Sunday, July 29, 2012

Bata.. laro tayo?

     Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam ng bata kapag uwian. Pagkatapos ng halos kalahating-araw sa paaralan, may kalayaan ka ng maglaro buong araw (pagkatapos gumawa ng assignments). Bago pa man nauso ang DOTA, Counter-Srike, StarCraft at iba pang mga "computer games", mayroon na tayong mga tinatawag na mga larong-kalye.

     Simple lang ang paraan ng paglilibang noong araw. Labas ka lang ng bahay at tawagin ang mga kaibigan, okey na. Di mo kailangan ng pera. Hindi nalilimitahan ang laro mo sa isang oras lamang (depende kung strict ang parents mo).



     Sino ba naman ang hindi marunong mag tumbang-preso? Naaalala mo pa ba ang chinese-garter, luksong-lubid (jumping-rope), jackstones, trumpo, saranggola, sipa at piko?. Ilan lamang sa mga larong-kalye na kailangan ng materyales. Pero don't worry, ang mga kailangan mong materyales ay matatagpuan mo sa paligid lamang. Halimbawa na lamang ang piko, ang kailangan mo lang ay kapirasong parte ng pase para magsilbing "panulat" sa paggawa mo nito. Sa paggawa ng saranggola, kailangan mo lang ng ilang piraso ng walis-tingting, plastic at panali. Depende sa laki ng gagawin mong saranggola, maaari kang gumamit ng kawayan imbes na walis-tingting para mas matibay.


     May mga larong-kalye din naman na hindi mo na kailangan ng kahit anong materyales. Nariyan ang patintero, tagu-taguan, luksong-baka, luksong-tinik at jack en poy (bato-bato pik).

    Kung gusto mo namang magpapawis, merong mga larong takbuhan na maaari mong laruin hanggang sa hikain ka. Mataya-taya, Black1-2-3, at Moro-moro. Kailangan mo din ng pisikal na lakas dito para "makapalag" ka sa mga humuhuli sa'yo. Kng maglalaro ka ng mga ganitong laro, mas maganda kung nakahubad ka (topless lang naman, maliban sa mga babae) dahil ; (1) mahirap lang mataya dahil mas madulas ka (dahil sa pawis), (2) maka-iwas sa sermon ng magulang mo dahil siguradong masisira ang suot mong damit habang naglalaro ka (lalo na kung maligalig ka). Sa mga di nakakaalam kung ano ang maligalig, ito yung pagiging masyadong makulit.

     May mga laro din naman na pwedeng gawing sugal. Ilan dito ay ang teks-money at jolens. Kadalasang nilalaro ang teks-money ng mga estudyante bago pumasok ng paaralan. Maaari kang makapasok ng halos doble ang baon (kung panalo) o kaya naman ay pumasok (kung minsa uma-absent na lang) dahil wala ng baon (kung talo).

     Kung naghahanap ka ng sakit ng katawan, o kung gusto mo namang mapilayan, pwede mong laruin ang doctor kwak-kwak, follow-the-leader (diablo). Pwede mo din isama dito ang luksong-baka. Halos magkaparehas lang ang follow-the-leader at ang luksong-baka. Ang pagkakaiba lang, imbes na tatalon ka sa "taya", kailangan mong gumawa ng imbentong "stunts", na gagawin ng mga susunod sa'yo.

    Sa mga larong-kalye, isa sa mga gusto ko ay yung mga larong sadista (sakitan). Ilan sa mga ito ang sumpit, sumpak at ng nauso ang mga "pellet gun". Sa sumpit, kadalasang monggo ang gagawin mong bala. Simple lang ang rules ng laro, masaktan mo lang ang kalaro mo, okey na, pag napaiyak mo, astig!. May mga bata ng na-baranggay dahil sa mga larong 'to. Pero astig talaga eh!

     May mga laro din naman na mahirap i-describe. Ito ung parang home-made na chain-saw. Gawa 'to sa tansan na naka-flat. Kailangan matalas ang tansa. Lalagyan mo ng dalawang maliit na butas para lagyan ng tali. Paiikutin ang tansan na parang chain-saw. Kailangan lang maputol ang tali ng kalaban mo. Bonus mo na kapag tumalsik sa mukha nya ang tansan at nasugatan ang kalaban mo (sadista talaga).


      May mga laro din naman na maaari mong gamitan ng mga gagamba. Ilalagay mo lang sa stick ang dalawang gagamba at hahayaan mo silang magpatayan. Wag mo ng tangkaing gamiwin ang makikita mong gagamba sa mga sulok ng bahay nyo. Gagambang-bahay lamang yan at walang mga silbi bukod sa pagiging pagkain ng mga ibang uri ng gagamba. Mabibili mo ang mga gagambang "pang laban" na 'to sa mini-palengke sa labas ng mga pampublikong paaralan. (Tip: Huwag mong masyadong hawakan ang pwet ng gagamba dahil magiging bading "daw" ito).

     May mga laro din naman na for girls only. Bahay-bahayn, lutu-lutuan, titser-titseran at ang paglalaro ng manika. Madalas ng makalat ang mga ganitong laro. May mga maiiwan na mga piraso ng dahon, papel at kung anu-ano pang mga ginupit na mga bagay na ginawang sangkap para sa kanilang lutu-lutuan.

     Kung wala ka namang alam sa mga larong pinagsasabi ko o kaya naman ay hindi mo man lamang sila nalaro, napakalungkot ng pagkabata mo. Wawa naman! Hahaha. Malamang isa ka sa mga bata na sinasanay ang sarili para maging FOREVER ALONE pagtanda. Ikaw siguro yung mga tipo ng bata na kuntento na sa pagkain ng biniling junk foods sa mga sari-sari stores at manuod lang maghapon ng TV. Madalas na magbasa ng komiks. 

     Sa halos lahat ng larong ito, himdi mawawala ang asaran at pikunan (kahit sa bahay-bahayan ay may nagkakapikunan din lalo na kung batugan (tamad) ka. Normal sa mga batang natatalo ang naaasar at napipikon lalo na kapag inaasar. Kapag nagkapikunan na, magsisimula sa simpleng tulakan na palakas ng palakas. Mas aasarin pa ng mga kalaro nakapaligid hanggang sa umiyak ang bata. Uuwi at magsusumbong sa magulang. Sasawayin ng mga magulang ang mga bata na papauwiin na. Tapos ang ligaya.

     Papagalitan pag-uwi. Walang katapusang pangaral. Kung minsan naman pinapalo pa ang bata. Kanya-kanyang paraan ng pagdidisiplina. Papatulugin ka ng maaga (kung minsan makakatulog ka na lang kakaiyak) dahil may pasok pa kinabukasan.




     



     

Thursday, July 26, 2012

Makalipas ang Dalawang Dekada...


"Halos dalawang dekada na din mula ng mamulat ang aking mata sa ating mundong ginagalawan. Anu-ano na nga ba ang mga pinagbago ko mula noong isinilang ako? Anu-ano na ang mga bagay na natutunan ko? Ilang kabutihan na ba ang nagawa ko? O mas magandang tanong, nakagawa na ba ako ng kabutihan? Gaano kadaming kasalanan na ba ang dapat kong ikumpisal?"

     Masasabi kong isa sa mga madalas kong gawin nitong mga nagdaang araw ay ang "pagbabalik-tanaw". Reminiscing kung tawagin (kadalasan habang nag-sosoundtrip using earphones, para may background music, Astig!). Di ko din alam kung bakit, pero for this past few days, naging interesado ako sa pagbabalik-tanaw kung ano nga ba ang mga nangyari sa'kin sa nakalipas na halos dalawang dekada. Mga bagay na pag naaalala mo ay bigla ka na lang mapapangiti (mag-isa). Magkahalong masaya at malungkot na mga pangyayari. Maaaring iniisip mo habang binabasa mo 'to na ang weird ko. Huwag kang mag-alala, may mga kaibigan na din akong nagsabi sa'kin na may pagka-weird ako (na sa tingin ko naman ay parang di naman). Ang nakakatuwa lang, kung sino pa ang mga taong itinuturing kong mga weird, ay sila din mismo ang nagsasabing weird "daw" ako. 


     Kung isinilang ka sa mga taong 1990, 1991, 1992, 1993, Aba! Hello Batchmate!. Kabataan noong 90's kung tawagin. 

     Kung iisipin, parang kailan lang. Parang kailan lang na nasa crib pa tayo. Parang kailan lang ay may "pacifier" pang nakalagay sa bibig natin. Parang kailan lang ay nasa "stroller" pa tayo habang namamasyal. Parang kailan lang ng una tayong matutong magsalita. Parang kailan lang ng matuto tayong magbasa at magsulat. 


     Sa nakalipas na halos dalawang dekada (20 years), humigit-kumulang labing-anim (16) na taon ang gugugulin mo para sa pag-aaral. Anim (6) na taon para sa elementarya (walo (8) kung isasama ang prep at kinder). Apat (4) sa highschool at karaniwang apa (4) na taon para sa kolehiyo (depende sa kursong kukunin mo at lalong depende sa magiging performance mo sa kolehiyo).



     Matulog, umiyak, tumawa, tumakbo, maglaro maghapon at manood ng mga cartoons at iba pang pambatang palabas. Mga bagay na karaniwang ginagawa ng mga batang nasa edad 4 - 5 taong gulang (na wala din naman masyadong pinagkaiba sa mga bata ngayon). Bukod sa mga nabanggit, sa ganitong edad din sila unang papasok sa paaralan. Prep at Kinder. Subalit ilan sa mga bata ay hindi na nakakapag-prep at kinder, Grade 1 agad.

     Makikilala mo ang una mong ituturing na (mga) guro. Mga guro na magmumulat sa'yo kung anu-ano ang mga bagay na nakapaligid sa'yo. Mga gurong pasasalamatan mo pagdating ng araw dahil sa pagtuturo ng mga simpleng abakada, pagbasa at pagsulat. Saglit na oras lamang ang ilalagi ng isang bata kapag nasa prep o kinder. Nasa tatlo o apat na oras lang ata (kung tama ang pagkakaalala ko). Ngunit sa bawat minutong lumilipas sa tatlo o apat na oras na ito, unti-unting natututo ang mga bata.



     Dito mo din makikilala ang mga bagong kaibigan. Mga batang halos kasing mo edad din. Mga bata na makakasama mo sa sa loob ng ilang oras na pananatili sa silid-aralan. Isa sa mga bagong kaibigan na ito ang maaari mong maituring na matalik na (mga) kaibigan o "bestfriend(s)".

     Isa sa mga hinahangaan kong propesyon ang pagiging guro. Bilib ako sa mga guro lalo na ang mga nagtuturo sa prep at kinder. Bilib ako sa haba ng pasensya nila sa mga bata. Bilang guro, hindi ka pwedeng magalit basta-basta. Hindi mo pwedeng sigawan at paluin ang mga bata. Kung may nakababata kang kapatid na nasa edad 4-5, kahit isa lang, malamang alam mo kung gaano sila kakukulit. Isipin mo na lang kung gaano kakulit ang mga batang ito kapag nagkasama-sama na sa isang silid. Bilib ako sa paraan nila ng pagtuturo. Nakikipaglaro sa mga bata habang nagtuturo.

Elementarya...

     Sumunod na hakbang ng pag-aaral para sa ibang mga bata subalit ang ibang mga bata ay ito pa lang ang unang pagkakataon na makatungtong sa paaralan. Mapalad ka (kagaya ko) kung ikaw ay nakapag-prep at kinder. Kumbaga sa pag-eexercise, nakapag warm-up ka na. Kahit paano ay may ideya ka na kung ano ang mga bagay na ginagawa sa paaralan.

     Anim (6) na taon kang mananatili sa loob ng paaralan sa elementarya. Di kagaya ng maiksing oras sa prep at kinder, halos kalahating-araw kang mananatili sa paaralan. Kung sa pampublikong paaralan ka (kagaya ko), may mga pang-umaga at pang-hapon (di ko alam kung bakit pang-hapon ang tawag pero tanghali naman sila pinapapasok). Madalas na ang mga "matatalino" na nasa matataas na section, ang nasa pang-umaga. Ang iba pang natitira ay nasa pang-hapon.

     Kung nakapag-aral ka ng prep at kinder, maaaring naging basehan ang naging "grades" mo para malaman kung saan kang section nababagay. Pero di ko alam kung ano ang mga nagiging basehan kapag bagong enroll ka pa lang o yung mga batang di nakapag-prep at kinder. Binabase ba nila sa mukha ng bata? kapag naka-salamin at mukhang matalino ang bata, ilalagay na sa mataas ng section? o depende kung gaano ka-close ang mga magulang ng bata sa mga opisyales ng paaralan na namamahala sa enrollment?. Hula ko lang lahat ng mga yan (tanong ko nga minsan sa opisyales ng paaralan).

     Sa humigit-kumulang na labin-limang (15) taon kong pag-aaral (Trivia: isang linggo lang ako sa prep, nilipat agad ako sa kinder, accelerated, hanep!) isa sa pinaka-kinaiinisan ko ang paggising ng maaga (madaling araw pa nga kung tutuusin). Sigurado akong hindi lang ako ang estudyanteng nakaranas o nakakaranas nito. Hindi maipagkakaila na masarap matulog (alam mo yan!). Yung moment na pagkagising mo ay nakatunganga ka sa harapan ng pagkain mo (kung nag-aalmusal ka man) at matatauhan ka na lang 'pag halos kasing lamig na ng patay ang pagkain mo dahil sa tagal ng nakatiwangwang (lalo na kung noodles ang almusal mo). O kung kumakain ka naman ay lumulutang ang isip mo. Bagamat gising na ang katawan mo ay nasa kama pa din ang isipan mo at mahimbing pa ding natutulog. Napakalakas ng "Gravity" kapag umaga (mismo!).

     Isa sa mga pagsubok bilang pang-umaga ang paliligo. Malamig ang tubig. Malamig ang simoy ng hangin lalo na kapag sumapit na ang "ber" months. Madalas ay kinakapa mo pa ang tubig. Tinatanya muna kung gaano kalamig ang tubig. Wisik-wisik muna sa katawan. Kapag sinigawan ka na ng magulang mo na mala-late ka na ay bigla kang magbubuhos. WATDA! Boom! Gising ang diwa mong natutulog pa panigurado. Naisipan ko din naman na mag-init ng tubig na ihahalo sa malamig na tubig para maligamgam ang ipapaligo ko. Pero sabi sa'kin ng mga magulang ko na inaaksaya ko lang daw ang gas na gagamitin para mag-init ng tubig. Dagdag pa nila, sayang din daw ang tubig na mainit na imbes na magagamit na pang-kape ay ipang-liligo ko lang (may point!).




     Bilang pang-umaga (dahil nasa mataas na section ako, Naks!), obligado kang umatend ng flag ceremony. Kung ka-batch kita, unang-una na ang pagdarasal. Kasunod ang paglalagay ka kanang-kamay sa kaliwang dibdib, pag-awit ng pambansang awit, ang Bayang Magiliw (Joke!), ang "Lupang Hinirang". Itataas ang kanang-kamay (pormang nangangako) at bibigkasin ang "Panatang Makabayan". Inabutan pa namin ang "original version" nito bago na ito na-revise. Kasunod ang pag-awit ng "Pilipinas kong Mahal" (kung nakalimutan mo na ang lyrics, i-search mo sa "google"). And wait, there's more, akala mo tapos na ang kantahan? kakantahin nyo pa ang "Alma Mater Song" ng inyong paaralan. Bawat paaralan ay may kanya-kanyang "Alma Mater Song". And last but not the least, hindi mawawala ang pag-eexercise sa umaga. So why do you build me up (build me up), parte ng lyrics ng gasgas na gasgas ng kantang "Buttercup" bilang music kapag nag-eexercise. Salitan lang sila ng "Mag-exercise tayo tuwing umaga" ni Yoyoy Villame (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa). Kung nasa Grade 1 hanggang Grade 4 ka ay mag-paparticipate ka pag at mag-eexercise ka. Kung nasa Grade 5 at Grade 6 ka naman, malamang ay mas pipiliin mo pang makipag-kwentuhan na lang sa kaklase mo kaysa sa mag-exercise. (Ten... tenten.. tentenenenen.. ten!) hindi yan puro sampu, hudyat yan na tapos na ang flag ceremony  at pupunta na kayo sa inyong silid-aralan. Sad to say, Monday to Friday mong gagawin yan tuwing umaga, paulit-ulit sa loob ng anim na taon. Hindi lang sa pang-umagang klase ginagawa yan, pati na ang mga pang-hapon (na tanghali naman pumapasok) na estudyante, ay may ganyang "ritwal" din maliban na lang yung pag-eexercise (pero kung trip mong mag-exercise sa tanghali, pwede din).


     Grade 1. Di ko maituturing na magkaparehas sila ng prep at kinder. Ibang-iba ang mga ito sa Grade 1. Malaki ang pinagkaiba. Bawas na ang mga oras ng paglalaro. Mas mahaba na ang oras ng pag-aaral (as in aral na talaga). Mas madami ka ng kaklase at higit sa lahat, wala na sa tabi mo ang mga magulang mo (don't worry, nasa bahay mo lang naman sila). Ang tanging nasa loob lang ng paaralan ay ang guro mo, mga bago at dating kaklase at ikaw (Hala!). Pero don't worry, di pa naman masyadong "nangangagat" ang mga guro sa Grade 1.

     Aaminin ko na biktima (din) ako ng "Wag mo 'kong iwan" syndrome (imbento ko lang yan, di ko kasi alam ang talagang term). Pagkakataon na kung saan ang bata ay ayaw magpaiwan sa paaralan na hindi kasama ang  kanilang magulang. Madalas na nararanasan ng mga Grade 1 students. Ilan sa mga dahilan ang naisip ko kung bakit nakakaranas ng "Wag mo 'kong iwan" syndrome; (1) nasanay na madalas kasama ang mga magulang, (2) natatakot sa mukhang mataray na guro, (3) takot sa mukhang "bully" na bagong kaklase. Sa palagay ko, ang pangalawa at pangatlo ang dahilan. Opinyon ko lang naman.

     Uwian at recess. Yang ang mga kadalasang sagot ng mga estudyante sa elementarya kapag tinatanong sila kung ano ang paborito nilang subject (hanggang ngayon pa din naman ata).

     Kung nag-aral ka sa pampublikong paaralan kagaya ko, kalimitang tumatagal lamang ng 15 minutes hanggang 20 minutes ang recess. Gamit ang "tray" na kukunin ng mga "masunurin" mong mga kaklase sa canteen. Madami din naman ang laman ng tray at hangga't maaari, dapat ubos ang laman ng tray o mabibili lahat ng laman nito). Mani, dilis, mixed nuts, junk foords, sandwich (made in pandesal with palaman), cupcakes at dalawang box ng juice. Kung minsan, may kasamang hotdog, barbeque at mga prutas. May mga "soup" din naman na kung hindi sobrang init e malamig naman. Sobrang init na halos aabutin ng 10 minutes bago lumamig (OA, pero totoo). By row ang pagbili, bawat araw ay may row na mauuna; Monday row 1, Tuesday row 2, blah... blah.. blah... Kung kayo ang nasa huling row, maswerte ka na kapag may natira pang mga juice, barbeque, hotdog at junk foods. Kalimitan mo ng mabibili ay ang bihirang maubos na "soup" kasama ng mga mani at dilis. 

     Uwian. Halos lahat naman ata ng estudyante sa lahat ng antas ay ito ang paborito. Masarap umuwi kung hindi ka "cleaner". Bawat araw, may row na dapat maglinis ng silid-aralan pagkatapos na klase. Kung minsan naman, piling estudyante o yung mga makukulit na bata ang naiiwan para maging "cleaner".

     Bukod sa sangkatutak na tricycle at mga pedicab, bukod pa ang sundo mo, makakakita ka ng mini-palengke. Maraming paninda. Dirty ice-cream, scramble, palamig, mga laruan, at mga "alagang-hayop". Mga street foods kung tawagin o yung mga pagkaing mura na, marumi pa (sabi nila). Kung ano ang uso, yun ang makikita mo. Noon ay uso ang beyblade, Tamiya (laruang kotse na pang-karera), Crush Gear (laruang kotse din pero may mga "weapon"). Sa mga itinuturing na "alagang-hayop", di mawawala ang mga isda, gagamba at komang (parang malaking suso (snail) na may sipit kagaya ng sa mga alimasag). Pag-uwi mo dapat atleast nakabili ka sa mini-palengke ng mga "souvenir" sa labas ng paaralan mo para paniguradong kumpleto ang araw mo.



     Sa anim (6) na taon sa elementarya, katumbas din nito ang anim na Class Picture. Say "Cheese". May mga makokorni kang kaklase na magsasabi ng "Keso" (Oo, nakokornihan ako sa kanila noon pa). Nagtataka ako dati kung bakit pa kailangan na magsabi ng "Cheese" kapag nagpapakuha ng litrato. Nasa Grade 4 na ako nang ma-realize na pormang nakangiti ang bibig mo kapag binibigkas ang salitang "Cheese" (Aha!). Hindi ako nagsasawang tingnan paulit-ulit ang anim na Class Picture ko noong elementary ako. (Uyyy! Hahanapin nya yung kanya). May mga pagkakataong nakangiti ka at mayroon din namang nakapikit. May pormal at may "wacky". Kung minsan, may mga kaklase ka (o ikaw mismo) na wala namang pinagkaiba ang pose sa pormal at "wacky".



     Hinati ko sa apat (4) na uri ang mga guro sa elementarya; (1) beterano na gurong nakakatakot, (2) beterano na gurong hindi nakakatakot, (3) mga baguhang guro na mukhang hindi sigurado sa kanilang itinuturo at (4) mga gurong nagbebenta ng mga "pampatalinong pagkain" (yema, mani, at madami pang iba).

     Karaniwang nasa hanay ng mga unang klase ng guro ay ang mga tinatawag na mga matatandang-dalaga. Mga guro na masyado atang isinapuso ang pagtuturo kaya hindi na napagtuunan ng pansin ang pag-aasawa (o baka naman mga pihikan sila). Karaniwan mong magiging guro kapag nasa mataas na section ka. Madalas magalit lalo na kapag maingay ang klase habang nagtuturo sya. Mukhang kakainin ka ng buhay kapag hindi mo nagawa ang mga takdang-aralin. Mapapahiya ka sa buong klase mo kapag hindi ka nakasagot sa recitation. Namumunit ng test papers kapag mababa ang nakuha mong marka. Nagpapasulat ng reaction paper sa isang buong manila paper (Joke!). Literal na nakakatakot. Sa kabila naman ng mga katangian na ito ay matututo ang mga estudyante. Sisipagin ang mga tamad. Tatalino ang hindi gaanong matalino. Napipilitang magrecite ang mga tahimik. Makakabisado mo ang multiplication table 1 to 9 sa loob lamang ng 30 minutes (OA!) o cge mga 45 minutes to 1 hour. Pero kadalasan, sa loob lang naman ng klase sila ganito. Napaka-propesyonal pagdating sa pagtuturo pero pwede mong maging kaibigan (madalas ng mga magulang mo) kapag nasa labas na ng paaralan. (BABALA: Ang susunod mong mababasa ay RATED SPG). Aaminin ko na sa ganitong klase ako ng guro natutong mangopya. Mangopya dahil ayaw kong mapunitan ng papel kapag exam. Ayokong mapahiya sa harap ng buong klase. Desperado kung tutuusin. Alam ko namang hindi ako nag-iisa sa gawaing ito (Di ba?!). Alam ko din na hindi ito ang una at huli kong pangongopya.

     Yung mga gurong "Mrs" na ang karaniwang nasa ikalawang klase. Malamang, halos kabaligtaran naman ang mga katangian ng mga ganitong klaseng guro kung ikukumpara sa nauna. Tatlo naisip kong dahilan kung bakit hindi sila "nakakatakot" magturo; (1) Naiisip nila ang kanilang mga anak sa bawat pagkakataong pinapagalitan nila ang mga bata, (2) sa tagal na nilang nagtuturo, nagsawa na sila sa kasasaway sa mga makukulit na mga bata, at (3) Mabait lang talaga sila since birth.

     Kinatutuwaan ko naman ang mga nasa ikatlong klase o ang mga baguhang mga guro. Dahil siguro hindi pa sanay sa kulit ng mga bata, mas pinagtutuunan ng pansin ang pagsaway sa mga maiingay sa klase kaysa sa pagtuturo. Kapag nagturo, madaming nakadikit na manila papers at cartolina sa blackboard. Ipapabasa sa klase ang mga nakadikit sa blackboard, konting paliwanag, tapos ang klase. Kpag may natira pang oras sa klase may magpapa-quiz (na mukhang hindi naman nirerecord).

     Pinakapaborito ko lahat ng klase ng guro ay ang pang-apat. Hindi ako sigurado kung nakakapag-patalino nga ang mga itinitinda nilang pagkain, pero siguradong tataas ang marka mo 'pag bumili ka.

     Matalino, mabait, disiplinado at iba pang mga positibong bagay ang matatanggap mo kapag nasa higher section ka. Sa pananaw ko, oo, pero di naman lahat. Sa pagkakatanda ko mula ng mag Grade 2 hanggang Grade 6 akong nasa section 1 (sa maniwala ka man o hindi), madalas sabihin na kami daw ang pinaka makulit na batch ng section 1 kung ikukumpara sa mga dati. May laman ang mga utak subalit sa pagiging "pasaway" ay section 1 din. Di naman dahil nasa mataas na section ka ay maituturing na matalino ka. May mga sadyang masipag lang sa paggawa ng mga takdang-aralin. Masipag mag-recite. Masunuring bata at may friendly, galanteng mga magulang (if you know what I mean). Madalas bumili ng mga paninda ng guro. Nagkataon lang na ang mga nasa matataas na section sa elementarya ay mga pinalad na may sapat na gamit para mas ganahan mag-aral. May puhunan. May mga estudyante din naman na nasa mas mababang section ngunit may angking galing at talino. Kadalasan lang ay nagkukulang ng mga kagamitan pang-eskwela kaya "tinatamad" mag-aral. Halos lahat naman ata ng estudyante ay magiging masipag mag-aral kapag kumpleto ang gamit.

     "Ber" months na naman. Pinaka-aabangan ng lahat ng estudyante (di lang ng mga nasa nasa elementarya), ang taunang "Christmas Party". Nagkakaroon pa ng meeting ang mga magulang para sa Christmas Party. Bawat magulang ay magdadala ng isang putahe o handa. May mga naghahati-hati at mayroon din namang nagsosolo (yung mga nakaka-angat sa buhay). May programa, may mga sasayaw, kakanta, palaro at iba pa. May mga tutula, makikipag-balagtasan at bugtungan (Joke!, pero malay natin meron nga sa iba).

     Exchange gift ang inaabangan ng lahat sa party kasunod ng kainan. Para sa mga Grade 1 at Grade 2, mula sa kanilang mga magulang ang natatanggap nilang regalo. Mula naman Grade 3 hanggang Grade 6, exchange gift na kayo. Bunutan ng pangalan para malaman kung sino ang ka-exchange gift mo. Swerte kapag napunta ang pangalan mo sa "may-kaya" mong kaklase o kaya naman ay sa guro mo (oo, kasama ang guro sa exchange gift). Minsan naman, lalagyan ng numero ang mga regalo sa mismong araw ng party, pagkatapos ay bubunot isa-isa ang mga estudyante ng numero. Kung ano ang nakuha mong numero, yun ang matatanggap mong regalo (malamang!). Required kang maging galante kapag nabunot mo ang pangalan ng "crush" mo o ng guro mo.

     Dati pa man ay may mga rules na dapat sundin sa pagpili ng pang-regalo; (1) atleast P50.00 ang halaga ng regalo, (2) unisex - pwedeng gamitin ng babae at lalaki. Yun lang ang mga rules dati. Malamang kung ka-batch kita ay alam mo ang ang mga karaniwang natatanggap ng mga estudyante. Mapalad ka na kapag nakatanggap ka ng laruan, dahil sa mga "old school" rules na ito ay asahan mo ng matatanggap mo ang mga; (1) picture frames, (2) photo album, (3) mugs, (4) wall clock at alarm clock, na pagkalipas ng isang linggo ay hindi na gumagana ang "alarm" (don't worry, kasama na ang baterya). Halos lahat ng yan ay maninili mo sa palengker (na malapit sa'min) sa halagang eksaktong P50.00. Nasunod naman ang mga rules. Isa sa hindi ko makakalimutang natanggap ng pinsa ko (oo, hindi ako) sa exchange gift ay isang "personal hygiene package". Kumpleto! (package nga eh). May mini-tuwalya (hindi face-towel), sabon, toothpaste at toothbrush.

     Dahil likas na sa mga Pinoy ang pagiging excited. nauso din ang Monito-Monita (karaniwang nagsisimula sa buwan ng Disyembre). Lingguhan kang makakatanggap ng regalo. Ganun din ang proseso para malaman kung sino ang makakapalitan mo, kaso may "Twist" (Hanep!). Gagawa ka ng "codename" mo. Kung tama ang pagkaka-alala ko, "Shaider" ata ang naisip kong codename. Bawat linggo ay iba't-iba ang dapat mong iregalo, may kategorya. Something hard, something soft blah... blah.. blah.. Magastos kung iisipin, pero kung madiskarte ka gaya ko, pwede ka naman mag-recycle ng mga regalo. Kung ano ang makita mong something hard o soft sa bahay nyu, balutin mo lang (siguraduhin muna na hindi na 'to ginagamit pa) at yun ang iregalo mo. Di naman kailangan lagi kang bibili. Nga pala, di ako kuripot, sadyang nagtitipid lang at madiskarte.

     Six years will always me six years (Nose bleed!). Hindi biro ang anim (6) na taong pag-aaral sa elementarya. Anim na taong magsisilbing pundasyon natin para sa mga susunod pang taon ng pag-aaral.

     Ilang puno ang pinutol para lamang gawing mga papel, lapis at notebook. Ilang beses ng napagalitan ng guro. Ilang beses gumawa/hindi gumawa ng takdang-aralin. Ilang manila paper, cartolina, plastic at brown envelope, plastic cover, basahan, floorwax at iba pa ang mga nai-donate. Anim na "Class Picture".


     Sa kabila ng anim na taong sakripisyo, nadagdagan ang kaalaman sa bawat subjects. Nadagdagan ang mga kaibigan. First batch ng mga taong babalikan at pasasalamatan natin pagdating ng panahon.
   





 "Unang dilig para sa binhing hindi pa alam kung ano ang magiging bunga"



Ipagpapatuloy...


   
     

   


     

Saturday, July 21, 2012

Quotes

     Madalas tayong nakakabasa ng mga pick-up lines, patama, love, funny and inspirational quotes and advices gamit ang mga social networking sites gaya ng facebook at twitter. Sabi nga nila, iba't-ibang tao ay may iba't-ibang ugali, personalidad at syempre, pananaw o paniniwala sa mga bagay-bagay.


Sumtyms u have to pretend 
That ur happy and fine..
Until you realize that ur 
Pretension has become
Ur strength to move on :)

TAMA! Good Morning guys

Kakagcng lang ni [ enter codename here ]
Have a nice day!

GM. [ enter codename here ]


    Karaniwan mo ng nababasa sa cellphone mo ang mga ganyang message. "Group message" o GM kung tawagin nga natin. Simula ng mauso ang pagkakaroon ng mga "unlimited text and call promo" ng mga telecommunication sites, ay nagiging madalas na ang pagtanggap natin ng mga GM.

     Subalit natanong mo na ba sa sarili mo kung sino ang unang taong nakapag-GM?, Ano ang laman ng GM nya?, Anung simcard ang gamit nya?. Ako din mismo ay hindi alam ang mga sagot sa tanong na yan at wala na din akong balak na alamin pa dahil hindi naman tungkol sa GM ang gusto kong bigyang-pansin (Naks!).

     Bagamat nauso na ang mga pick-up lines ngayon ay hindi pa din nawawala ang mga qoutes. Ilan sa mga paniniwala, pananaw, ideya at ang mga love, funny and inspirational quotes na maaaring nabasa o narinig mo na ang naisipan kong "patulan" dahil wala akong magawa. Kanya-kanyang trip lang yan.

     Unang-una na dyan ang di pa rin mawala-walang "Love at first sight". Weh?! Sure kang love na yan?? Hmmmm.. Baka naman na-attract ka lang sa kanyang taglay na kagwapuhan o kagandahan. If ever naman na naniniwala ka dito, ingat na lang ah. Sa panahon ngayon, di dahil gwapo at matipuno ang katawan ay lalaki na at di dahil maganda't may kurba ang katawan ay babae na.

     Sumunod naman dyan ang "The truth will set you free". Yup!.. Oo nga naman. Sino ba naman ang gustong mabuhay sa kasinungalingan. Subalit aminin man natin o hindi, may mga pagkakataong mas pilit nating pinaniniwalaan ang itinuturing na "kasinungalingan" kaysa sa "katotohanan" na sadyang kay hirap tanggapin. As in mahirap talagang tanggapin (Oo, promise! Kay hirap talagang tanggapin!).

     May mga tao naman na nagsasabing "Pag nagmamahal ka, wag mong ibigay lahat, magtira ka para sa sarili mo". Ganun?! Tama naman na you also have to love yourself, pero syempre di ba, kapag nakikipag-relasyon ka (lalo na kung seryoso) ay dapat ibigay mo lahat. Dapat maiparamdam mo sa partner mo na talagang seryoso ka sa kanya. Sa tuwing may mga nanliligaw nga, madalas nating maririnig (o baka sa mga pelikula na lang) ang mga linyang "I will give you the best in this world". Eh paano mo ibibigay ang sinasabi mong "best" kung di mo naman ibibigay lahat. And also, if ever na maghiwalay man, masasabi mo sa sarili mo na (in a very soft voice) "Ibinigay ko naman ang lahat, di lang sya nakuntento" (Tapos magiging "bitter" ka na for the next few days).

     "Ang tunay na kagandahan ay nasa kalooban". Hanep! Linyang pang Miss Universe. Isa ako sa mga naniniwala sa linyang ito. Lalo pang tumibay ang paniniwala ko dito dahil for this past few days lang ay napansin ko na madami-dami na din ang magagandang "single". Baka naman sadyang pihikan o "choosy" lang talaga sila (Siguro nga).


The reason why people give up
so fast is because they tend to
look at how far they still have
to go, instead of how far they 
gotten.


Uu nga naman.. 
Good Afternoon guys!

Here at [ enter current location here ]
Kain na po ng lunch!


Gm. [ enter codename here ]


     Nabasa ko din ang "Assuming does not hurt you, Expecting does". Bago ka mag-agree, ano nga ba ang pagkakaiba ng pag-assume sa pag-expect?. Kung iisipin, parang wala namang pagkakaiba, pero kung simpleng pagsasalin lang sa filipino word, assuming means "PAG-AAKALA" samantalang ang expecting ay "UMAASA". Best example: Love Life! Kung nainlab ka na, for sure ay maiintindihan mo ang ibig sabihin nyan. Pwede nating sabihin na may mga tao na hindi ka naman talaga pinapaasa, sadyang binigyan mo lang ng malisya ang pakikisama nya sa'yo. May mga taong inborn ang pagiging friendly at sweet, at may mga tao din naman na sadyang madaling mainlab. Karaniwang nagaganap yan sa mga magkaibigan o ung mag-bestfriend. Naniniwala din naman ako na sa mag-bestfriend na babae at lalaki, imposibleng wala ni isa sa kanila ang may pagtingin sa bestfriend nila. Maswerte ka na kapag naging mag-on kayo ng bestfriend mo, pero kung hindi naman, WELCOME TO FRIEND ZONE!

Friend Zone -  refers to a relationship where one wishes to enter into a romantic relationship while the other does not.

     "Everybody deserves a second chance". Tama!. Pero syempre, nandyan na naman ang salitang "Depende". Depende sa taong bibigyan mo ng pangalawang pagkakataon. Depende kung gaano kahalaga sa'yo ang taong ito. Depende kung ano ang nagawang kasalanan sa'yo. Depende kung kaya mo nga talagang magbigay ng pangalawang pagkakataon. At ang pinakamabigat na "depende", depende sa payo o sasabihin ng mga kaibigan mo (madalas ganyan ang mangyari). Nakakatuwang isipin na kung minsan, may mga taong alam naman ang kanilang dapat gawin ngunit sadyang naiiba pa din kapag kumonsulta sa mga kaibigan. Aminin mo man o hindi, malaking porsyento ang binibigay ng payo o ang sasabihin ng mga kaibigan mo sa magiging desisyon mo kung magbibigay ka pa ng pangalawang pagkakataon. Subalit sa huli, ikaw pa din naman ang gagawa ng desisyon at magkakaroon ng responsibilidad sa gagawin mo.

     Kung magbibigay ka naman ng pangalawang pagkakataon, di mawawala ang sinasabing "Forgive but don't forget". May point kung tutuusin, pero kung iisipin, parang wala ding saysay ang binigay mong pangalawang pagkakataon. Bakit mo pa binigyan ng pangalawang pagkakataon kung sa bawat araw ng muli nyong pagsasama ay naaalala mo pa din ang mga nagawa nyang kasalanan sa nakaraan? (na dapat ay kinalimutan mo na).

     Tunay na "Love is sweeter the second time around" kung isasabay mo sa pagbigay sa kanya ng pangalawang pagkakataon ang tuluyang paglimot (Hanep!) sa mga di kanais-nais na nangyari sa nakaraan. Kung sakali namang gumawa na naman ng kasalanan, Aba! Alam mo na siguro ang dapat gawin. Walang gamot sa katangahan kundi pagkukusa (Nabasa ko lang yan). 

     Kasabay ng pagdami ng mga broken-hearted, ay ang pagdami din ng mga quotes. Madalas mo 'tong mababasa gamit ang mga social networking sites (at kung nakaka-receive ka pa din ng mga GM mula sa mga kaibigan mo). Tinatawag nga itong "Relatable Quotes" o yung mga quotes na (malamang) nakaka-relate ka.
     
  • Hindi mo malalaman ang TAMA, kung masaya kang ginagawa ang MALI.
  • Walang taong tanga, sadyang nagkamali ka lang.
  • Hindi mo naman kailangan maging EVERYTHING to EVERYONE. Maging SOMETHING ka lang to SOMEONE, pwede na.
  • Nahiya naman ang BATO sa pagiging MANHID mo.
  • Ang masakit sa taong iniwan, ay yung hindi mo alam kung bakit ka iniwan.

    Ano man ang nararamdaman mo sa mga oras na 'to ay siguradong may mga qoutes na nababagay para dyan. Yung mga quotes na pag nabasa mo ay mapapasabi ka na lang ng "TAMA" sabay status sa facebook at tweet sa twitter (pwede mo din na i-GM).


Ang sabi ng kaibigan ko, 
"Sibuyas ang tanging gulay
na nakakapagpaluha sa tao."

Binato ko nga ng kalabasa
sa mukha!
Iyak sya eh!


AHAHAHA! 
Kain na po ng dinner
Hope u had a nice day!


GM. [ enter codename here ] 





     



Thursday, July 12, 2012

My First Blog


Hello! Hmm.. Paano ko nga ba sisimulan ang unang blog ko. Ganito na lang, I will write anything na lang muna ng maisip ko. Since this is my first blog and this is a free country and I can do what I want.

Hi guys! (Ulit) Sana nasa mabuti kang kalagayan habang binabasa mo ang article na 'to (Article daw oh!). Ako nga pala si Jerome. Karamihan ng mga kaibigahn ko ay "Ji" at "Rom" ang tawag sa'kin. Hindi pa naman lalagpas sa 20 ang edad ko. Nag-aral ako ng aking elementarya sa Mababang Paaralan ng Rafael Palma. Sumunod ay sa Mataas ng Paaralang Araullo. Nakapagtapos ako ng kolehiyo sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ng kursong Bachelor of Science in Computer Studies (Haba no') in short BSCS-IT (Meron naman palang acronym eh).

Hilig ko ang mag-basketball, mag-gitara at kung minsan, gumagawa din ako ng kanta (Sa maniwala ka man o hindi) at syempre kumanta (kahit parang ayaw sakin ng pagkanta) at makinig ng music. Idagdag na din natin ang pagsayaw at pag-dodota.

Nasa playlist ko ang mga kanta ng mga sumusunod:

Foreign Groups:

  • Maroon 5
  • The Script
  • Fall Out Boy
  • Mayday Parade
  • Paramore
  • Red Jumpsuit Apparatus
  • Panic At The Disco!

Local Groups:

  • Eraserheads (Lahat naman ata ng Pinoy)
  • Bamboo
  • Rivermaya (Kahit papalit-palit ng vocals)
  • Parokya ni Edgar (Walang kupas)
  • Orange and Lemon (Disband na ata yun)
  • Kamikazee 

Mahilig ako sa acoustics kaya fan din ako ng Boyce Avenue, Tyler Ward or kahit sino basta gumagawa ng mga acoustics covers ng mga Pop Song. Di naman mawawala sa acoustics si Mr. Jason Mraz.

FYI: Mas madalas ko pang pakinggan ang mga acoustic covers ng mga kanta kaysa sa original version.

Gagawa din ako ng mga guitar covers soon. Wait nyu lang (Or kahit di mo na hintayin, gagawa pa din ako).

Lately ay nahilig ako sa paggamit ng mga social networking sites gaya ng Facebook at Twitter. Kahit anong bagay ba malilibang ako (Isa na din ang paggawa ng mga blogs starting this day). Kaya nahilig ako sa mga ganitong gawain ay dahil UNEMPLOYED ako as of now (Parang proud pa ako eh no'). Hoping to get a job as soon as possible.

Dahil na din sa napaka-plenty ng aking "Free Time", nakahiligan ko din ang magbasa ng mga libro. Ilan sa mga ito ay ang mga libro ni Bob Ong (Although nabasa ko na din dati, trip ko lang basahin ulit). Natapos ko na "ulit" basahin ang mga librong:

  • ABNKKBSNPLAko
  • Alamat ng Gubat
  • Ang Paboritong Libro ni Hudas

Binabasa ko ngayon ay ang "Stainless Longganisa" (Free ads). 

Magaganda ang mga content ng libro. Promise! A must read na mga libro. Di ko na ikkwento ang mga laman ng libro dahil bukod sa hindi ko din masyadong naintindihan ang ibang mga laman. Basta basahin nyu na lang (Free ads again)

Masaya din palang gumawa ng blogs. Dati ko pa din naman gustong gumawa ng mga blogs ngunit dahil na din sa masyadong "busy" this past few months (English un ah!) kaya ngayon lang ako nakapag-blog.

So yun muna as of now. Sabi ko naman kanina, I will write anything na maisip ko. That only means na wala na akong maisip as of now (As of now lang naman).

Isip ako ng matitinong topic na i-blog next time.
Promise yan.