Thursday, July 12, 2012

My First Blog


Hello! Hmm.. Paano ko nga ba sisimulan ang unang blog ko. Ganito na lang, I will write anything na lang muna ng maisip ko. Since this is my first blog and this is a free country and I can do what I want.

Hi guys! (Ulit) Sana nasa mabuti kang kalagayan habang binabasa mo ang article na 'to (Article daw oh!). Ako nga pala si Jerome. Karamihan ng mga kaibigahn ko ay "Ji" at "Rom" ang tawag sa'kin. Hindi pa naman lalagpas sa 20 ang edad ko. Nag-aral ako ng aking elementarya sa Mababang Paaralan ng Rafael Palma. Sumunod ay sa Mataas ng Paaralang Araullo. Nakapagtapos ako ng kolehiyo sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ng kursong Bachelor of Science in Computer Studies (Haba no') in short BSCS-IT (Meron naman palang acronym eh).

Hilig ko ang mag-basketball, mag-gitara at kung minsan, gumagawa din ako ng kanta (Sa maniwala ka man o hindi) at syempre kumanta (kahit parang ayaw sakin ng pagkanta) at makinig ng music. Idagdag na din natin ang pagsayaw at pag-dodota.

Nasa playlist ko ang mga kanta ng mga sumusunod:

Foreign Groups:

  • Maroon 5
  • The Script
  • Fall Out Boy
  • Mayday Parade
  • Paramore
  • Red Jumpsuit Apparatus
  • Panic At The Disco!

Local Groups:

  • Eraserheads (Lahat naman ata ng Pinoy)
  • Bamboo
  • Rivermaya (Kahit papalit-palit ng vocals)
  • Parokya ni Edgar (Walang kupas)
  • Orange and Lemon (Disband na ata yun)
  • Kamikazee 

Mahilig ako sa acoustics kaya fan din ako ng Boyce Avenue, Tyler Ward or kahit sino basta gumagawa ng mga acoustics covers ng mga Pop Song. Di naman mawawala sa acoustics si Mr. Jason Mraz.

FYI: Mas madalas ko pang pakinggan ang mga acoustic covers ng mga kanta kaysa sa original version.

Gagawa din ako ng mga guitar covers soon. Wait nyu lang (Or kahit di mo na hintayin, gagawa pa din ako).

Lately ay nahilig ako sa paggamit ng mga social networking sites gaya ng Facebook at Twitter. Kahit anong bagay ba malilibang ako (Isa na din ang paggawa ng mga blogs starting this day). Kaya nahilig ako sa mga ganitong gawain ay dahil UNEMPLOYED ako as of now (Parang proud pa ako eh no'). Hoping to get a job as soon as possible.

Dahil na din sa napaka-plenty ng aking "Free Time", nakahiligan ko din ang magbasa ng mga libro. Ilan sa mga ito ay ang mga libro ni Bob Ong (Although nabasa ko na din dati, trip ko lang basahin ulit). Natapos ko na "ulit" basahin ang mga librong:

  • ABNKKBSNPLAko
  • Alamat ng Gubat
  • Ang Paboritong Libro ni Hudas

Binabasa ko ngayon ay ang "Stainless Longganisa" (Free ads). 

Magaganda ang mga content ng libro. Promise! A must read na mga libro. Di ko na ikkwento ang mga laman ng libro dahil bukod sa hindi ko din masyadong naintindihan ang ibang mga laman. Basta basahin nyu na lang (Free ads again)

Masaya din palang gumawa ng blogs. Dati ko pa din naman gustong gumawa ng mga blogs ngunit dahil na din sa masyadong "busy" this past few months (English un ah!) kaya ngayon lang ako nakapag-blog.

So yun muna as of now. Sabi ko naman kanina, I will write anything na maisip ko. That only means na wala na akong maisip as of now (As of now lang naman).

Isip ako ng matitinong topic na i-blog next time.
Promise yan.






5 comments:

Arra said...

hoy jerome!ahahaha.. napaka-geek ng alt+tab mo baka di nila gets,ako kaasi IT ako pero di ko lam pra san un hahahahah

Unknown said...

hoy din arra! ahaha.. thanks sa comment.. ayan inedit ko na .. para mas maintindhan ng mga madlang babasa pa neto ahahaha...(alt-tab - meaning nun, nag google muna ako para malaman kung tama ung spelling) (nag-explain talaga ahahaha)

W said...

blogger na eh.. haha.. nice.. nakatutuwa lang kasi bihira lang ako makakita ng kilala kong nagbblog.. keep up the good work

Unknown said...

such a cool blog. more power!

Unknown said...

MR JEROME KINDLY PLEASE NOTICE ME. MAY IMPORTANTENG ITATANONG LANG PO AKO

Post a Comment