan, mananalangin na sana may dumating na tagapagligtas. Tagapagligtas na kung saan siya na mismo ang gagawa ng lahat ng pending na gawain mo. Hayahay ang buhay kung may ganyan.
14:06. Thursday. Nasa trabaho at nasa harap ng laptop. May deadline bukas. May meeting na kinansel kasi nga may deadline bukas. Pero ano ginagawa ko? Eto, nagta-type sa company issued na laptop para magkaroon ng bagong entry ang nag-eexist ko palang blog.
14:08. Thursday. Nasa trabaho at nasa harap ng laptop. May deadline bukas. May meeting na kinansel kasi nga may deadline bukas. Pero ano ginagawa ko? Eto nagta-type sa company issued na laptop para magkaroon ng bagong entry ang nag-eexist ko palang blog.
14:10 Thursday. Nasa trabaho at nasa harap ng laptop....
1 comments:
MR JEROME DE LEON PLEASE NOTICE ME. IM EDLYN LIMIERTA STUDENT OF PAMANATSAN NG LUNGSOD NG MARIKINA. MAY ITATANONG PO AKO SAINYO NA IMPORTANTE. PLEASE
Post a Comment