A wild text message appeared! Aba! si kaibigan! Teka, ang tagal na nitong di nagtetext ah. Matagal ng di nagpaparamadam kasi nagka-lovelife na. Ganyan naman ang madalas na eksena eh, magkakalablayp ang tropa mo at panandalian kayong makakalimutan. Mabalik tayo kay kaibigan. Ano kayang meron? Alam ko na! Dalawa lang naman ang naiisip kong dahilan kung bakit siya napatext. Una, away sila ng bf/gf niya. Pangalawa, break na sila (wag naman sana). Ok. Astig! Tama. Nakakalungkot isipin pero tama ang pangalawa. Bilang tropa, you know what to do na. It's comfort time! Malamang sa maybe kaya nagtext/nag-GM yan dahil namimiss kayong mga tropa niya. Kamustahan. Pag tinanong mo naman kung kamusta siya, malamang ang isagot niya ay OK lang ako (kahit hindi naman talaga). Kung matalino ka, malamang ay hindi mo na uulit-ulitin ang pagtatanong sa kanya kung ok lang ba siya dahil paulit-ulit lang din naman na sasabihin niya na ok lang siya. Hangga't maari ay ayaw niyang pag-usapan kung ano ang nangyari.
Parehas kayong single ngayon. May pagkakaiba nga lang kayong dalawa, siya, single dahil kaka-break lang sa kanyang bf/gf, at ikaw naman, matagal ng single. Single ka kasi choice mo. Yan ang madalas mong sabihin sa sarili mo para may pampalubag-loob ka. Pero ang totoo, naghahanap ka pero wala ka lang talagang mahanap. Oh well, moving on (Wow!), so ayun na nga. Parehas na kayong single. Since matagal na din naman kayong di nagkakausap, mahaba-habang usapan ang magaganap, mahaba-habang text. Maraming dapat i-update.
Hindi na nakunteto sa text lang. Biglang magkakayayaan lumabas. Uy tara kita tayo! Bakit anong meron? Wala lang. Matagal na din namang di nagkita kaya sige, ok lang. Malamang sa mall yan. Ikot-ikot. Kwentuhan habang naglalakad. Nangalay. Uupo. Tuloy ang kwentuhan. Aalukin kung gusto bang kumain. Ang sagot, hindi. Maiinom gusto mo? Ok lang. Dahil di pa gutom edi bumili na lang ng maiinom, pampalamig. Tanungin mo naman kung ano gustong inumin, ang sagot, ikaw bahala. Hayzz, kaya mo nga siya tinanong ng kung ano ang gusto niyang inuman dahil wala ka ding idea kung ano nga ba ang pwedeng inumin. Oh sige, kung ano na lang ang malapit na tindahan ng inumin, yun na lang. Lakad ulit. Tuloy ang kwentuhan. Medyo nauubusan na ako ng kwento tsk tsk tsk. Biglang mong nadama na parang nagbago ang mood niya. Ooopss! may nasabi ba akong mali? Pagkaka-alala ko wala naman. O baka naman sa tingin ko lang wala, pero meron lang talaga. Balak ko ng tanungin kung ok lang siya pero naisip ko na din na malamang ang isasagot na naman niyang muli ay "Ok lang ako". Sabay na uuwi. Tahimik lang hanggang sa una na siyang bababa. Bye! Salamat. Ok. Back to texting mode. Medyo naging seryoso na ang usapan. Nagkukwento na siya ng mga bagay na nangyari sa kanila ng ex niya. Pang telenobela na ang mga reply. Advice daw eh. Kahit di naman talaga siya nanghihingi. Kahit medyo tinatamaan ka na ng antok ay tuloy ka pa din sa pagreply. Sa totoo lang, masakit kaya sa ulo yung moment na napapapikit ka na pagkatapos ay didilat ka bigla dahil biglang tutunog ang cp mo dahil nagreply na siya. Aantukin ka kasi nga mahaba ang reply niya. Time-consuming (Wow!). Hanggang sa parehas na kayong tamaan ng antok. Tulog na. Magso-sorry muna siya sa'yo dahil naabala ka daw niya. Sagot mo naman ay ok lang yun (kahit hindi naman talaga kasi nga antok na antok ka na). Nagpasalamat siya. Hindi na nagreply kasi hahaba pa ang usapan. Antok na talaga.
Mas naging madalas na ang pagtetext. Naulit na din ang paglabas. Kung minsan, mahuhuli mo na lang ang sarili mo na tinitext siya kahit hindi na siya nagrereply. Patuloy ka pa din sa pagbati sa kanya ng Good Morning, Good Afternoon, Good Evening. Patuloy ang tanong ng kamusta na?, kumain ka na ba?. Kunwari GM pero siya naman talaga ang pinapatamaan mo. Sa bawat tunog ng cp mo ay umaasa ka na pangalan niya ang mababasa mo. Nakangiti ka kapag nagtext siya. Reply agad. Bakit kaya di na siya nagrereply? Walang load? Busy sa trabaho? baka naman may mga bago ng nanliligaw sa kanya? O baka naman sila na ulit ng ex niya. Kung magka ganon man, ok lang. Pipilitin kong kumbinsihin ang sarili ko na Ok lang. Ok lang naman talaga eh! Ok lang!
Teka?! Nagiging assuming na ba ako? Nabibigyan ko na ba ng malisya ang mga bagay-bagay na nangyayari? Ok. Pipilit ko sa sarili ko na hindi ako nag-assume. Pilitin. Pilitin. Tsk tsk tsk. Kita na ang ebidensya nagdedeny pa. Ok sige! Guilty! Assuming spotted!
Wait! Teka! Sino ba ang dapat sisihin kung bakit nag-aassume ang isang tao. Ang taong nagpapakita/nagpaparamdam ng mga bagay na ka-assume assume naman talaga? o ang sarili mo? Hmmmm... Sino nga ba? Actually mahirap sagutin ang tanong na yan. Pwede mong sisihin ang sarili mo. Pwede mong sisihin ang mataba mong utak na nagpa-process ng mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid mo. Pwede mong sisihin ang mataba mong utak na pagbibigay ng malisya sa pinaggagawa ng "kaibigan" mo. Pwede mong sisihin ang mataba mong utak sa pag-iimagine ng imahe niyo together in the future! On the other side naman (dumadalas ang pagi-English ah!), pwede mo siyang sisihin dahil sa pagpaparamdam ng mga bagay-bagay na ka-assume assume naman talaga! Yun lang yun!
Ilang linggo ang lumipas. Owwww! A wild text message appeared! Si kaibigan ...