Sunday, January 13, 2013

Reasons...

     Ilang araw na lang ay Pebrero na at halos isang buwan na lang din ay Araw na ng mga Puso (Valentine's Day). Kung may gf/bf ka man, malamang ay sinusimulan mo ng planuhin kung ano ang mga gagawin mo sa Valentine's Day. Kasabay na din ng pagpaplano mo ang pag-iipon para pang-gastos sa "date". Pambili ng regalo, bulaklak, tsokolate at iba pa. Pagkatapos ng Christmas and New Year, Valentine's Day naman, ang gastos nga naman talaga.


     Pero kung SINGLE ka naman, hindi mo na problema ang mga naisulat ko sa taas. Stress-Free. Hindi "Happy Valentine's Day". Happy Single Awareness Day (Happy SAD). Pero in the first place (wow!), bakit ka nga ba single  (sige na nga, isama ko na din sarili ko, ulitin ko na lang). Pero in the first place (wow!), bakit nga ba TAYO single?


     Ito talaga ang topic ko sa blog na 'to. Try nating ilista ang ilan sa mga posibleng dahilan kung bakit TAYO single.

1. Tadhana feat. Soulmate - Mga taong inaasa lahat sa tadhana. Hinhintay si "Soulmate" literally.  Dear Ate/Kuya, hanap-hanap din kasi. In other words, landi-landi din.

2. Dream Girl/Boy - Mga tao na may mga "standards" talaga. Naghahanap nga pero choosy naman. Perfectionist. Sabi nga ng isa kong friend na blogger din, hindi ka magiging masaya kung "hahanapin" natin ang taong gusto natin, kasi inevitable na in time magbabago din sila, hindi na natin sila gusto (Clap! Clap! Clap! for this girl). 

3. Kaibigan feat. futuristic na pag-iisip - Mga taong ayos naman pagdating sa kanilang "friendship status" (di ko alam ang magandang term) pero sumasablay sa pag "move-to-the-next-level". Kadalasang tanong sa sarili ay ang mga sumusunod:
  • Paano kung i-reject niya ako?
  • Paano kung mag-break kami, magiging friends pa kaya ulit kami?
4.  Contentment feat. scared na pag-iisip - Kuntento na sa pagiging kaibigan. Maybe I should say na mag-bestfriends. Kuntento na sa pagiging "comforter". Kuntento sa pagiging "shoulder-to-lean-on". Katulad din ng nasa no. 3 na takot mag "move-to-the-next-level" dahil baka mag-iba ang approach sa isa't-isa. Hindi risk-taker. Masayang ang naipundar na magandang "pagkakaibigan".

5. Power of X feat. bitterness - Mga hirap makamove-on sa kanilang past relationship. May mga "trauma" na baka masaktan lang muli sila kapag umibig silang muli. Hindi ko na siguro kailangan pa ipaliwanag ang "bitterness".

6. Priority feat. busy schedule - Baka naman hindi lang talaga nila priority muna ang pagkakaroon ng lovelife sa ngayon. Priority muna nila ang ibang mas importanteng bagay katulad ng pag-aaral at pagtatrabaho (breadwinner). Masyadong busy sa school dahil sa mga defense (college), paggawa ng thesis at iba pa. Workaholic o sadyang hectic lang ang schedule. Mas priority ang pagpapayaman kaysa sa pag-ibig.

Siguro...

     Bago ang lahat, uunahan na kita, wala kang matututunan sa blog na 'to. Wala kang mapapala o matututunan sa mga susunod mong mababasa pero kung gusto mo pa ding ipagpatuloy ang pababasa, salamat. Pero tandaan mo, YOU HAVE BEEN WARNED!     

     Enero 13 taong 2013, ayos! nakapagsulat ako muli sa blog na 'to. Na-"MISS" ko ang pagsusulat. Kung iisipin, hindi naman ako masyadong busy. Kung tutuusin, mayroon naman akong sapat na oras para magsulat. Para mag kwento ng kung ano-ano. May oras naman ako para minu-minutong mag tweet, basahin ang mga post sa 9GAG, at magkipag-chat sa mga friends sa facebook (Oo, parang yahoo messenger na ang silbi ngayon ng facebook para sa'kin) pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsulat. Bakit kaya?


     Siguro dahil walang mga ideya ang pumapasok sa aking isipan. Siguro wala naman akong bagong-kwento. Siguro iniisip ko na wala naman akong mahalagang ibabahagi sa mga mambabasa. Siguro wala lang talaga ako sa mood magsulat.

     Sa kabila ng madaming "siguro" na nabasa mo, sa isang bagay lang ako naging sigurado. Sigurado ako na alam mo na kung bakit "Siguro" ang title ng blog na 'to.