Saturday, February 9, 2013

Kathang-isip (Valentine's Day Edition)...

     Gumising ng maaga. Kumain ng almusal. Naligo. Suot ang pinaka magarang damit. Hindi dapat kalimutan ang mag pabango. Pumunta ng Dangwa para bumili ng bulaklak. Rosas. Tatlong piraso. Tinext ang mga kaklase niya para tanungin kung nasa klase na ba siya. Tinanong kung handa na din ba ang lahat. Halos isang linggong pinagplanuhan. Nakiusap na ako sa mga kaklase niya. Isinama ko na din ang kanilang Prof. Scripted na ang lahat ng mangyayari.


     Reporting ng grupo nila. Kasabwat ko ang mga ka-grupo niya. Siya ang huling magrereport. . "Maling" powerpoint presentation ang ilalagay. Ipapakita ang video na ginawa ko ng halos tatlong araw. 

      Nasa labas na ako ng classroom nila. Kabado. Isasantabi ko na muna ang hiya ko para sa araw na 'to. Nag-play na ang video. This is it! Kita ako. May hawak ng gitara. Tumutugtog. Buko - Jireh Lim. Yun kasi ang uso at saktong-sakto ang lyrics para sa 'ming dalawa. Tumutugtog lang ako. Pagkatapos ng intro ay papasok na ako sa likod ng classroom nila habang hawak ang binili kong bulaklak. Umaawit habang papalapit sa kanya. Nakatingin sa'kin lahat ng kaklase niya pati ang Prof niya na nakangiti. Unang verse ng kanta. Halata sa boses na kabado. Tumingin ako sa kanya. Wew! Okey na! Swabe na ang boses pagdating sa chorus. Second verse. Katabi ko na siya. Tuloy lang sa pag-awit. Sa mga mahinang asar ng "ayieeee", alam kong kinikilig din ang mga kaklase niya. Ewan ko lang si Prof.  Tapos na akong tumugtog sa video. Natapos na din akong kumanta. But wait! There's more! Tuloy pa din sa pag play ang video. No One Else Comes Close - Joe. Intrumental lang. Para lang may background music ako habang binibigay ko sa kanya ang bulaklak. Hindi siya makitingin ng diretso sa mga mata ko. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya sa pinag-gagawa ko o ganoon lang talaga siya kapag kinikilig. Makalipas ang ilang segundo, nakatingin na din siya sa'kin. Nakangiti. Ganda niya talaga. Hawak na niya ang bigay kong bulaklak. Medyo lumalakas na ang "ayieeee" ng mga kaklase niya at may halo ng palakpakan. Hindi naman mawawala ang mga kaklase niya na nagsasabi ng "Kiss, Kiss" na mukhang mas kinikilig pa sila kaysa sa kanya. Pero dahil nasa school ako, yakap lang sabay sabi ng "Happy Valentine's Day, I Lo......."

Pak! (sampal ng nakababata kong kapatid, mahina lang naman)

Kuya! Kuya! (habang patuloy sa pagsampal) Gising na! Late ka na sa trabaho!

Awts. Panaginip lang??

Oo nga. Panaginip lang. 

Sayang.....

Sunday, February 3, 2013

Assuming does not hurt you...

     February. Love month daw (sabi ng mga taong in a relationship ang status sa facebook) or kahit sinong in love and being loved. So what do you expect? Malamang sa maybe iniisip mo na ang blog na to' ay about love? Uunahan na kita. Hindi ito isang blog about love and not even a love story. (Non-sense introduction).

     Akala mo ayos na ang lahat, yun pala hindi pa. Akala mo meron, yun pala wala. Akala mo malapit ka na, nandoon ka na, napakalayo mo pa din pala. Akala mo masaya na at hindi ka iiwan, mauuwi din pala sa kalungkutan at pag-iisa. Akala mo tunay na pag-ibig na, landian lang pala. (Ooops! masyadong "dard" ang word na landian, palitan natin). Akala mo tunay na pag-ibig na, fling lang pala (Much better?).

     Drama. Kung isa ka sa biktima ng pagiging assuming (mukhang lahat naman tayo ay naranasan na ang mag-assume), malamang ay nasabi mo na din sa sarili mo ang mga bagay na yan. Puro negative na lang ba ang epekto ng pagiging assuming? Hmmmm....

     Kapag nag-effort siya sa'yo. Madalas kang i-text ng mga sweet message. Concern kung kumain ka na. Gusto ka niya palagi makasama. Binibigyan ka na chocolates, flowers, at iba pa. Ano ang nararamdaman mo? Nakakakilig. Nakakatuwa. Nagiging creative din ang takbo ng iyong utak. Ang imagination. Simpleng bagay na ginagawa niya para sa'yo ay binibigyan na agad malisya. Oh di ba? Nice!. In general, masaya mag-assume. Maging assuming. Binibigyan ka ng happiness (even just for a while). (Sabi din ng isa kong friend yan)